PASADO alas-otso ng gabi nang muli silang pumunta sa bahay ni Juan Carlos dahil nais siyang kausapin nito. Nabanggit na rin sa kaniya ng kapatid niya na pag-uusapan nito ang tungkol sa kaniya at alam niyang mauungkat na naman ang nakaraan. She’s not ready for that but for the sake of everyone’s peace of mind, she will face him. “Nanlalamig ka. You’re nervous too.” Napasulyap siya sa kanang bahagi niya dahil kasabay niya si Raven pagpasok. “I can’t help it but to feel that way.” “You felt nervous not because of facing him but he’s beside you.” Muli siyang napasulyap sa kabilang bahagi niya dahil kasabay din nila ang kapatid niya saka bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay niyang hawak din pala nito. “Bakit ka ba nakahawak sa kamay ko, Kuya?” “Why? I don’t have the right to do this

