Hindi na napigilan ni Kreisha ang mapaluha habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit. Sapat na ang narinig niya mula kay Raven at iyon na ang pinakamasakit para sa kaniya. Tiniis niya ang lahat, nagbigay ng malaking pag-unawa at minahal pa rin ang lalaking sa kabila ng lahat. Napakalaking katanungan niya sa sarili kung saan siya nagkulang dahil halos ibinuhos na niya ang lahat dito. “Kreisha…” Marahan siyang napatigil sa paglalagay ng mga damit sa luggage niya nang maulinigan ang boses ng kaniyang asawa subalit hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin. “Kreisha…” Muli nitong tawag lumapit sa gawi niya. “What are you doing? Aalis ka?” Nagpahid muna siya ng kaniyang luha saka napasinghot bago ito hinarap. Marahan siya sumulyap dito habang pinipigilan ang panibagong luhang dadaloy na

