Luke's POV "Wer na u? ajeje" Biglang text ni Betty. Langya! Panget na nga, Jejemon pa! Tsk. Kung yung humber lang talaga ni Johan ang binigay ko at hindi yung akin ay si Johan na sana ang kumakaharap sa matinding pagkajejemon ng isang 'to. Rereplyan ko na sana kaso nagdalawang isip ako. Nakita ko na siyang nakaupo sa isang lamesa. Wala siyang kasama. Pinag uusapan at pinagtatawanan pa siya. Pero bakit bigla akong nainis sa mga babaeng kumukutya sakanya? May nakita akong mga babae na may masamang balak gawin kay Betty. Nakita kong hinahanda nila ang carbonara para ibuhos yata ito sa ulo niya. Biglang napakuyom ang kamao ko at dali daling pumunta sa pwesto ni Betty. Saktong pagbato ng carbonara ay sakto rin sa pagharang ko. Tumama ito sa mukha ko. "Luke?!" Gulat na sabi ng mga babae. "L

