Chapter 61 Alena Kasalukuyan bumisita si Dr. Villamor, sa bahay dahil medyo masama ang pakiramdam ni Mommy, kaya tinawagan ko na lang ito na bisitahin niya si Mommy Ilang araw ang lumipas nang magpa-check up si Almira kay Doktor Villamor. Idinaan siya roon ni Samuel, sa clinic ni Doctor Villamor. Hindi ko siya nasamahan noon dahil may mahalaga akong ginagawa sa opisina ko noon. Subalit ngayon parang tinakluban ako ng langit at lupa nang sabihin sa amin ni Doctor Villamor na buntis si Almira. Inilihim sa amin ni Almira, ang pagbubuntis niya. Halos hindi ako makapaniwala na nabuntis ito, subalit ang pinakamasaklap sa lahat 'yong pinaamin ko siya kung sino ang nakabuntis sa kaniya. Mas lalo pa akong nagimbal sa sinabi niya dahil ang nakabuntis sa kanya walang iba kundi si Samuel. Oo, s

