5

4246 Words
-L "A-Ano?" I asked, baffled. Why on earth would he ask a question like that? Handa ba akong masaktan? Masaktan saan? "Yes or no?" Hindi niya pinansin iyong tanong ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Honestly, I can't take my eyes off his eyes. Those... mysterious yet beautiful pair of gray orbs. "Y-Yes..." Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako pumayag. Kahit hindi ko alam kung ano iyong ibig sabihin niya sa handa ka bang masaktan na sinabi niya, nagyes na lang ako. Para naman kasing tanga; kakaibiganin lang ako, magbibigay pa ng trivia. Nginitian niya ako saka hinawi ang buhok ko. "Just promise me one thing." "Ano iyon?" "Hangga't kaya mo, don't get yourself too attached to me to lessen the pain you'll feel someday." Ilang araw na rin ang lumipas ever since naging kaibigan ko si Chase. It has been four days na. Tama, four days na. Pero parang hindi naman kami naging magkaibigan. Paano, ang tipid niya pa rin magsalita. Pero nag-evolve na siya. Naglevel up na kumbaga. Palagi nang nakangiti kapag kausap ako. Kahit pa sabihin na tipid siya magsalita, ngumingiti naman siya, na isang bagay na hindi niya ginagawa sa iba. Nagtataka nga iyong iba naming kaklase kung paano ko naging kaibigan ito. Iyong iba naman na may crush sa nilalang na ito, na nakaubob sa desk habang tulog, gusto na ilapit ko sila rito para maging kaclose raw nila. Sinusubukan ko naman pero ang parating sinasabi niya, huwag na raw. Sapat na raw na ako lang ang kaibigan niya. Medyo natouch ako nang sabihin niya iyon, siyempre. Parang... wow. Enough na talaga sa kaniya na ako lang kaibigan niya? He's the only person who told me that. Kahit si Leigh, hindi pa sinasabi sa akin ang mga katagang iyan. To think na mas matagal kami naging magkaibigan ni Leigh? At saka, bakit niya ba nasabi iyon? As if naman na kilalang-kilala niya ako. Maybe a sense of gratitude kasi naisip niya siguro na ako lang iyong nangulit, yata, para maging kaibigan niya? I don't know. At sa four days na iyon, kahit ano ang gawin kong lapit kay Leigh, hindi niya pa rin ako pinapansin. Ako na talaga ang lumalapit at nag-eeffort since ako naman ang may kasalanan pero grabe lang kasi ang pagtatampo ng kaibigan kong iyon. Paano kami magkakaayos kung lalayuan niya ako nang lalayuan at hindi pakikinggan ang side ko? Tao lang rin man ako, napapagod maghabol sa taong tinatakbuhan ako. At sa totoo lang, parang gusto ko nang maggive up sa paglapit sa kaniya para magsorry kasi napapagod na ako tapos nasasayang pa iyong pag-eeffort ko. Pero kasi mali kung basta-basta na lang ako maggigive up. Kapag ginawa ko iyon, parang itinapon ko na rin ang mga pinagsamahan namin. What we had is a treasure for me. Never ko igigive up si Leigh. Siguro medyo kakapit pa ako. Iyong kay Robi naman, masakit pa rin. Iniiyakan ko pa rin ito, at si Chase lang ang tao lagi na nasa tabi ko para pagaangin ang loob ko. Just his mere presence is enough para gumaan iyong loob ko. Lagi ko pa nakikita na may kasamang babae si Robi kaya ang oa man, gusto ko maglupasay dahil sa selos. Tapos kapag magko-cross ang landas namin, kapag kasama ko si Chase, sinasamaan niya ng tingin si Chase. Ewan ko ba ruon. Kahit pa kasi sabihing sinasaktan niya ako, intentionally or not, mahal na mahal ko pa rin siya. At naghihintay pa rin ako, umaasa, nagpapakatanga, na babalik siya at sasabihing nagkamali siya at sorry kasi mali iyong desisyon niyang iwanan ako. Gustong-gusto kong marinig mula sa kaniya iyong mga salitang iyon. Tanga na kung tanga pero tatanggapin ko pa rin siya kapag binalikan niya ako. Ganuon nga talaga siguro kapag nagmamahal, ano? Nagpapakatanga. "Leigh..." Lumapit ako kay Leigh, na nakikipag-usap sa isa pa naming kaklase. Hindi niya ako pinansin, as usual. "Leigh, puwede ba tayong mag-usap?" pakiusap ko kahit alam ko naman na hindi niya na naman ako papansinin. Pero I wouldn't give up that easily kaya dapat pa akong magtiis. "Leigh, usap raw kayo." sabi ng kaklase namin. Tumingin ito sa akin kaya automatic na naman ang mga labi ko, na kapag may natingin, ngingiti. Bumuntong-hininga ang best friend ko saka ako nilingon na siyang ikinatuwa ko dahil sa wakas, kakausapin niya na ako. "Bakit na naman ba?" malamig na pagkakatanong niya. Tumingin ako sa kaklase namin, and I think nakuha naman nito ang message ko. Tumango ito sa akin tapos lumipat sa isang katabing table. Nasa cafeteria kasi kami. Medyo maingay dahil sa ilang estudyante pero sinasaway naman sila kaya napapatahimik. Though iyong iba, sawayin man, tatahimik lang saglit pero babalik na naman sa pag-iingay. "Leigh, I'm sorry." Tinignan ko siya diretso sa mata. Sana maramdaman niya na sincere ako. Sana maramdaman niya na nasasaktan ako sa ginagawa niya. Sana maramdaman niya na nagsisisi ako dahil hindi ko nagawang pumili noon. Sana maramdaman niya na kaya ko siya nilapitan ay dahil siya ang pinili ko. Oo, mali man, pumili pa rin ako dahil may parte sa isip ko na imposibleng balikan pa ako ni Robi. "Bakit ka nagsosorry?" "Iyong tungkol kay Robi--" "Ah, nagsosorry ka kasi siya iyong pinili mo?" Tumayo siya at hinarap ako. Alam ko. Nararamdaman ko na itong tingin na ipinupukol niyang ito, ipinahihiwatig na nasaktan siya. Nasasaktan siya. At ako pa ang dahilan kung bakit. "Nagsosorry ka kasi nasaktan mo ako? Nagsosorry ka kasi mas pinili mo iyong taong nananakit sa iyo kaysa sa taong alam mong dadamay sa iyo? Nagsosorry ka kasi mas pinili mong magpakatanga kaysa isalba iyong pagkakaibigan natin? Iyon ba iyon, L?" mahabang lintaya niya. Napansin ko na medyo namamasa na rin ang gilid ng mata niya. Napatingin naman ako sa paligid kasi naramdaman ko na may mga matang nanunuod na sa amin. At, oo, mayroon nga dahil halos lahat ng mga estudyante sa cafeteria, nakatingin na sa akin. Ibinalik ko naman iyong atensyon ko sa kaniya at hahawakan ko sana siya sa kamay kaya lang umatras siya kaya naibaba ko na lang iyong kamay ko. "Hindi, Leigh--" "L, mali ka. Alam mong sinaktan ka pero siya pa rin pinili mo." Pumihit siya patalikod at naglakad na palayo pagkahila niya sa kaklase namin sa isang table. "Leigh... hindi ko naman siya pinili noon." pabulong kong sinabi habang sinusundan siya ng tingin. "Kung alam mo lang." Ano ba, Leigh? Nasasaktan ako sa inaasal mo. Alam kong karapatan mo pero nasasaktan rin kasi ako. Hindi ko na talaga alam kung paano siya susuyuin. Hindi ko na alam kung paano ko siya maibabalik sa akin, kung paano niya ako mapapatawad. Gulong-gulo na ako sa nangyayari sa akin. Takot na takot akong iwanan ng mga taong mahal ko. Isa iyan sa mga bagay na kinatatakutan ko bukod sa mga multo, clown at sa dilim. Nasanay ako na walang umaalis sa tabi ko kaya hindi ko alam na ganito pala iyon kahirap, na ganito pala iyon kasakit. Hindi ko alam kung paano hinahandle ang ganitong sitwasyon. Kasalanan ko naman rin kasi kung bakit parehas silang nawala sa akin. Ang laki ko kasing tanga. Siguro nga may pagkukulang ako kay Robi kaya niya ako iniwan pero sana man lang sinabi niya kung ano iyon para napunan ko. Hindi iyong bigla na lang siyang manlalamig sa akin. Hindi iyong bigla na lang niya akong sasaktan. Hindi iyong bigla niya na lang akong iiwan ng walang kaalam-alam kung ano bang dahilan kung bakit niya ako iniwan. "Iiyak ka ba?" tanong ng lalakeng nabunggo ko pagkatalikod ko. Pagtingin ko si Chase pala. "Kailangan mo ba ng karamay ngayon?" Umiling na lang ako saka ko siya nginitian. "Salamat, pero gusto ko lang sana na mapag-isa ngayon, Chase." "Kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako." Tumango na lang ako saka ko siya iniwan tapos dumiretso sa field. Duon lang naman kasi ako nagtatago kapag gusto kong umiyak. Wala naman na akong alam na puwedeng paglabasan ng sama ng loob kung hindi duon. Sa ilang taon ko kasi na pagsstay, duon talaga ang takbuhan ko dahil walang naningielam sa akin. As usual, sa ilalim ng puno ako pumwesto. Ito kasi iyong pinakafavorite spot ko sa school. Kita kasi mula rito iyong mga natakbo sa field. Kahit kasi mainit, may makikita ka pa rin na mga nagpapractice. "Alam na ba ng prinsesa ko?" tanong ng kung sino mula sa likuran ko kaya nagulat ako. "Kaya ka ba umiiyak kasi alam mo na?" Pagtingin ko, si Dylan lang pala. Of all people, siya pa talaga ang nakita ko at nakakita sa sitwasyon ko ngayon? At saka, ano ba iyong sinasabi nitong alam ko na? "Kung mangbabastos ka lang, umalis ka na." Pinunasan ko ng panyong basang-basa na ng luha ang mukha ko. I'm crying my eyes and heart out kaya para nang inilublob sa tubig iyong panyo ko. I need another one. Ayoko namang manghiram kay Dylan. Umupo siya bigla sa tabi ko. Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako at hinawakan sa kamay. "Mamaya ka na tumayo, dito muna tayo." Hinila ko iyong kamay ko mula sa pagkakahawak niya tapos sumandal ako sa puno. "Sa lahat ng tao, ikaw ang pinakahuli kong gustong makita. Kaya please lang, umalis ka na." pagsusungit ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako kahit na sinungitan ko siya. Augh. What's wrong with him?! Hindi niya ba alam na ayoko siyang makausap, makita – to put it simply, ayoko sa kaniya. "At least, gusto mo akong makita." masayang pagkakasabi niya. Can't this guy take a hint? "Hindi kaya--" Bigla naman niyang hinawakan iyong pisngi ko tapos pinunasan niya ito gamit ang hinlalaki niya. "Umalis ka na nga!" asik ko sabay tulak sa kaniya pero hindi man lang siya natinag. Ang lakas talaga ng nilalang na ito. And yes, I know I'm being rude pero masisisi niyo ba ako? "Umiiyak ka ba dahil alam mo na?" Ano ba iyon?! Bakit ba paulit-ulit siya sa umiiyak ka ba dahil sa alam mo na spiel niya?! Ano ba iyong alam ko na na iyon?! "Ano ba iyon?!" Tinutulak-tulak ko siya pero parang wala lang tumutulak sa kaniya. Ano ba?! Bakit ba kasi ang hina-hina ko?! "Kaya ka ba umiiyak kasi alam mo na na..." Ngumiti siya. Ayoko ng ngiti niya. "Nakabuntis si Robi? Nakabuntis iyong boyfriend... teka, ex pala, ano?" Ayoko na. Ang sakit-sakit na. When will this pain and suffering end? Iyong una, kay Robi tapos iyong kay Leigh. Si Leigh, ayaw na yata talaga ako maging kaibigan. Tapos si Robi, nakipaghiwalay. Siguro dahil mas gusto na niya iyong babaeng nabuntis niya. Kung hindi naman niya gusto iyong babae, hindi niya mabubuntis o bubuntisin iyon. O mas malala, baka mahal niya iyon kaya ginalaw niya kaagad para hindi na siya iwanan dahil nga sa anak nila. Para akong binuhusan ng tubig na sobrang lamig nang marinig ko iyong sinabi ni Dylan. Kada papasok sa isip ko, parang gusto ko na lang mawala na; mamatay na lang para makatakas sa sakit, sa sakit na unti-unti akong pinapatay. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang sabihin sa akin iyon ni Dylan. At sa tatlong araw na iyon, para akong bangag kapag pumapasok. Kapag tinatawag ako para magrecite, wala akong maisagot dahil sa okupado ng kung ano-anong bagay ang utak ko. Pero malaki iyong space na inokupahan sa isip ko ay iyong sinabi ni Dylan. Nakabuntis si Robi. Ayaw kong maniwala sa nalaman ko, sa narinig ko. Lalo na kung kay Dylan pa nanggaling iyong balita. Pero kasi wala akong makitang dahilan kung hindi iyon lang para maisipang makipaghiwalay ni Robi sa akin. Wala akong matakbuhan. Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Gusto nang sumabog ng utak, puso, pati mga ugat sa katawan ko dahil sa mga bagay na sobrang nananakit sa akin. Ayoko namang magbuhos ng sama ng loob kay Chase kasi pakiramdam ko, marami rin problema iyong tao. Ang lamig-lamig kaya nuon madalas and I think that's because of his personal problems. Gusto ko nang bitawan si Robi dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi na kami magkakabalikan dahil nga nakabuntis siya. Sinadya man niyang gawin iyon o hindi, kailangan siya ng babae at hindi ko siya kayang agawin dahil sa dinadala ng babae, na siya ang may-ari. Gustong-gusto ko siyang agawin sa babae at huwag nang ibalik, pero alam kong mali. At lalong hindi ko kaya dahil hindi ko ugali iyon. Tapos madadamay pa iyong baby? Sa lahat pa naman ng bagay, sa baby ako pinakamahina. Hindi ko kayang makakita ng baby na nasasaktan, ng baby na naiiiwan. "Lagi ka na lang bang iiyak?" tanong ng lalake na biglang umupo sa tabi ko. Teka, nagbalikan na iyong mga kaklase ko? Nang tignan ko kung sino iyong nagsalita, nakahinga ako ng maluwag dahil si Chase lang pala. "Halika nga." Hinila niya ako paalabas ng room hanggang sa makarating kami sa labas ng campus tapos pumunta kami sa likuran kung nasaan iyong mini park. "Teka, ayaw kong magcut." sabi ko habang pinupunasan ang pisngi kong basang basa na ng luha. "Wala ring sense kung papasok ka tapos nasa ibang bagay iyong isip mo." Hinila niya ako paupo tapos tumalikod siya sa akin. "Sige na, umiyak ka. Ilabas mo na lahat ng sama ng loob mo." "Ch-Chase..." "Sige na." Pumihit siya paharap tapos ngumiti pero bigla rin yumuko. "I just had the feeling na ayaw mo sabihin sa akin problema mo. Nahihiya naman ako magtanong nang magtanong kasi baka makulitan ka sa akin at saka, naisip ko na baka sobrang personal." Iniangat niya ulit ang ulo niya saka ako tinignan sa mata, na parang determinado sa kung ano mang laban ang susuungin niya. "But I can't just stand and watch you suffer. Para saan pa at pinapasok kita sa buhay ko kung hindi lang rin kita tutulungan sa mga problema mo?" Ipinatong niya iyong isang kamay niya sa ulo ko habang nakahawak naman sa strap ng bag niya ang isa. Iyong seryosong mukha niya, napalitan ng maamong expression na sinamahan pa ng ngiti. "So will you let me listen and help you with your problems?" Salamat, Chase. Humikbi ako saka tumango. I decided to give my full trust to him. Hinawakan ko iyong likod ng jacket niya gamit ang dalawa kong kamay saka ko ibinaon iyong mukha ko sa likuran niya. "Chase, ang sakit. Hindi ko na alam gagawin ko. Dalawa lang silang nagpapahirap sa akin pero grabe kasi parang isang batalyon ang nagbibigay ng problema sa akin. Si Leigh, ayaw na yata akong maging kaibigan. Si Robi... hindi ko na alam gagawin ko sa lalakeng iyon!" Bumitaw ako tapos niyakap siya mula sa likod. "Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga-tanga ko! Hindi ko na alam kung bibitawan ko na ba siya o magpapakatanga pa rin at manatiling kumapit sa kaniya. Chase, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Gulong-gulo na ako." Umiyak lang ako nang umiyak. Basa na rin ang likuran ng jacket niya. Buti na lang at nandito si Chase. Kahit kasi papaano, nailabas ko ang hinanakit ko. Buti na lang at may Chase Mendoza na handang makinig at dumamay sa akin. "L," Bigla siyang nagsalita habang nakatalikod. Gumalaw siya pero hinigpitan ko iyong pagkakayakap ko sa bewang niya. Para akong bata na ayaw ibitaw iyong pagkakayakap sa magulang dahil ayaw akong isama sa lakad nila. "Hangga't maaari, ayoko nang nakikita kang umiiyak." "Pero, Chase, ang hirap." "Alam kong mahirap dahil masakit, pero kayanin mo." "Hindi ko kaya." "Kaya mo. Ako nga may tiwala sa iyo, sarili mo pa kaya? Mas kilala mo iyong sarili mo kaysa sa akin kaya dapat magtiwala ka rin sa sarili mo kagaya ng pagtitiwala ko sa iyo." "Chase," "Ayoko nang makikita kang umiiyak sa kaparehong dahilan." Hindi ko talaga alam gagawin ko. Siguro kung wala si Chase na laging tumutulong sa akin para pilitin ang sarili kong bumangon ulit, baka nabaliw na ako. "Chase, please..." Ibinaon ko lalo iyong mukha ko sa likod niya saka ako huminga ng malalim. "Kahit ano ang mangyari, huwag mo akong iiwan, ha? Kahit na ako iyong mali, sa akin ka lang kakampi, ha?" Natahimik siya at pakiramdam ko, bigla siya naging tensed kaya nagtaka ako sa reaksyon niya sa sinabi ko. Ilang segundo rin siyang tahimik bago sumagot. "Gustuhin ko man, hindi ko kaya. Pero hangga't sa makakaya ko, hindi kita iiwan." -- "Bakit ka ba laging nakajacket? Hindi ka ba sanay sa lamig?" tanong ko kay Chase habang nilalaro ko ng Pen-Pen-de-sara-Pen iyong kamay niya gamit ang ballpen ko. Nandito kami ngayon sa pinakalikod ng classroom. Wala iyong prof namin kaya sobrang ingay ngayon. "Sanay." balewalang sagot niya habang pinanunuod ang paglalaro ko. "O, iyon naman pala--" Napatigil ako dahil medyo natanga ako kaya natusok ko ng ballpen iyong darili niya. "Aray." "Sorry." nakangising sinabi ko. "Iyon nga," Kinuha ko ulit iyong kamay niya tapos nilaro ulit ng Pen-Pen-de-sara-Pen. "Sanay ka naman pero lagi kang nakajacket. Minsan lang kita nakikitang walang jacket." "Because. Just because. At saka, itigil mo nga iyang ginagawa mo sa kamay ko." Hinila niya iyong kamay niya pero kinuha ko ulit sabay tuloy sa laro. "Kapag ako nagkasugat, lagot ka sa akin." "Okay lang!" Nginitian ko siiya. "As if naman na papatayin mo ako." Iyong nakangiti niyang mukha biglang lumungkot. Bakit? "Hoy, Chase, may problema ka ba?" "W-Wala..." Bumuntong-hininga siya pagkaiwas niya ng tingin. "May chocolates ka bang dala ulit?" Tinignan ko iyong bag niyang maliit. Okay lang rin naman na maliit lang ang bag niya since kaonti lang naman iyong mga gamit na inilalagay niya ruon. "Mayroon." Tumayo siya saka pinagpag ang pang-upo. "Teka, cr lang. Kuhanin mo na lang sa bag iyong chocolates." balewalang sinabi niya saka lumabas. Kinuha ko iyong bag niya't kinalkal. Isang catleya notebook lang ang dala niya tapos dalawang black, tig-isang blue at red ballpen. Nasaan na ba iyong chocolates niya rito? Natigilan ako saglit pero bumalik sa pag-eeksamin ng hawak kong container. Teka. Ano ito? May isang pocket kasi na binuksan ko tapos may nakita akong dalawag maliit na lagayan ng... gamot? Isang may laman na capsules tapos iyong isa naman tablets. Nagulat ako nang pagkabalik na pagkabalik ko ng container, biglang may humila ng bag sa akin. Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Chase na medyo pawisan. "Anong nakita mo?" Halata sa mukha niya na kinakabahan siya habang panay ang paghinga ng malalim. Napagod siguro? Tumakbo ba siya? Malapit lang iyong cr ng boys, ha? "Uhh..." Hindi ko alam sasabihin ko. Masyado akong nagulat sa ginawa at reaksyon niya. "Ano? May nakita ka ba?" "Notebook mo, mga ballpen at saka--" "At saka ano?" "Iyong mga... gamot? Teka, para saan iyon?" Bigla naman nanglaki ang mga mata niya. Ano bang mayroon? Natatae ba siya? Halata kasi iyong kaba niya. "A-Ano? Na-Nakita mo?" Tumango ako. "W-Wala iyon. Sa... ano... sa kapatid ko iyon. Dadalahin ko kasi mamaya sa kaniya. Nakalimutan niya." "Ha? May kapatid kang may sakit?" Tumango siya. Gusto ko makita at makilala iyong kapatid niya. Who knows, baka magkasundo kami nuon tapos kapag friends na kami, pagtitripan na namin ng sabay si Chase. "Oo," Naghalungkat siya sa bag niyang maliit tapos may hinugot siya. Iyong chocolate! "Heto, oh." Iniabot niya sa akin iyon. Tinanggap ko naman. "Ikaw, ha?" Binuksan ko iyong wrapper ng chocolate tapos inilapit ko iyong mukha ko sa tenga niya saka ako bumulong. "Nagbebenta ka ng bawal na gamot, ha?" Umayos na ako ng upo at sumandal sa upuan. "Nako, Chase, bawal iyan." nakangising sinabi ko saka ako kumagat sa chocolate. Bigla naman niya akong kinotongan kaya napahawak ako sa ulo ko. Tumawa siya ng mahina dahil sa naging reaksyon ko. "Ewan ko sa iyo." sinabi niya tapos umupo na sa tabi ko. "Gusto mo?" Itinapat ko iyong chocolate bar sa bibig niya. "Masarap." Nginitian niya lang ako sabay kagat sa chocolate. "Masarap, hindi ba?" Tumango siya habang nakangiti. Ang cute lang ni Chase. "Kaya nga iyan iyong binili ko kasi alam kong magugustuhan mo." "Chase." "Hmm?" Kumagat ulit siya sa hawak kong chocolate. "Kahit ano ang mangyari... kahit na ako iyong mali... huwag mo akong iiwan, ha? Natatakot lang kasi akong maiwan ulit." Alam kong nagtaka siya dahil sa sinabi ko. Kahit sino naman. I don't know why I said those thing pero kasi, I just had the feeling of wanting to blurt those things out. Ang out of the blue pero I just want some kind of assurance kasi natatakot na talaga ako. Natahimik siya at natulala saglit. Nilunok niya muna iyong nginunguya niya tapos nagsalita. "Sabi ko naman sa iyo," Hinawi niya iyong ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko tapos inilagay niya iyon sa likuran ng tenga ko. "Ayaw kong mangako. Pero hangga't kaya ko, gagawin ko." "Talaga?" "Talaga." Nginitian niya ako. "Ikaw naman, promise mo sa akin," "Ano?" "Simula ngayong araw na ito, hindi ka na iiyak dahil sa ibang tao. Pero kung ako ang iiyakan mo, okay lang. At saka, simula ngayon, ako lang ang iisipin mo, walang iba kung hindi ako lang. Walang Leigh at lalong-lalo na walang Robi." "Ang hirap naman yata niyan." Tumango ako pero iniangat niya pa rin iyong mukha ko. Ewan ko kung kakayanin ko gawin iyong request niya. Ang hirap talaga. Imposible naman kasi na hindi ko maisip sina Robi at Leigh kasi naging bahagi na ang mga ito ng buhay ko. "Hindi ka mahihirapan kung gugustuhin at susubukan mo." "Sige, kahit mahirap, kakayanin ko." desididong pagkakasabi ko. "Pero, teka, nakapagcr ka na ba? Bumalik ka kasi kaagad, hindi ba?" Ngumiti siya tapos nagkamot ng batok. "Pabantay na lang muna nito, magccr lang ako." pakiusap niya sabay turo sa bag niya saka lumabas. -- Alam niyo iyong nakakaasar? Iyong oras iyon, eh! Dati, lagi kong hinihiling na bumilis iyong oras, tapos siya namang bagal nito. Tapos ngayong gusto kong bumagal iyong takbo nito, siya namang bilis nito. Ano ba talaga? Siguro masyadong mabilis ngayon iyong oras ko kasi masaya ako kapag kasama ko si Chase. Ika nga nila, time flies when you're having fun. We always have fun kapag magkasama kami kaya kahit papaano, nakakalimot ako sa ibang bagay. Chase is really good at diversion. At sa sobrang bilis ng oras, midterms na! Siyempre, sabi nga nila, na sinasang-ayunan ko naman, time heal all wounds. Kung para sa karamihan, mabilis ito, edi mabilis. Unti-unti kasi nakakamove on na ako kay Robi. Siguro... malaki ang naitutulong ng pagiging magkaibigan namin ni Chase sa pagmomove on ko. Siya lang kasi ang dumadamay at nagpapasaya sa akin. Hindi ko naman siya ginawang rebound, right? Wala naman kaming relasyon, bukod sa magkaibigan, kaya hindi ko siya ginagawang rebound, right? Kung dati, grabe na lang kung iyakan ko si Robi, ngayon, sumisimangot na lang ako kapag naiisip ko siya. Siyempre, nakakapanghinayang rin kasi iyong mahigit dalawang taon na pagsasama namin. Bakit ba kasi kailangan niya pang gawin iyon, hindi ba? Dahil ba may nabuntis o binuntis siya? Kahit naman kasi sabihin na medyo nakakalimot na ako, hindi pa rin maaalis sa akin ang maraming tanong. Boys and their urges. Si Leigh? Hindi pa rin ako pinapansin. Expected na iyon kasi may kasalanan rin naman ako. Hindi naman siguro mabigat at hindi rin naman siguro magaan iyong kasalanan ko sa best friend ko. Nakakabobo na minsan mag-isip ng mga ganitong bagay. "Kailangan na naman nating magreview." Nag-inat ako. Katatapos ko lang isulat iyong mga kinokopya ko sa notes ni Chase. Nakahabol kasi siya kanina sa pagkopya bago burahin iyong mga nakasulat sa whiteboard. Kumpara kasi sa akin, mas mabilis siyang magsulat. "Gusto mong dumiretso sa library?" tanong niya sa akin habang nag-aayos ng gamit niya. "Chase," Hinarap ko siya. "Magmimidterm." Tinaasan niya lang ako ng kilay. Sanay na ako riyan. It's either so or go on ang meaning niyan kapag ganiyang nagtaas siya ng kilay. "Sa tingin mo, saan pupunta iyong mga estudyante para magreview?" "Sa... Library?" "Tama! Edi pagpunta natin ruon, hindi na tayo makakaupo dahil duon na sila dumagsa, hindi pa tayo makakapag-aral ng maayos kasi masyadong crowded iyong library." "Saan tayo magrereview?" Ipinatong niya iyong mga braso niya sa armchair ng upuan niya tapos ipinatong niya rin iyong ulo niya sa braso niyang nakacross habang nakapatong sa armchair. "Uhh..." Saan ba puwede? "Sa bahay mo na lang kaya?" Sa bahay... ko? Sa bahay ko? Oh, my god. "Aray!" Sinimangutan ko siya. Tama ba ang pitikin ako sa ilong?! Nag-iisip ako, eh. "Alam ko iniisip mo. Mag-aaral lang tayo. Basang-basa ko iyong iniisip mo sa ginawa mong facial expression, eh." Matawa-tawang sinabi niya habang umiiling. "Psh. Sorry naman, hindi ba? Baka puwede magpatawad?" sarkastikong tanong ko pero binatukan niya lang ako. I swear to God, may mapapatay ako ng hindi oras. "Nangangaroling ka ba?" "Chase! Naman, eh! Nagseseryoso ako, ha?" Ibinagsak ko ng mahina ang mga kamay ko. Akala ko matatakot siya pero nagpigil lang siya ng tawa. "Mukha nga. Grabe." sarkastiko niyang sagot. Err! "Mukha kang si Boo ng Monsters Inc. kapag nagagalit ka." Hindi ko siya pinansin. Bahala siya. "Basta hindi puwede sa bahay kasi walang tao ruon, ako lang." And Yaya, of course. "Dito na lang kaya?" "Chase," Itinaas ko iyong hintuturo ko tapos inikot-ikot. "See? Magulo, maingay, paano papasok iyong mga inaaral natin kung ganito ang lugar na pagrereviewhan natin?" "Sabagay." "Sa bahay mo na lang kaya?" "Hindi--" "Hindi ka puwedeng humindi!" "Psh. Fine." Napangiti ako nang sumuko siya saka ko kinalikot iyong notebook niya. Ano kayang klase ng pamilya mayroon si Chase? Katulad niya rin kayang tahimik? Gusto ko rin makita iyong sinabi niyang kapatid niya na may sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD