MAALIWALAS ang kwartong kinaroroonan niya habang inilibot niya ang mga mata. Napuna na niya agad ang isang bukas na balcony at ang isang bulto ng lalaking nakatayo kaharap ang malawak na lupain. Kaybilis na naman ang pintig ng puso niya dahil pamilyar sa kaniya ang tindig nito. How could she forget the man she loved most. Marahan siyang naglakad papalapit dito habang sumasalubong sa kaniya ang sariwang hangin mula sa labas. When Raven feels her presence, he turned to her. Nagtama ang kanilang paningin na siyang nagpatigil ng kaniyang mundo. May ilang mga bandages na lang ito sa braso, medyo mahaba na ang buhok nito, at hindi pa rin nagbago ang kagwapuhang taglay ng kaniyang asawa. But his forehead wrinkled when he saw her walking through his direction. Gustuhin man niyang tumakbo upang m

