-L
Weird... Weird...
That guy sitting at the back is weird. Friday na ngayon pero hindi ko pa rin siya naririnig na magsalita. Hindi pa rin siya natatawag ng mga prof namin kapag may recitation. Weird. Weird. Weird.
Commu namin ngayon. And we're now dividing into two groups. Debate kasi. Ang topic? Mercy killing. Kasali ako sa group who's in favor of it. I have a reason naman kasi kung bakit in favor ako. Ipaglaban ang euthanasia!
Itetest raw kasi kami ni Prof. Parang ipapakita namin sa kaniya iyong skills namin when it comes to communicating with another individual or group of people. Bihasa naman ako sa mga debate. I was in a debate team when I was in high school and I can say na may ibubuga pa rin naman ako. Pero nagtaka lang ako kung bakit nasa kabilang side si Leigh.
"Hello? Bakit hindi pa patayin kung nahihirapan na siya, pamilya niya pati na rin iyong iba pang malapit sa taong iyon kapag nakikita siya sa ganuong kalagayan?"
"Bakit papatayin kung may may chance pa naman na mabuhay siya?"
Tumayo ako tapos medyo lumapit sa kanila, sa mga kalaban, kaya umupo na iyong kakampi ko na nagsasalita kanina. "Sige, heto, ha? Mabubuhay siya, oo, pero! Pero, ha? For sure hindi na kasing normal ng buhay niya rati iyong magiging buhay niya. Sigurado akong fragile na siya. At saka mababa ang chances of survival ng mga taong binubuhay na lang ng machines, ano." taas-noong sagot ko habang nakapamewang sa harap ng kabilang group. I'm really getting pumped!
"Iyon na nga, eh. Kahit mababa, may chance pa rin." Tumayo si Leigh matapos sumagot. Aba, kinakalaban ako ng babaeng ito. Himala ito, ha? Laging nasa side ko iyan kapag balitaktakan. "Bakit hindi na lang igamble iyong chance na iyon kung may possibility pa naman na mabuhay siya, even if hindi na kasing normal ng buhay niya rati iyong magiging buhay niya? As long as mabubuhay siya, everything else wouldn't matter. Hello. We're talking about life here."
"Igamble? Do you mean maghintay pa kahit papaano at magbakasakaling gumaling siya? Leigh, guys, don't you think na sobrang paasa naman nuon? Aasa iyong mga tao sa paligid niya. At ano iyong aasahan? Na mabubuhay pa iyong taong iyon? Let's put it this way: What if wala iyong machine na sumusuporta sa buhay niya? O bumubuhay sa taong iyon? Sa tingin niyo ba gagaling pa siya? Oo, ginawa iyong machine na iyon malamang para pagalingin siguro iyong pasyente pero ang catch ruon, paano kapag umasa iyong mga taong nakapaligid sa pasyente? Paano kung mahirap pala iyong pasyente? Paano kung nahihirapan na pala iyong pasyente tapos gusto na niyang bumitaw pero dahil sa machine hindi niya magawa? Be practical lang. Kasi kung hindi pa siya papatayin, lahat sila aasa, magdudusa at masasaktan."
"Parang ganito lang iyan: Kung ang marshmallow nga kapag inihaw, umiitim iyong balat. Paano kapag tinanggal mo iyong burnt part nuon? Hindi ba't may maputi, malinis at masarap pa na laman sa loob? Parang sa tao. Kunwari iyong tao ang marshmallow. Ang pag-itim ng marshmallow habang niluluto ang magstand as sakit na dumapo sa tao. And with the help of the machine, ng mga kamay natin na magtatanggal ng balat ng marshmallow, gagaling pa siya. Makikita pa iyong maputi, malinis at masarap... Err... Basta. Iyon. You get what I'm saying?" Nilapitan niya ako saka ako hinila paupo tapos naupo na rin siya. "Shet, ha? Magsalita kayo. Nagugutom tuloy ako." reklamo nia saka pinaypayan ang sa sarili niya. Pati ba naman marshmallow, dapat pa rin iconnect sa tao?
Nang makabalik na si Leigh sa kabilang side, napansin ko na tatayo na sana iyong katabi ko pero hinarangan ko ito ng isang kamay tapos ako ang tumayo. "Pero kung oras mo na, oras mo na. Kung mamamatay ka na, mamamatay--" Napatigil ako nang magsalita iyong kaharap ko. Si New Guy. At nagulat talaga ako kasi first time ko siyang narinig magsalita.
"Only God has the rights to take away a person's life." Iyong boses niya, parang sumisigaw ng boredom. Parang sobrang tamad niyang tao.
"Oo nga!" sigawan ng mga kakampi niya.
"Tama! Tama!"
Pagtingin ko naman sa mga kagrupo ko, napamura na lang ako ng pabulong. Mga nagkakamot ng batok. Hindi man lang tumulong iyong iba. Talagang background lang sila. Masabi lang yata na kasali sila sa debate kaya sila pumwesto ruon.
Hindi na tuloy ako nakalaban. Tama naman kasi siya. Nakakainis.
Tumayo iyong prof namin mula sa pagkakaupo sa likod ng room tapos pumunta na siya sa table niya habang pinatitigil iyong mga kagrupo nina Leigh at ni New Guy sa paghihiyawan. "Okay, that's enough." suway nito habang natawa. "I'm quite impressed with your communicating skill, guys." Tumingin naman ito sa grupo ni Leigh habang nakangiti. "I think this side wins this debate." Naghiyawan sila bigla pero tumigil rin since sinuway sila ni prof. "And I like the marshmallow something that Ms. Cruz said."
Psh. Talo ako.
--
Since it's Friday, P.E namin ngayon. Oh, kanina lang iyong debate.
Honestly, I hate P.E! Sasakit na naman kasi ang katawan ko. Lagi na lang kasing ganuon. I'm not the kind of girl na talagang nag-eexercise. Ewan ko ba. I just find that hobby tiring. Kaya kapag P.E talaga, nasakit ang katawan ko kasi hindi naman sanay mabatak ito. At saka, bakit pa ako mag-eexercise? Para magburn ng fat? Ayaw nga akong patabain ng metabolism ko, eh. Ewan ko ba. Kahit ano pa ang gawin kong kain, wala talagang nangyayari.
Pumunta na kami ni Leigh sa cr para magsuot ng jogging pants. Hindi pa ako nakakabili ng bagong jogging pants ng school na ito since it's only been two weeks since we started attending here. Nakakatamad pa rin kasi bumili. Hindi naman na puwede iyong luma ko kasi iba kulay nuon. Baka mapagkamalan pa akong second year dahil sa kulay nito. At saka, sinusulit namin iyong one month na free to wear anything you like policy nila. Pero siyempre, kahit sabihin pa na anything you like, dapat maayos naman iyong susuotin mo.
"Taob ka sa amin kanina, ano?" Tumawa na nang tumawa ang lukaret, si Leigh, habang nakatayo sa harap ng salamin. Nag-aayos kasi siya ng buhok habang nang-aasar dahil natalo ako. Usually kasi, kapag debate, ako at ang team ko ang palaging panalo pero ngayon, wala, natalo ako.
"Hindi ka naman mananalo kung hindi dahil kay... ano... iyong si New Guy! Siya ang nakapagpanalo sa iniyo." sagot ko habang isinusuot ang jogging pants ko. Siguro idodoble ko na lang iyong t-shirt ko sa sando na suot ko. Alangan naman na magsando lang ako habang nag-eexercise kami, hindi ba? Hindi naman allowed iyon. At saka hindi bale sana kung puro babae itong school na ito kaya lang, hindi naman. Baka magtalo rin kami ni Robi kapag nakita niya akong nakasandong hapit sa katawan ko sa public. Ayoko naman rin siya makipag-away sa mga lalake na tititig sa akin kapag nakita akong nakasando lang. So yeah, it's best talaga kapag mag-t-tshirt ako. Hindi naman sa nag-aassume ako na makikipag-away nga siya dahil ruon; nangyari na kasi kaya ayoko nang maulit iyon.
"Kasali kaya ako sa nagpanalo. Remember, prof loved my marshmallow explanation earlier. Baka nga hanggang ngayon, iniisip niya pa rin iyon."
"Asa." Isinuot ko na iyong white t-shirt na kinuha ko sa bag ko na nakasabit sa sabitan sa pinto tapos lumabas na ako sa cubicle. "Tara na."
Umayos na kami ng upo nang makarating kami sa gym. Dito naman kasi lagi ginagawa ang P.E. Malaki kasi iyong space rito. Iyon lang, sa sahig nga lang kami nakaupo. Sabagay. Lagi naman ganuon kapag P.E. Kahit noong highschool at elementary days, ganuon talaga.
Pagkadating ng prof namin, pumwesto kaagad ito sa harap tapos biglang tumayo si New Guy na nakaupong mag-isa kanina sa gilid. Lumapit siya sa prof namin at may ibinigay na papel, which I think is letter.
That guy is really creepy. Kung titignan mo ang appearance niya, he seems cool. He has the looks. True. Parang normal siya pero base sa mga kilos niya, I think he's not as normal as I thought he is. He's really weird. Isang beses ko pa lang siya naririnig magsalita at iyon ay iyong debate kanina.
It's not that I'm watching him pero kasi talagang kapansin-pansin siya dahil sa kawirdohan niya. Talk of the class nga lagi siya, eh. Iyong mga babaeng may crush yata sa kaniya, lagi siyang pinag-uusapan kahit naglelecture iyong mga prof namin. Hello naman kasi, rinig na rinig ko tapos itsinitsimis pa ni Leigh sa akin iyong mga pinagsasasabi ng mga kablock namin regarding kay New Guy. Kapag kinakausap nga siya ng mga prof namin, gestures lang iyong ginagamit niya para makapagcommunite sila. Ewan. Ang weird niya.
Tapos na yata sila mag-usap. Tumango na si Prof tapos pinaupo na si New Guy sa gilid. Sa bench sa gilid. May mga bench kasi sa gilid namin, eh.
"Okay, class, get ready."
Napatingin ako kay New Guy. He seems sad. I don't know pero the way he looks at us, straight-faced man siya, nakikita ko sa mga mata niya na parang gusto niya sumali sa activity.
Umaandar na naman ang mga good girl hormone ko.
Lumapit ako sa prof namin tapos sinabi ko na hindi muna ako sasali kasi nagkasprain ako kahapon sa ankle tapos sinabi ko na baka mamaga ito kapag sumali ako kaya nag-excuse na lang ako at sinabing manunuod na lang. I don't know kung accurate ba iyong alibi na sinabi ko pero I think totoo naman. Hindi naman kasi ako nurse. And I don't know any medical stuff. Iyon nga. I think totoo or connected naman iyong explaination ko kasi pumayag siya. At saka, white lie naman iyong ginamit ko so... I think It's okay? Para naman ito kay New Guy, eh.
Lumapit na ako kay New Guy. He may be weird, for me, but he's still our classmate so hindi dapat siya naleleft out or nagiging outcast sa klase. I just hate it when some or one of my classmates are being an outcast, being left out. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi ko sila or siya pinansin, isa ako sa mga nang-iiwan sa kanila.
"Hey," pagkuha ko sa atensyon niya, kaso hindi naman siya lumingon. "Hey." Kinalabit ko siya kaya pumihit siya paharap sa akin.
Tinignan niya lang ako at hindi siya umimik. And whoa. He has ash-coloured eyes pala? Cool. Hindi naman siya mukhang contact lens. Alam ko ang itsura ng mata kapag may contacts kaya alam ko na hindi talaga siya nakacontact. Wow, that's just so cool. May lahi kaya siya?
"Bakit hindi ka sumali sa activity?" tanong ko kaso nagshrug lang siya. He's a shrugger! Augh, L, don't think like that. You're here to help him, not insult him. As if naman na may lakas ako ng loob na mang-insulto. "Ay, I forgot." nakangiting sinabi ko. "We've been in the same rooms, same classes and profs pero I still don't know your name." Bigla siyang tumingin sa mga kaklase namin. "I'm L, by the way. L as in letter l lang at hindi e double l e, okay? L lang." Inilahad ko iyong kamay ko for a shake hands pero tinignan niya lang ako at tinanguan.
I think ayaw niya akong kausap? Habang nakatingin ako sa kaniya, nakikita kong ngumingiti siya ng bahagya minsan habang nakatingin sa mga kaklase kong masayang nag-eexercise because of the activity. I think he wants to join. Pero bakit ayaw niya kumilos at sabihin kay Prof na sasali siya?
"Do you want to join?" Napatingin siya sa akin. "If you want to join, go on; it's okay." Nginitian ko ulit siya. His response? He just shook his head kaya medyo napasimangot ako. Ayaw niya ba akong kausap? "Bakit parang ayaw mo lagi magsalita - It's not that I'm always looking and watching you pero napansin ko lang kasi na nasa klase ka nga natin pero iyong isip mo parang nasa ibang bagay."
"It's nothing." He said in a deadpan voice tapos bumuntong-hininga siya. "Don't mind me." Tumayo siya pero hinawakan ko iyong laylayan ng shirt niya kaya nakatayo lang siya at hindi makaabante.
"Are you... okay?" Tumango lang siya at naglakad na papunta sa kung saan.
Something's not right with that guy. I think something's bothering him. I don't know why but I have this urge to find out and befriend him. Hindi ako papayag na maging outcast siya sa sarili niyang section, especially he's in the same section as me. So hindi talaga pwede iyon.
--
"Robi," kinalabit ko siya. D-Day na naman namin ngayon.
"Hmm?" Iyon lang ang response niya habang busy siya katetext.
Medyo naiinis na ako kasi this is our day pero kanina pa siya text nang text. I don't even know kung sino iyong katext niya. Kapag tinatanong ko siya, bigla niyang itatago iyong cell phone niya. Tapos kapag nagvibrate, kukuhanin niya at magtetext ulit. And I'm getting worried na rin kasi kapag nakikita ko na ang uneasy niya kapag binabasa niya iyong text.
"Sino ba iyang kausap mo?" I tried to peek in the screen of his phone pero sent na lang ang nakita ko tapos itinago niya kaagad iyong phone.
"Sina Josh, nagkayayaan lang." sagot niya tapos itinuloy niya iyong pagkain ng ice cream.
I don't want to think of anything absurd pero hindi ko mapigilan, eh. Ngayon niya lang kasi ako sinagot sa tanong ko na kung sino iyong katext niya. And if that's really Josh, call ang gagawin ng kausap niya at hindi text. I know Josh; tamad magtext iyon. There were times na itinext ko siya para itanong kung nasaan si Robi and instead of composting a text message for a reply, he calls me. Magtatanong ako, tatawag ito para sabihin ang sagot nito. Ilang beses na rin kasi nangyari iyon kaya nagtataka talaga ko, nagda-doubt kung si Josh nga iyong katext niya. Josh and I are not really close pero he's my friend since Robi introduced him to me, and he wanted me to be friends with his friends.
It's not that I'm doubting him, I'm just... forget it. Parang ganuon rin kasi itong ginagawa ko. I trust him, that's what matters. Hindi niya ako lolokohin. Si Robi pa? He wouldn't do such a thing. Basta, L, tiwala lang kasi loyal iyang boyfriend mo.
"Dota?"
"Uhh..." He shoved a spoon full of ice cream then looked at his cup. "Yeah. Dota."
"Talaga lang, ha?"
L, stop thinking of anything stupid. Why would you doubt him? There's no way in hell he'll do something stupid. Why are you so dang paranoid?
"Oo nga." Itinapat niya sa bibig ko iyong spoon na may ice cream. Isinubo ko naman iyon. Ang sarap talaga ng ice cream dito.
"Oo nga pala," Napatingin siya sa akin tapos napatigil siya sa pagsubo sa spoon niya na may ice cream. Malapit na nga sa bibig niya, nabitin pa. "Aalis sina Mama't Papa. Pupunta sila sa States. Well, they said na bibisitahin nila sina Lolo't Lola, eh."
My parents asked me kung gusto ko sumama pero ayoko. At saka isa pa, may pasok, right? I can't just ditch school. So yeah, dahil hindi ako sumama, I just wrote a letter for dad's parent's - Lola and Lolo. Mom said na orphan siya so we don't have any idea kung sino ang isa ko pang Lolo at Lola.
"Talaga? Kailan?" tanong niya matapos isubo ang ice cream niya.
"Sa Wednesday." Pinunasan ko ng tissue iyong labi ko tapos pinunasan ko rin iyong smudge sa gilid ng labi niya with the same tissue na ginamit ko.
"Sino makakasama mo sa bahay? Wala rin naman iyong ate mo duon, hindi ba?" I nodded. My sister is in States, nanduon kina Lola. So pagdating nina Mama, si Ate naman ang uuwi.
"Si Yaya lang. Okay lang iyon; at least solo ko iyong bahay."
"Puwede akong lumipat duon?" Tinaasan niya ako ng kilay. Aba, hindi pwede. Ganiyan lagi iyong tinatanong niya kapag umaalis sina Mama at Papa, eh. At siyempre, hindi ako pumapayag. Kailangan ko pa rin kasi mag-ingat at baka magalit si Papa. Gustuhin ko man na pagstayin si Robi duon sa bahay, hindi puwede dahil baka kung ano isipin ni Papa. You have no idea kung paano ito maparanoid.
"Nope."
"Thought so." Tumawa siya saka sinimulang ikwento ang kalokohan nilang magkakaibigan.
--
"L," Napatingin ako kay Sandra na lumapit sa akin. Isa sa mga kaibigan ko. Medyo close sa akin ito.
"Hmm?" Tinapunan ko ito ng saglit ng tingin bago ibinalik ang atensyno ko sa pagsusulat.
"Don't you think it's weird?"
"What is?" Once again, tumigil ako sa pagsusulat at tinignan siya. Nakahalumbaba pa siya. Inalis ko nga. Malas daw iyon, eh. Ewan ko kung totoo pero wala namang masama kung susundin iyon, hindi ba? Ayoko ngang kapitan ng malas.
"That." Tinuro niya si New Guy. His name is Chase pala. Chase Mendoza. Cool name for weird guy. Kaya ko lang nalaman iyong full name nito kasi tinawag ito ng prof namin kanina. Natutulog ito ngayon; nakaubob siya sa armchair, eh. "Him."
"Ano ang weird sa kaniya?" He's weird, I know. Pero gusto ko lang malaman kung may iba pa bang bagay ang magpapaweird sa kaniya bukod sa mga bagay na nasaisip ko.
"Lagi siyang nakasuot ng jacket o kaya sweater. Hello, ang init kaya sa Pinas."
"Bakit? Airconditioned naman rooms natin, ha?" True. Baka naman nilalamig lang siya? Or hindi sanay sa lamig? Ay, pareho lang pala iyon. "So normal lang na magsuot ng ganiyan ang tao kung ganito kalamig iyong room na pinapasukan nila."
"Sabagay. Anyway, may partner ka na ba sa pinagagawang research ni Prof Orais?"
Actually, iyon ang iniisip ko. Kung sino puwede kong partner. Para kasing gusto kong makipagpartner kay Chase kaso may mga nag-aalok na sa kaniya kanina pero tinatanggihan niya lang. Hindi siya nagsalita noong tumanggi siya. He only shook his head. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw niyang magsalita. Hindi ba siya napapanisan ng laway?
"Mayroon." Tumingin ako kay Chase saglit, na tulog pa rin, sabay tingin ulit kay Sandra.
"Ay, ganuon?" Tumayo siya saka pinagpag ang pang-upo. "Sige, cr lang." pagpapaalam niya saka naglakad palayo.
Tumayo rin ako pagkaayos ko ng mga gamit ko tapos umupo ako sa tabing upuan ni Chase. Tulad niya, iniubob ko rin iyong ulo ko pero nakasideview ako para makita ko siya. Nakatago kasi iyong mukha, eh.
Ang peaceful ng tulog ng tao na ito. Grabe, maingay na nga iyong classroom dahil naghahanap na sila ng partners, tulog pa rin ito. Deep sleeper siguro siya kaya hindi siya natitinag sa pag-iingay ng mga kablock namin.
"Chase," Kinalabit ko siya. Ibinangon ko na iyong ulo ko nang hindi iniaalis iyong tingin ko sa kaniya. Hindi yata ako narinig? "Chase," Kakalabitin ko dapat iyong braso niya kaso may nakita ko. Medyo nakataas ng kaonti iyong sleeves ng jacket niya kaya nakita ko ng kaonti iyong balat niya. Bakit may parang purplish patches iyon? Maputi kasi siya kaya kita talaga iyon kapag malapit. "Chase," Kinalabit ko ulit siya. "Chase," Medyo itinaas ko iyong hood niya tapos hinipo ko iyong leeg niya. May purplish patches rin at may fever siya. "Hala, Chase, wait lang." Ibinalik ko iyong pagkakasuot iyong hoodie sa ulo niya tapos tumakbo ako papunta sa clinic, ignoring our blockmates' glances.
--
"Okay ka na?" tanong ko sa kaniya pagkagising niya.
Ang weird nga, eh. Tinatanong ko kung bakit may purplish patches iyong balat niya pero sabi ng nurse wala lang raw iyon. Baka nga raw dahil lang sa fever kaya mayroon siya nuon. Hindi na rin naman na ako nagtanong after niya sabihin iyon. Sino ba naman ako para kwestiyunin ang mga sagot niya sa tanong ko regarding health? Nurse siya. Ako? Ano? Estudyante lang.
Apparently, nandito na siya sa clinic. Dinala siya ng nurse kanina nang ipaalam ko na may classmate ako na may lagnat.
Imbis na sagutin ako, matapos niya bumangon sa hinihigaang kama, lumapit lang siya sa nurse. At nang makita ng nurse na gising na siya, pilit akong pinalabas. Wala naman rin akong nagawa kung hindi ang lumabas.
Bakit ako kailangang palabasin?
Dumiretso na ako sa classroom at pagbalik ko, sinalubong ako ng ilan sa mga kaklase ko.
"Ano ang nangyari kay Chase?"
Ayan, nagtanong na sila nang nagtanong.
"I don't know. Nilagnat, eh." Dumiretso na ako sa upuan ko at kinuha iyong iba kong notebooks. Maglilinis ako ng bag dahil parang dinaanan ng mini twister ang loob nito.
Habang nag-aayos ako ng gamit, may biglang tumawag sa akin at sinabing may naghahanap raw sa akin. Naghihintay raw iyong lalake sa tapat ng room. I was expecting na si Robi iyon pero ibang lalake ang nakita ko.
Si Dylan. Why is he here?
"Uhh... Bakit?" tanong ko nang makalabas na ako sa room. I'll act as if hindi ko siya kilala. Baka sabihin pa nito na isa ako sa mga humahanga sa kaniya.
Lumapit siya sa akin kaya umatras ako ng kaonti. "Ikaw si L Punzalan, hindi ba?" Huh? Bakit niya ako kilala? Sikat ba ako?
"Oo. Bakit?"
"In case you don't know me, I'm Dylan Quinto." Nginitian niya ako pero I didn't return a smile. What for, right? Hindi ako magpapakafriendly kay Dylan dahil babaero siya.
"And... So?"
"Well..." Lumapit siya sa akin kaya umatras ulit ako.
"Bakit mo ba ako tinawag?" pagtataray ko sa kaniya. Nakakainis naman kasi, eh. Bakit kailangan niya pa akong lapitan, hindi ba? Ayoko nga sa kaniya, lalapit-lapit pa siya. Tumawa naman siya na parang ewan pero mahina lang. Wow, parang amused pa siya na tinarayan ko siya.
"I just want to ask you out. On a date perhaps?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Date? With Dylan?
Siguro papayag ako.
But I won't go. I'll send someone who'll be happy to accompany and have a date with him. At saka, bakit ako makikipagdate? Tapos sa hindi ko pa boyfriend? Hindi pa sira ang ulo ko para gawin iyon. Kung makikipagdate man ako, kay Robi lang iyon.
"Sure."
"Sunday, three o'clock. Meet me at Starbucks ng mall dito, okay?"
"Sure." Tumalikod ako. "I'll be wearing a blue dress." sinabi ko. Hah! Asa ka! D-Day kaya namin ni Robi iyon!
Bago ako pumasok, tumingin ulit ako sa kaniya. Kinindatan niya ako then wore a grin on his face. Disgusting.
Pagpasok ko, nilapitan ko kaagad si Leigh.
"Oh, ano na naman?" maarteng tanong niya sabay kuha ng tatlong pirasong Wiggles na nakapatong sa armchair niya tapos itinago niya ang mga iyon sa likuran niya. Ngumunguya pa nga siya. This girl. Is this really a girl? Tell me!
"Don't worry, hindi ako manghihingi." sagot ko kaya ibinalik niya ulit iyong mga Wiggles sa armchair. "Ang takaw mo talaga sa marshmallows."
"Parang ikaw, hindi, ha?" Binuksan niya iyong isa tapos kinain niya iyong laman. Nguya pa, Leigh. "Huwag mong ideny. Hampasin kita ng long hair ko, eh." Binuksan niya ulit iyong isa tapos kinain.
I just rolled my eyes heavenwards. Augh. "I have an assignment for you." ani ko sabay tap sa pisngi niya.
"Assignment?" Tinignan niya ako. She's obviously puzzled.
"An assignment that you will surely enjoy." I smirked. Sure ako. Sure na sure ako na mag-eenjoy siya sa assignment na ibibigay ko. Well, I for one know how much he loves Dylan kaya imposible na tumanggi siya sa ibibigay kong assignment.
"Ayoko nga." Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"And why?"
"Bibigyan mo ako ng assignment, ang dami-dami ko pa ngang hindi nagagawa na ibinigay ng mga prof natin. Natambakan na ako, hoy. Dapat nga ikaw gumawa ng assignments ko kasi ikaw ang utak sa ating dalawa at ako ang bibig."
I give up.
"Hindi academic related, ano ka ba?" Bigla namang umaliwalas ang mukha niya. "Basta. I'm sure you'll thank me after the assignment."
"Ano ba kasi iyon?" Umupo ako sa tabi niya then I whispered the assignment. "Sure." pagsang-ayon niya sabay taas baba ng kilay.