Pangiti-ngiti si Rex habang kumakain sila ni Grace dahil sa kalokohang kaniyang ginawa. Nakikini-kinita na niya ang malakamatis na mukha mamaya ni Grace kapag inilabas na niya ang underware nito sa kaniyang bulsa. Hindi naman sa maniyak siya, sadya lang gusto niyang asarin si Grace. “Ang sarap naman ng cooking mo, Grace. Nabusog mo ako,” aniya sa dalaga matapos niyang ubusin ang laman ng kaniyang baso. Sumandal siya sa upuan saka nakangiting pinagmasdan si Grace habang nakatungo ito sa pagkain nito. Hindi man lang nag-abalang tumingin ito sa kaniya. Kaya naman para mapatingin niya ito sa kaniya, mabilis siyang nag-inat at tumayo mula sa kinauupuan niya. Isinuksok niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa at sinadyang ilaylay ang underwear si Grace mula roon. “Mahal, thank you sa masarap

