THIRTY-THREE “Let’s get married,” bulong sa kanya ni Thad. Sa sobrang gulat niya sa sinabi ng binata ay naitulak niya ito ng wala sa oras. Napabangon siya at nanlalaki ang mga matang nakatingin dito. “S-Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Natawa naman ito at kinuha ang bote ng champagne. Nagsalin ito ng alak sa kopita nito at kahit naguguluhan at nagtataka sa ginagawa nito ay nakatingin lang siya rito. Umaapaw na ang alak sa hawak nitong kopita ngunit wala itong pakialam at nagpatuloy lang, hanggang sa may mahulog mula doon na maliit na bagay na kulay pilak. Napasinghap siya nang kumislap ang malaking bato na nakadikit sa singsing, tila nakalimutan na niyang nakahubad pa rin sila at natuon na sa kumikinang na bagay na iyon ang buo niyang atensyon.

