“I guess so. I’m not doing this for my own good, Kreisha. It’s yours. I’m just trying to help you as a friend. Bumabawi lang ako sa mga nagawa ko sa’yo noon na pambabalewala. Now, if you don’t want to take it seriously, it’s up to you. Hindi ako ang mawawalan.” Ouch! Friend! May kirot sa bahaging iyon ng puso niya na kaibigan lang talaga ang turing nito sa kaniya. At tulad nang mga sinabi niya noon ay hindi dapat siya umaasa rito dahil sa umpisa pa lang ay wala naman talagang salitang sila. Napayuko na lang siya saka itinuon ang sarili sa pagkain. Ni hindi na niya tinugon ang binata dahil baka kung ano pa ang maitanong niya rito at lalo lang siyang masasaktan. “Kumain ka nang mabuti at ilang oras lang ay nasa Port Victioria na tayo. What do you want to do in Victoria?” Magbigti! Hind

