Chapter 16 ' Meeting Him Again'

1258 Words
Hindi ito mabait tulad ng ibang TL na nababalitaan niya maging ang circle of friends niya alam niyang hilaw ang pakikitungo sa kaniya pero no choice si Hailee, sila lang naman ang mga itinuring niyang kaibigan sa trabaho kaya ito na rin ang itinuturing niyang pamilya. Kahit pa nga ilang beses na siyang iniwan ng mga ito sa ere. Tinanggap naman ni Dominique ang paliwanag niya at tinanggap ang café, pero bilang parusa ay isang buwan siyang graveyard. Pabor yun, kahit paano ay ipinagpasalamat na rin ni Hailee ang pagkaka assign sa graveyard shift. Mas tahimik at mas konti sila kapag graveyard. Bukod pa roon, maiiwasan ni Hailee ang managinip, sabi kase nila mas may tendency daw na managinip ang tao sa gabi kesa sa araw. Sa loob ng halos isang buwan, Hailee battled for a situation she almost forgot she had. Sa halos maraming taon na sinikap nila ng kanyang inang na panatilihin lamang ang kanyang simpleng sitwasyun ay bigla na lamang iyon nagbago dahil sa naganap sa silid na iyon may isang buwan na ang nakakaraan. Hindi biro ang pinagdaan ni Hailee matapos niyang lumabas ng silid na iyon ng umagang iyon. Wala naman siyang balak noon na tumawag ng pulis o ng anupa man. Ang plano niya ay umuwi na lamang at mamahinga dahil iyon ang kailangan niya. Gustuhin man niyang umuwi, magisip at balikan ang kakaibang karanasan ay hindi na niya nagawa pa. Dahil paghakbang pa lamang niya sa ikalawang baitang ng hagdan ng condominium na iyon ay nagpakita na ng senyales ang isang ang katotohanang gusto sana niyang takasan at kung maaari lang, at kung pwede lang talaga ay gusto na niyang kalimutan. Ngunit hindi siya pinaligtas ng katotohanang iyon. Isang bagay na sinisikap sana niyang huwag mangyari, pero naganap na, and In the end, ang numero ng kanyang Inang ang dinayal ni Hailee. Pasan ni Hailee ang isang kalbaryong nagiging hadlang ng kanyang pag unlad, at naging sanhi kung bakit takot siyang magmahal o mas sabihin na lamang na hindi dapat magmahal. Sa nakalipas na mga taon ay nagagawa niyan maging simple lamang, tahimil at hindi apektado ng sinuman. Wala siyang ibang kakampi at karamay kundi ang kanyang Inang at doon na lamang din inuubos ni Hailee ang kanyang panahon at pangarap. Ang lahat ng pagsusumikap ng dalaga ay para sa isang taong nagmamalasakit sa kanya at tangi niyang karamay. The rest that happened after that morning was only between her and her Inang na kung tutuusin ay hindi niya magulang kundi ninang lamang sa binyag. Inalagaan siya ng Inang niya ng iwan siya ng kanyang ina. Ayon dito ay hindi na daw siya kayang alagaan pa dahil iniwan na daw sila ng kanyang ama, iniwan daw ang nanay niya para maghirap mag isa at unfair daw yun katwiran ng nanay niya. "Unfair, eh paano sa kanya hindi ba unfair din yun? Bakit sila gumawa ng anak kung ni isa sa kanila ayaw ng responsibilidad?" tanong ni Hailee noon sa Ninang niya. Iniwan siya sa pangangalaga ng Ninang niya na hindi man lang naghabilin o nangako ng kahit anuman lang. Later on, her mother sent her a letter saying she found a new love and live with him abroad at hindi daw alam ng lalaki na may anak siya. Hindi na matandaan ni Hailee kung ilang gabi niyang iniyakan ang kapalaran at hindi na rin niya mabilang kung ilang gabing halos walang tulog ang ninang niya kakabantay sa kanya sa hospital dahil sa pinagdaanan niyang iyon. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Haillee ng tumunog ang notification sa kanyang portal. Kinuha ni Hailee ang kanyang headset, binuksan ang kanyang Spotify, at pinili ang kanyang paboritong playlist. Habang nakaharap sa monitor sa kanyang table. Ang pagsusuot ng headset kapag naaalala niya ang masasakit na nakaraan ay mungkahi ng doktor. Ang musika ay nakakapag- parelax sa kanya at nagpapabagal ng t***k ng kanyang puso at nagdudulot ng abalang isipan sa kanya para malayo siya sa sakit at paghihirap. Sa ganitong paraan, makakaya niyang manatiling maayos at kalmado. Mula pa noon ay ganito na ang mundo ni Hailee. Kapag nakakaramdam siya ng lungkot o takot, ang kanyang headset na may kasamang paboritong musika ang tanging lugar na puntahan niya. Nang maglaon, sinubukan niyang makihalubilo sa ilang kaibigan, kahit na marami sa kanila ay hindi tunay na kaibigan ,sa pag-asang may makakasama siya, makalilibang kahit papaano, at may maasahan sa oras ng pangangailangan lalo na sa mga oras ng emergency. Bagama't malaking pagkabigo para sa kanya ang uri ng mga kaibigan na nakuha niya, nakakaraos naman siya araw-araw nang hindi iniisip ang kanyang sariling kalungkutan. Maging ang puso niya hindi man masaya ay panatag naman. Ngunit matapos ang karanasan ng gabing iyon, kinailangan ni Hailee na palaging suotin ang headset kahit nasa MRt o sa jeep. Dahil bumibilis ang kabog ng dibdib niya at hindi nagiging relax ang mga muscle niya kapag naaalala ang tagpong iyon. Ang pagkakasakit ng Lola ay kasinungalingan lang dahil si Hailee ang na ospital at kinailangan manatili sa bahay hanggat hindi pa niya kaya. Nakabalik lamang siya sa trabaho matapos nga ang isang buwan. Sa ikalawang buwan mula ng bumalik sa trabaho si Hailee, nakatanggap siya ng isang mensahe. Ayon sa text na mula sa isang ahensya na kasama sa mga pinagpasahan niya ng aplikasyon para maging modelo, sinabi nitong mag reply daw siya sa mensahe kong pwede siyang tawagan. Hindi naman mahigpit ang kompanya nila sa personal call kaya nag reply siya ng 'yes'. Wala pang sampong minuto nakatanggap nga siya ng tawag. Ayun sa babaeng kausap niya, nagustuhan daw nito ang close up picture niya. Ayun pa sa mensahe, ang larawan niya ang napili ng kliyente para sa isang fashion shot. "T-Talaga po, Totoo po ba?Naku salamat naman." Masayang sabi ni Hailee. Biglang siyang napatayo sa tuwa pero umupo din bigla dahil baka mabulyawan ni Brienne. "Relax, Hailee, Relax. Breathe in. Breathe out. Relax.' paalala niya sa sarili. "Yes Miss Hailee, bagama't hindi ito komersiyal, ang alok ng kliyente ay isang print ads lamang para sa isang magasin. Ayos lang ba iyon sayo ?" tanong ng babae sa kabilang linya. "Naku yes, po. Okay po sa akin kahit ano pa po yan. Trabaho po yan. Salamat po." sabi ni Hailee. "Okay, So, Miss Hailee ite-text ko sayo ang address ng studio kung saan gagawin ang screen test ha, doon na lang natin pagusapan ang terms at ang contract." sabi ng babae. "Yes, Okay po." sabi niya "Be there at 8:am please be on time, medyo maselan ang boss namin. Dont bring any clothes, ipo-provide ka ng brand ng damit na imo-model mo. Okay, bye" sabi ng babae at nagpaalam na. Hindi halos malaman ni Hailee kung paano itatago ang saya at excitement niya. Nagpasalamat ng labis si Hailee sa biyayang iyon. Kahit na print ads lamang iyon, malaking tulong na rin ito sa kanyang. Baun na naman sa utang ang Inang niya, kaya kailangang -kailangan talaga niya ng extrang kita. "Hoy, bakit ang lapad ng ngiti mo dyan, may patinga- tingala ka pa. Hoy, Hailee, kakabalik mo lang sa trabaho, pitiks ka na dyan. Ang mabuti pa accept mo yung ibang inquiry ko, ang dami eh, punta lang akong Cr." sita sa kanya ni Dominique. Nawala ang ngiti ni Hailee pero tumango saka nagpunta sa portal ni Dominique at tinanggap ang ilang inquiries nito. Kabisado na ni Hailee ang katrabaho, ang Cr nito ay katumbas ng isang buong coffee break, ganun ito katagal mag cr. Hindi niya ito maisumbong dahil magkatropa ito at ang TL niya na si Brienne.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD