Chapter 44 Alena Dalawang buwan pa ang lumipas hindi ako nagpapahalata na may kinakaharap kami ni Daddy na problema sa kompanya. Ilang buwan na lang sasapit na ang kaarawan ni Almira. Kami lang ni Daddy ang nakakaalam tungkol sa problema namin sa kompanya. Kahit kay Mommy ay hindi namin sinabi. Ayaw kong i-give up ang mga binibinta naming mga ilaw dahil iyon ang may malaking pasok na pera. Maliban sa tiles na siyang pinakauna na pinagkukuhanan namin ng mga expenses namin. Malaki ang kita namin sa tiles. Sumunod ang mga ilaw at ang pangatlo naman ang gasolinahan. Pang-apat ang ticketing outlet at ang panglima ang grocery store ni Mommy. Kasalukuyan nasa business trip si Samuel. Kahit siya hindi ko sinasabihan ang problema namin sa kompanya. Ang hirap maghanap ng supplier. Kailanga

