Chapter 57 Alena Tinitigan ko pa rin ang singsing na ibinigay sa akin ni Samuel. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagpro-pose na siya sa akin ng kasal. Narito kami ngayon sa buffet ng hotel. Niyaya niya ako na mag-almusal. Kahit nakapag-almusal na ako ay sinamahan ko naman siya dahil syempre mahalaga sa aming dalawa ang araw na ito lalo na sa kanya dahil pumayag ako na magpakasal sa kanya. Prutas lang ang kinain ko at salad. "Hindi na ako makapaghintay na magiging misis Fajardo ka, honey," sabi pa nito sa akin, habang magkaharap kaming dalawa sa lamesa. Hindi ako sanay na tawagin niyang honey at ayaw ko talaga na tawagin niya ako sa ganoon dahil iyon kasi ang tawag sa akin ni Rico. "Sabi sa'yo sweetheart na lang ang tawag mo sa akin o hindi kaya mahal, or darling,

