Chapter 19 Alena Parang kailan lang noong umalis ako sa bahay namin ni Rico. Isang linggo na ang lumipas. Walang araw o gabi na hindi ako umiiyak dahil sa sobrang pagka-miss sa kaniya. Tiniis ko na huwag siyang tawagan o sagutin ang mga tawag niya. Pinatay ko ang aking cellphone na binigay niya at hindi ko na iyon binuksan pa. Binigyan ako ni Daddy William, ng bagong cellphone. Dalawang araw ko pa lang rito ay pinag-shopping na nila ako. Binilhan nila ako ng mga bagong damit, bagong sapatos, bagong tsinelas, at kung ano-ano pa. Narito ako ngayon sa banyo nagsusuka. Lalong lumala ang sama ng pakiramdam ko. "Alena, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Mommy. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil nagmumog muna ako bago ako lumabas ng banyo. Nasa labas ng banyo si Mommy. "Ayos ka lang

