Prolouge:Mahirap malayo sa mga taong mahal mo. Mahirap abutin ang mga pangarap mo kung wala sa tabi mo ang pamilya mo. Pero kahit gaano kahirap, tinitiis ko. I want to fulfill my dreams not only for me, but also for them. Gusto kong maging proud sila sa’kin. Gusto kong may mapatunayan din ako sa sarili ko. Pero ang mas mahirap do’n? Ay ang paglipas ng araw na hindi mo man lang mayakap ang lalaking matagal nang nawalay sayo. Kailan ba magtatagpo ang oras namin? Kailan ba kami magkakasama ulit? Kakayanin ba namin ang ilang taon at buwan na walang pagkikita? Paano kung may halong pagdududa na? Paano kung may sumuko na sa aming dalawa? Hahayaan ko na lang ba? I love him, and I know that he loves me too. But, will it be enough? Will our love for each other be enough for us to survive these

