Chapter 41 Alena Tatlong taon ang lumipas simula ng sinagot ko si Samuel. Masaya ang relasyon naming dalawa. Walang gaanong problema sa relasyon naming dalawa dahil pareho kaming nagkakasundo. Graduating na rin si Alena, sa Sr. high school. Sa susunod na taon ay college na siya. Napakabilis nga ng panahon. Ang batang iniluwal ko ngayon, eh para na akong nananalamin sa aking sarili kapag kaharap ko siya. Magandang bata si Almira. Sa huli natanggap niya rin si Samuel para sa akin. Subalit hindi talaga siya nagku-kuya kay Samuel. Samuel, pa rin ang tawag niya. Kasalukuyan narito ako sa aking opisina. Inaasikaso ko ang mga inventory nang tumawag sa akin ang supplier namin sa ibang bansa. "Hello?" wika ko sa kaniya. Nag-order kasi ako ng mga kulang. "Hello, Miss Suarez. Hindi na po kam

