ALA-SAIS ng umaga at hindi pa rin siya nakakatulog sa labis na pag-iisip sa nangyari sa pagitan nila ni Raven. Sinulyapan niya ito sa tabi na mahimbing pa rin ang pagkakatulog habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa baywang niya. Masarap sanang isipin na akin ka lang, Raven. But I know you will not be mine ever since. I have to treasure these moments of us until the rest of my life. I will take care of your race if ever I will have the chance to carry it in my womb. Alam niyang hindi ang tipo ni Ranzel Vicencio ang magkakagusto sa kaniya kaya ngayon pa lang ay dapat na niyang putulin kung anuman ang damdamin na umuusbong para sa binata. Ginusto ko ito at paninindigan ko. Muli na naman namamalisbis ang mga luha sa mga mata niya at marahang kumilos upang punasan ito. Hindi siya dapat m

