Chapter 24 Rico Pumunta ako sa kaarawan ni Vina. Akala ko marami siyang mga bisita subalit mga ka-klase lang din namin. "Happy Birthday, pasensya na wala akong regalo sa'yo,'' bati ko sa kaniya. "Ayos lang, Rico. Ang mahalaga dumating ka sa kaarawan ka. Hali ka kumain na muna tayo bago tayo mag-inuman,'' nakangiti niyang bati sa akin. Binigyan niya ako ng plato. "Serve your self na lang, ha? Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mong kainin,'' sabi pa nito sa akin. Kumaway naman sa akin ang ka-klase ko na lalaki na si Ariel, kasama nito ang ka-klase rin namin na si Hector, at Larry. Tumango lang ako sa kanila at kumuha ako ng pagkain ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kinaroroonan nila. ''Hindi mo ba kasama si Rochelle?'' tanong sa akin ni Ariel. "Hindi, baka hindi siya naimbitahan

