Chapter1 'Eruption'

1273 Words
Burnout sa trabaho si Lucas ng gabing iyon, inabot na nga siya ng gabi sa pag edit ng ilang kapalpakan ng kanyang Staff. mabait siyang amo huwag nga lamang na sinasagad ang pasensya, mabilis kasing uminit ang ulo niya. "Boss, iyan na lang ang kayang gawin sa maiksing oras, pero kung sablay talaga, hayaan nyo gagawan ko ng paraan bukas?" sabi ng isa sa kanyang staff. "Bukas? Do you hear yourself, ha? Our client needs this on his table by 10 am tomorrow. Ngayon nga lang inabot ka ng alas sais just to fix the unfixable wrong tapos sasabihin mo, aayusin mo bukas? sa palagay ko wala kang concern sa client at sa trabaho mo Rudy, considering halos nakapagligpit ka na ng gamit mo at mukhang pauwi na khit pa nga may palpak sa trabaho mo?" sabi ni Lucas. "Boss, walang kasama si Misis, kabuwanan noon eh. Bukas na lang Boss papasok po ako ng maagang-maaga." sabi na lamang ng tauhan. Mas gusto ni Lucas na makapag-isip ng alternatibong solusyun kesa ang magalit na wala namang mangyayari na. Tumango na lang si Lucas at sumangayon ngunit labas sa kanyang ilong. Inabot nga ng gabi si Lucas bago na perpekto ang ginagawa. Bagama't ayaw niyang uminom, napilitan na lamang siyang pumunta saglit sa bar para uminom ng ilang shot, sana'y makatulog siya at maiwasang muling dalawin ng kanyang mga bangungot. Ngunit hindi guato ni Lucas ang athmospher sa paboritong bar dahil bukod sa crowed na nga, maroon pa ang ilang mga taong hindi niya gustong makita. Wala nang nagawa si Lucas kundi ang lumipat ng ibang bar, ngunit dahil tamad na siyang magmaneho ng malayo, nagpasya na lamang siyang pumasok sa isang maliit na bar na ilang hakbang lamang ang layo mula sa unang bar na kanyang pinasukan. Mukhang high-end at sosyal din ito, subalit hindi pa niya naranasang pumasok doon. Okay naman ang kapaligiran nang pumasok siya—maaliwalas at cozy ang lugar. Trip din niya ang tugtog na naririnig mula sa speaker, country music iyon sakto sa mga gusto lamang magpaantok at mag chilax. Pinili ni Lucas ang isang mesa sa sulok para mapanatili ang kanyang katahimikan. Nakakadalawang beer na siya nang mapansin niya ang isang bagong pumasok na grupo ng mga babae sa bar. Medyo maiingay ang mga ito, nagsasalita ng Ingles, at mukhang mga sosyalita batay sa kanilang suot na damit. Isa sa kanila ay nakasuot pa ng ID habang ang kasuotan ay mukhang galing sa simbahan dahil sa haba ng palda nito. Sa palagay ni Lucas ay mga empleyado ito sa isang kumpanya, posibleng sa isang call center pa nga. "Girls, bakit tayo dito nagpunta? mahal dito hindi ba?" sabi ng babaeng mahaba ang palda. "Ang KJ mo girl, ano naman? afford naman natin. Saka dito tayo bagay kesa doon sa sina suggest mong bar na ewan baka may mga macho dancer pa yuck!" sabi ng isang babaeng may mataas na kilay na kasing taas ng takong nito. Binalewala ni Lucas ang kanilang pagdating at nag-scroll-scroll na lamang sa kanyang cellphone, gamit ang kanyang stylus pen habang muling tumungga ng kanyang ikalawang beer. Ngunit hindi inaasahan ni Lucas na ang tatlong maiingay na babae ay pupunta't uupo nang halos malapit sa kanya—katapat pa nga ng kanyang mesa, bagama't nasa kabilang linya ito. Umismid na lamang si Lucas at napatingin sa kesame. "Oh Damn it, mukhang maiistorbo na ang katahimikang hinahanap ko." sabi niya. Balak sana niyang tapusin na lamang ang ikatlong beer na inorder niya, pagkatapos ay uuwi na at itutulog na lamang ang pagod at bitin niya sa alak. Pero muling nagawi ang tingin ni Lucas sa mga babaeng bagong dating partikular sa babaeng medyo naka side view ang upuan sa gawi niya kaya side view lamang ng mukha nito ang nakikita niya. Ngunit natatakpn naman ng mahaba nitong buhok na unat na unat kaya hindi rin niya makita ang mukha. Maliit lamang ang babae, mukhang petit at base sa kasuotan ay manang o old fashioned ito, kung ikukumpara sa datingan ng mga kasama. Bagamat mga fashionista sa makabagong kasuotan, mga mukha itong social climber, mga klase ng babaeng kapal ng wallet at ganda ng kotse ang basehan ng boyfriend. Maya maya ay nagulat si Lucas ng hinatiran ng "Eruption Barrel" ang table ng mga costumer na kinaiinisan niya. Pagtapos ay narinig niyang na nagkakasiyahan na ang mga ito. Narinig pa nga niyang nag truth or dare games ang magkakasama. Inis man at irita sa maingay na table hindi maiwasan ni Lucas na mapatingin sa mga ito dahil nagugulat siya sa lakas ng mga boses ng mga ito sa simpleng usapan lamang. "Ano ba Hailee? ang korni mo talaga, basta sa tuwing iikot ang ball pen at matapat sayo ay mamimili ka ng truth or dare. Kung truth ay personal question ang itatanong namin at pag mali o hindi mo nasagot isang full shot ng eruption ang parusa. Kapag dare naman, ay uutusan ka namin o idi dare ka gawin ang isang bagay . At kapag hindi mo naman nagawa, pag inom din ng full shot ang kapalit plus isang secret punishment. "Huh? Isang secret punishment? Bakit may ganun? bago ba yun?" usisa ng babaeng tinawag na Hailee. "Ah basta ganun ang rules and Oa mo naman. Bilis na o game na ba?" sabi ng babaeng naka blazer na black. Napangiwi at napapailing si Lucas sa nakikita at naririnig. Mukhang napagti-tripan ang isa sa babaeng kasama ng mga ito. Parang underdog ito ng tatlong kasamahan. Pupusta si Lucas, Team Leader ang may hawak ng bote. Sabi pa nga ng binata. Panay truth ang pinilipi ng babaeng umaagaw ng pansin niya. Ang babaeng mahaba ang buhok at mahaba rin ang palda. Pero kapag tinanong na ito ay hindi ito nakakapagsalita kaya ang ending iniinum nito ang Eruption drinks. Napailing na naman si Lucas, "Malamang dalawang truth na lang ng babae, babagsak ito. Hindi biro ang tama ng Eruption Mix." Sabi pa ni Lucas. Sa pagkakabilang niya ay nakakatatlo na ito. And woah! matibay sa alak ang isang eto. Sabi pa niya. Kung sabagay karamihan sa mga babaeng easy go lucky at mga socialite na tulad ng mga ito ay malalakas sa alak. Pero hindi biro ang alcohol content ng Eruption. Pitong pinaghalo halong alak iyon na talagang matatapang. Umikot ang ballpen at muling tapat sa babaeng may mahabang buhok. Nakita niya ang buka ng bibig ng babaeng kahit pa nga naka side view ito. Truth na naman ang sinabi nito, narinig pa niyang nagsipag reklamo ang mga kasama nito at nagtatalo sila. May sumigaw pa nga ng Dare. Dare na lang daw para fair naman sabi ng isang sumigaw na may malakas na boses. Nagbulungan ang magkakasama. Nakita niyang parang nabalisa ang babaeng may mahabang buhok. Pero hindi akalain nni Lucas na sa kakapakinig niya sa mga babae ay madadamay siya. Biglang natuliro si Lucas ng tumingin sa kanya ang tatlong babae. "Naramdaman ba ang mga ito na pinagmamasdan ko sila? s**t naman, what now?" panic niya. "Badtrip naman," sabi ni Lucas. Late na kung magkukunwari siyang hindi nakatingin sa gawi ng mga ito. Lalong awkward naman kung bigla silang magiiba ng tingin. Itinaas ni Lucas ang kamay at kinawayan ang waiter na saktong parating saka niya binigyan na lamang ng tipid na ngiti ang mga babaeng nakatingin sa kanya. Si Hailee ang huling lumingon sa tinitingnan ng kanyang mga kasama, At nakita niyang nakatingin ang mga ito sa isang lalaking nakaupo sa isang sulok na table. Guwapong lalaki na may maamong mukha, ruggedly handsome at macho sa suot na brown jacket na may white inner shirt. "No! Oh my God hindi ko kaya." Sabi ni Hailee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD