BitterElla Special Chapter Two: Ashley's Point of View Few days after ng 2nd Birthday Celebration ni Uno, nagkasakit naman si Babs. Napagod siguro sa preparation noon. Tsk. Sabi ko kasi huwag na siya ang mag asikaso eh. "Sunget, si Uno? Kailan siya ihahatid dito?" tanong ni Babs. Gising na pala siya "Baka sa isang araw pa." sagot ko "Magaling na ko, Sunget. Namimiss ko na si Uno. Sunduin na lang natin siya" sagot niya Hinatid kasi namin no'ng nakaraang araw si Uno kila Mom. Baka kasi mahawaan ng sakit ni Babs. Mabilis pa naman 'yon sipunin. "Kaya nga magpacheck up na tayo, Babs. Kapag ayos ka na, susunduin na natin si Uno do'n kila Mom." sagot ko Nakapout lang siya. Medyo namumutla pa rin ang kulay ng balat ni Babs. Malamang hindi pa talaga siya totoong magaling. "Da

