Chapter 27 Alena Tuwang-tuwa si Lola Pacita nan makita ako. "Lena akala ko hindi na kita makikita. Mabuti at nakapasyal ka. Kumusta ka naman?" nakangiting tanong sa akin ni Lola Pacita Dito ako tumuloy sa bahay nila Ma'am Maria. Alas-siete y media pa lang naman umaga. Maaga kami nakarating ni Gilbert dito sa bahay nila. Nami-miss ko rin ang lugar na ito. At sabik na rin ako na makita si Rico,.at ang tirahan namin noon. Ilang sandali pa lumabas si Ma'am Maria, mula sa kusina. "Hali na kayo, iha, iho, kumain na muna kayo," aya nito sa amin ni Gilbert. "Tara Lola,bkumain na tayo," aya ko naman sa matanda. Nagising din ng maaga ang matanda fahil alam niya na darating kami ni Gilbert. Inalalayan ko si Lola na tumayo. Nagtungo kami sa kusina at umupo sa harap ng lamesa. May prit

