Off ni Grace ngayon at naka-schedule siyang maglaba ng kaniyang mga damit. Tamang-tama rin iyon dahil wala si Rex, hindi siya maiilang na magsampay ng kaniyang mga damit at under garments sa sampayan. Nadala na kasi siya noong makakuha si Rex ng kaniyang panty nang minsang matulog ito sa apartment niya. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakikita ang panty na iyon. “Hi mahal!” bati ni Rex sa kaniya saka ito lumapit at mabilis na kinuha ang kaniyang basket ng maruruming damit. “Mukhang marami-rami ito ah. Gusto mo ng tulong?” tanong pa nito sa kaniya bago ito maglakad patungo sa laundry area. Sinundan naman ni Grace ang binata para makasigurong wala na namang gagawing kalokohan ito. Matapos ilapag ni Rex ang basket sa sahig ng laundry area ay muling lumapit ito sa kaniya at mabilis siy

