“Wow! Ang cute naman ng singsing mo girl!” nangingislap ang mga matang saad ni Gela nang ipakita niya ang singsing sa daliri. Obviously, alam na ng madla ang tungkol sa kanilang status ni Rex. Paano ba naman hindi, e sa dami ng mga press na nasa victory party ng Dreame Magic, plus ang mga Marites sa paligid— malamang na in just one split of second, kumalat na ang tungkol doon. “Nakaiinggit ka naman! Hay, kailan kaya ako magkakaroon ng kagaya ng boyfriend mo? I mean fiance na pala,” ngalumbabang tanong nito habang tila nangangarap pa ito ngayon. “Gusto mo ba? Irereto na kita sa mga kaibigan niyang single,” natatawa naman niyang saad dito. Agad namang sumimangot ang kaibigan at saka nagbalik sa upuan nito. “Naku, Grace, kung sina Marvin at Bernard din lang, ‘wag na! Sa dami ng babae ng

