Chapter 17 Rico Habang naghihintay ako kay Rochelle, dito sa tapat ng kanilang paaralan hindi ko maintindihan ang kaba na aking nararamdaman. Iniisip ko si Alena. Nag-iisip ako kung ano ang pasalubong na dadalhin ko sa kaniya. Gusto ko kasing makabawi sa lahat ng mga kalokohang ginawa ko at pagbibigay sa kaniya ng konsumisyon. Kung hindi ko lang kailangan ang trabaho hindi ako magta-tiyaga maghatid at sundo ng sasakyan kay Rochelle. Pagkatapos ko kasing ihatid si Rochelle ay babalik ako sa bahay ng mga Domingo, at maglilinis ng mga sasakyan at ayusin ang kanilang hardin. Alam ko na nagseselos si Alena kay Rochelle, subalit kailangan muna naming tiisin hanggang sa makapag-ipon lang kami at makapaghanap ako ng ibang trabaho para hindi na siya magseselos kay Rochelle. Kailangan ko

