Chapter Fifteen Ella's Point of View "Buntis ka?" tanong niya pa ulit no'ng hindi ako sumagot Kinabahan ako ng sobra. Pero lumapit ako sa kanya at naglakas loob agawin 'yong ultrasound picture na hawak niya. "A-ano. H-hindi sa'kin 'to." sabi ko "Lolokohin mo pa rin ako, Babs? Hindi sayo 'yan? Bakit pangalan mo ang nakalagay sa gilid?! Sige, ipaliwanag mo kung bakit mo itinatago 'to sa'kin? Ayaw mo ba? Ha?" sunud sunod na tanong niya sa'kin Shete. Automatic na umagos 'yong luha sa mata ko. Heto na naman, iiyak na naman. Tsk. "Hindi mo ko naiintindihan, Ash." mahinang sabi ko "Hindi? Hindi talaga, Ella. Hindi ko naiintindihan kung bakit mo itinatago 'yang pagbubuntis mo. Ayaw mo pa ba? Anong balak mo? Ipapalaglag mo 'yang bata na wala akong kamalay malay? Ipaliwanag

