[Donnah's POV]
Tss, ibang klase rin yun. Na-notice niya pa? Tao pa ba siya? Eh kahit nga yung kahalikan ko kanina sa billiard club ay hindi nakapansin sa mga kalmot at pasa ko sa mukha.
"Don't you have any wallet?"
"Ay!" Napatalon ako sa gulat. Namula pa ako sa hiya nung mahuli ako ni King na pinapasok ang sweldo ko sa loob ng aking bra.
"P-pampaswerte at tsaka, para naman malaki kung tingnan," ngisi ko at medyo inangat ang dalawa at malulusog kong dede. Napanguso ako nung umiwas ng tingin si King at bahagyang kumunot ang kanyang noo.
"So saan tayo mag-uusap? Dito lang ba?" Tanong ko at kinuha ang maliit kong listahan at ballpen mula sa bulsang nasa pwetan ko.
"No, follow me."
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko at dire-diretso na siyang naglakad sa kabilang parte ng gubat. Baka ire-rape niya ako? Ah, ayos lang, macho naman siya at gwapo.
"Get in."
No way! No, no, no! Sasakyan niya ba 'to? Skoda Auto na nakaparada sa harapan namin. Mukhang bago pa, I can't see a single scratch and it is shining luxuriously. Iba talaga, mayaman nga ang isang 'to.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na akong pumasok ng front seat. Yeah, baby, nakasakay na rin ako sa wakas ng auto. Mmm, ang bango-bango. Amoy mayaman, iuwi ko kaya ang hoodie niya? Huwag na pala, baka pati yun ay kukunin ni Rachel. Isang maderpakeng inggetera ng Archbay City.
"Una sa lahat ay nais sana kitang interview-hin."
"I thought you already asked Layla about that?" Napanganga ako.
"Alam mo?!"
"Yeah, that's the reason why you know who Artemis San Diego is."
May point naman siya. Sino pa nga ba ang iba kong matatanungan? At si Ma'am Layla lang naman ang may alam ng lahat sa loob ng Knight Ground.
"Well, there are some particular things that I want to hear from you. Shall we get started?" Wala gana lang itong tumango habang nakahalukipkip. Ah bahala siya kung wala siyang gana, basta yung pera ang puntirya ko.
"Only child?"
"Yes." Kaya pala mukhang spoiled.
"Ex-girlfriends?"
"Don't have." Agad niyang sagot na ikinagulat ko
"What?! Does it mean na virgin ka pa?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Don't ask any nonsense things. As if I would have s*x with Artemis." Does he even know how relationship works?
"Duh! Of course. If you want her to be with you, show her that you can give her everything... as in everything."
"I don't think relationship only revolves around sex."
Ugh! Sumasakit ulo ko sa ulupong na 'to. Akala mo kung sino ang matapang sa battleground, tutoy naman pala sa relasyon at s*x. Yucks, ka-turn off.
"Trust me, s*x is everything if you want the magic to work."
"Have you been in a relationship before?"
"Couple times, yeah."
"Did it work?" Akala ko ako magtatanong? Ba't ako pa yung ini-interrogate?
"If I wanted to, pero s*x lang naman kasi ang habol ko." Umayos siya ng upo at tumingin sa harap.
"If you'll help me, I want my relationship with Artemis to work. I want it to work cause I want to, not because i'm craving for a s*x partner." I rolled my eyes when his words started to get emotional. Siya yung lalaki, dapat siya pa nga yung maghabol sa s*x. Ugh! This guy is someone I don't want to be with. Masyadong maarte at pabebe.
"Oo nga, tutulungan kita. I think magiging mahirap 'to, with someone like you who doesn't know how relationship works."
Pinunit ko ang papel na hinahawakan ko pagkatapos ay inabot ko iyun sa kanya.
Time: Tomorrow (Saturday) @3pm
Place: Sky Autumn Café
Dress Code: Casual
.
Napanganga ako nung makita ko agad siya na nakasandal sa hood ng kanyang Skoda Auto. Napatingin ako sa oras na nasa phone ko at 2:45 pa lang.
"Hey, kanina ka pa?" Tanong ko. Agad naman siyang umangat ng tingin sa akin pero agad na inilipat sa wrist watch niya.
"Around 2:20."
"Sobrang aga!"
"An early preparation gives you a great advantage." Tinaasan ko siya ng kilay. Philosopher ka, gurl? Echos, damulag naman kung tungkol sa panliligaw ang pinag-uusapan.
"At exactly three dumadating si Artemis. Kaya pumasok muna tayo sa kotse mo at ang init!" Pinaypayan ko ang sarili. Sa totoo lang, gusto ko lang talagang sumakay ulit ng Skoda niya.
Pumasok kami sa loob at napangiti nung maramdaman ang lamig ng aircon. Ang sarap siguro ng buhay mayaman.
"Mas matanda ka ba sa kanya?"
"She's older than me." Napalunok ako. Putcha, mukhang mahihirapan ako nito. Girls prefer guys older than them. Sabayan ko na lang ang trip niya. Magugustuhan naman siya siguro ni Artemis. I mean, he has what it takes. His face is flawless like glass, his biceps has perfect curvs and those pecs under his shirt is a proof that he's a living Adonis. Most especially, he's rich. The Rolex watch, Skoda Auto and the Balenciaga high top sneakers he's wearing just makes me jealous.
"So ganito, kapag pumasok na siya at nakakuha ng table, kailangan muna natin maghintay ng ilang minuto at doon ka papasok..." Sinabi ko sa kanya ang plano ko at tahimik lang siya na nakikinig.
.
Natatawa ako habang pinapanood si King na ginagawa yung advice ko habang ako naman ay nasa loob lang ng sasakyan.
Sinabi ko sa kanya na mag-order siya ng dalawang kape o kung ano man diyan, ewan ko kasi kung anu-ano ba ang mga paninda sa café basta! Siya na ang bahala roon.
And then, kapag dumating na ang order niya ay maghihintay siya ng dalawang minuto o tatlo at tsaka niya lalapitan si Artemis na hawak-hawak ang dalawang mug. He would ask if he can sit with her and reason out that he had someone to meet up with, pero hindi dumating. He needs to offer the other mug to Artemis and start a conversation. Paunti-unti lang at syempre, hindi personal.
Napairap ako nung ma-realize ko na even if he's merciless inside the battleground, outside he's a gentleman and a guy who knows what he needs at kapag may goal siya, he would stick unto that and nothing could change his mind... which makes him so boring. Kung hindi lang siya gentleman at pabebe ay siguradong magugustuhan ko siya.