Riann’s POV “Kathlyn nakita mo ba si Giovanni?” Tanung ko kay Kathlyn ng makasalubong ito, tanghalian na ngayon at kagabi pa ng huli kaming magkausap. Hindi ito pumasok sa mga klase n’ya, kaya naman nalaman ko ay dahil same schedule kami ng ganitong araw. “He’s with Trixie.” Parang may kumirot sa dibdib ko ng marinig ko yun, napakababaw ko naman. “Saan?” Agad na tanung ko, we need to discuss some things kaya natanung ko agad. “Covered court, nandoon din sila Drake. Actually papunta ako doon ngayon, sabay na tayo.” Nakangiting sabi nito, mabuti naman kung ganun. Kaya sumabay na ako dito sa paglalakad, mabilis naman kaming nakarating sa court. “Anong ginagawa nila?” Mabilis na tanung ko kay Kathlyn dahil nakikita ko ang mga studyante na may ginagawang parang mini-stage na napapalibuta

