Ano kayang nangyayari sa kanya ? Dahan dahang naglakad si misaki patungo sa pinto ng kwarto ni yasumi at naririnig nya ang pagwawala ng tao sa loob at pagsigaw
Natakot si misaki at agad na kumatok
'Master master anong nangyayari sayo okay ka lang ba?? Master ??? baka May magnanakaw o kaya rapist !!!! Habang kumakatok sya alalang ala sya sa amo na tinuring din kaibigan
Nang bahagyang tumahimik agad na pinakinggan muli ni misaki ang pintuan bigla itong bumukas at si butler Luis ang sumilip, bahagya nyang tiningnan ang loob nakita nya na May nagkalat na gamit pero wala si yasumi
'Ano bang nangyayari ? Galit ba si Master bakit sya nagwawala sa loob ? May sakit ba sya ? Pagalala nya ng agad na hinawi ni butler Luis at hinawakan ang mukha nya para ilayo sa May pintuan agad nitong sinara ang pinto at lumabas si butler Luis
''Natabig ni Master ang plato na syang narinig mo , kaya wag mo na syang is torbohin nagpapahinga na sya '' go away !!! mahinahong sabi ni butler Luis
Pero iba talaga ang narinig ko ano ba talagang nangyayari ? ? 'pupunta sana sya muli sa pinto pero agad na hinawakan nito ang damit nya sa bandang badok at agad na kinarga sya
Sinabi ko na sayo hindi ka pwedeng pumunta sa kwarto nya , ang kulit mo talaga ' habang karga sya nito agad itong naglakad pababa ng sala
'' Ibaba mo ko butler Ano ba ? 'Inis na sabi ni misaki ng buhatin sya nito
Binagsak sya sa sofa ''Aray ko naman mr butler , ang hard mo sakin ahhh bakit mo ba ako tinatrato ng ganito Ha ,? Nagaalala lang naman ako kay master yasumi baka matulungan ko sya kasi parehas kaming babae ''nang tumayo sya matapos makahiga
itinulak ni butler Luis sya sa noo at muling napaupo '' Hindi mo xa matutulungan ako ng bahala sa kanya , dahil mas kilala ko sya kesa sayo , kaya mabuti pa matulog ka na misaki ' nainis si misaki sa ginagawa sa kanya ni butler Luis at itinulak nya ito , mabilis syang tumakbo paakyat sa taas ng kwarto ni yasumi , nagulat si butler Luis na tumakbo din paakyat pero di nya naabutan si Misaki
Nang makarating na ito sa kwarto ni yasumi ay ni labas nya ang dila at binebean at mabilis syang pumasok sa kwarto at isinara ang pinto
'Shocks LAGOT ako kung naabutan nya ako kaya di ako lalabas bahala ka dyan 'nakaharap sya sa pinto ng kumakatok si butler sa labas At sumisigaw
Manigas ka dyan ' bulong nya nang humarap sya sa buong kwarto ay nakita nya na nagkalat ang mga basag na lamp sa sahig , mga plato , sirang upuan maging mga make-up na nakalagay sa lamesa mga picture frame libro at mga bedsheet
Bahagyang natakot si misaki ng makita ang magulong kwarto ni yasumi na first time nya ring makita
'Anong nangyari dito bakit ganito ? Mas..... master nandyan ka ba ???? Nang magsalita sya May narinig syang tila tubig na nagtampisaw sa loob ng cr
'Ma...... master si misaki po ito..,,,,,... bakit May dugo sa sahig , di kaya Master ''dahan dahan syang pumasok sa loob ng cr pero ng makita nya ang nagkalat na dugo agad syang nagmadaling hanapin si yasumi nakita nya na nakatalikod ito nang hawiin nya ang telang naka takip sa bathtub area nakita nya na nakahubad si yasumi pero nakatalikod sa kanya nakita nya ang likuran nito habang ang kamay ay nakalabas sa bathtub at puno ng dugo
''Nakahubad si Master yasumi , Sorry po Master !!!! , nang naramdaman nya ang pamumula ng mukha NYA , agad na nagulat si yasumi ng marinig ang boses nya hindi nito magawang umalis dahil sa panghihina ng katawan
''Master Sorry po kung pumasok ako dito , nagaalala lamang po ako sa nyo naisip ko pong baka na pano na kayo dahil narinig kong ingay at May nakita akong mga dugo sa sahig , o.... okay Lang po ba kayo Master ????? Dumudugo po ang kamay nyo , kukuha po ako ng medical kit para po sa sugat nyo 'Nang magsalita si yasumi habang nakatalikod si misaki
''May nakita ka ba ?? !! Tanong ni yasumi dahil sa wala syang suot na kahit ano maging piloka na pangbabae
''Wa....... wala po Master .... Sorry po ..promise po master wala akong nakita ' ' nang nataranta sa sinabi ni yasumi agad na Nahiya sya
Sigurado ka ba ? Misaki ? Seryosong boses ni yasumi
''Opo wala po akong nakita Master , si ..... sige po aalis na po ako kung ayaw nyong nandito ako tatawagin ko na po si butler Luis '' nang paalis na sana sya pinigilan sya ni yasumi
Sandali !!! Nang pagsalita nito ay mabilis itong tumayo sa bathtub at agad na hinawakan ang kamay ni misaki at hinila sya sa bathtub at nahulog
Malaki ang bathtub at sa bilis ng pangyayari hindi nya nakita ang buong anyo ni yasumi at na Lublob sya sa tubig
Sa pagkabigla ni misaki ay muntik na syang malunod at makainom ng tubig kaya agad syang umahon pero laking gulat nyang ng takpan ni yasumi ang mata nya gamit ang kamay nito at agad syang hinalikan ng Mariin
Napahawak si misaki sa balikat ni yasumi at pinilit nya itong ilayo pero lalong humigpit pa ang hawak sa pisngi nya nakapa nya ang dibdib ni yasumi na pinilit nyang ilayo pero tuloy parin si yasumi sa ginagawa nya
' Ahh Ano bang ginagwa mo master bakit mo ko hina Halikan wag wag mong gawin to dahil babae ka babae ako di pwede ,,, tama na wag !!! Wag mo tong gawin please !!!! Di nya makita ang mukha ni yasumi dahil sa nakatakip ang mata nya ,Sigaw nya sa isipan nya pero malakas si yasumi ginalaw pa nya ang mukha , naramdaman ni misaki na kinagat pa nito ang labi nya na di nya maiwas
Unti unting nanghina si misaki dahil sa kahihiyan na ang isang babae ang gagawa sa kanya ng ganun sa sobrang bilis ng t***k dibdib ni misaki sa pakabigla tila humihina ang paghi nga nya at nawawalan sya ng malay
Pumasok sa loob si butler Luis at naabutan nya ang ginawa ni yasumi kaya agad nyang kinuha ang injection at ininject sa kanyang leeg nang bitiwan ni yasumi si misaki ay nanghihina ito at nanlabo ang mata
Mas.... Master bakit ? Bakit mo to ginawa sakin '.....nanaginip lang ba ako bakit ?' salita ng nasabi nya nagdilim na ang paningin nya
Agad na hinila sya ni butler Luis at inahon ng makita na nawalan sya ng malay kinarga sya nito at dinala sa kwarto nya
Nang bumalik si butler Luis ay ginamot nya ang sugat ni yasumi , nakahiga ito sa kama nya at seryoso ang mukha ni lalaban an nito ang pagkaantok dala ng gamot
Master anong nangyari bakit nyo ginawa yon sa kanya ? Pagaalala nito n bka matuklasan na ni misaki ang sekreto nya
Sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginawa ko luis ?? Laruan ko sya kaya pwede kong gawin kahit anong gusto ko sa kanya '' nang pinipilit pigilan nito ang pagkaantok habang nakahiga na matalim na tumingin kay butler Luis
Patawad po master yukiro , pero iniisip ko lang po na baka malaman nya ang tungkol sa sekreto nyo at ipagsabi nya '' ng yumuko si butler Luis at marealize nya na ang kaharap nya ay ang tunay na katauhan ni yasumi na si yukiro ,
Talaga bang nagaalala ka sakin o baka naman nagaalala ka sa pwede kong gawin kay misaki Luis , kilala kita Luis kahit sa kabila ng katapatan mo sakin Mayroon paring bahagi ng puso mo ang lumalambot kapag nakakakita ka ng inosente ng tao tama ako hindi ba '' nang pumilit bumangon si yukiro at umupo sa kama at uminom ng tubig
Nabigla si butler Luis sa nasabi ni yukiro at natigilan sya
Tumingin sya kay yukiro '' master si.... mis..... ' nang hindi pa sya tapos magsalita ay malakas na tumawa si yukiro na syang lalong kinagulat ni butler Luis
''Hahahahaha !!!! Bakit May gusto ka ba kay misaki , Luis ??? Kaya nagaalala ka sa kanya ? Nang biglang nagseryoso ang mukha ni yukiro at tumitig kay butler Luis
Wala po akong gusto sa kanya master ,isang ordinaryong babae lamang sya at ang totoo marami pang babaeng mas maganda at karapatdapat sa kanya master kaya iniisip kong bakit kailangan nyo pa syang tulungan ? Mas magiging masaya kayo sa mayayaman at magagandang babae at hindi sa isang tulad nya 'nang tumingin sya kay yukiro pero malakas parin na tumawa ito
'' hahahaha hahaha hindi bat mas nakakaexcite ang isang ordinaryong babae na baguhin at gawin mong isang mabangis na nilalang , gusto kong makita kung pano sya magagalit gusto kong maging sakin sya , ang buong pagkatao nya puso at isipan gusto kong gamitin sya laban sa mga kaaway ko ' nang matalim na ngumiti si yukiro ng humawak sa labi
Nagulat si butler Luis sa sinabi ni yukiro dahil lumabas na naman ang masamang ugali nito na matagal ng nakatago di na umimik si butler Luis At yumuko na lamang
''Kaawa awang misaki , sigurado akong ikagugulat mo pag nalaman mo ang tunay na ugali ni master , nakakaya mo kayang baguhin sya '' bulong ni butler Luis sa sarili
Matapos ng paguusap nila nakatulog na si yukiro gayundin si misaki na pinalitan ng damit ng isa sa mga katulong
'Ahh!!!!! Wag !!! Pagkabiglang bangon ni misaki ng binabangungot sya ng tila Nalulunod sya ,
Panaginip , Ha !!! Grabe bilis ng t***k ng puso ko akala ko totoo na buti nalang panaginip lang pero kagabi ', alam ko pumunta ako sa kwarto ni master at !!!!!!wahh!!!! Hinalikan nya ko !!!!! Oo Tama !! Ng hinawakan nya ang labi nya nabigla sya ng humapdi ito agad syang nagtungo sa cr at tiningnan ang namumula ng mukha at labi
'Aray ang sakit ng labi ko ano to Singaw , 'nang maalala nya ang paghalik sa kanya ni yasumi agad na naghilamos sya
''Hindi , nanaginip lang ako hindi nya gagawin yon sakin kasi babae sya at babae din ako , pero parang nararamdaman ko na parang totoo '' hindi nya tinigilan basa in ang mukha hanggang sa mawala ang pagkamula ng mukha
''Anu ano ba kasi iniisip mo elly , hindi porket malapit ka kay master yasumi pwede mong isipin ung ganong bagay babae si master at alam kong maraming gwapong lalaking magkakagusto sa kanya at ikaw ? Isa ka lang mahirap na katulong at lalo na babae ka pa , Ibaling mo sa ibang bagay ang iniisip mo ' Pero pano kung totoo nga yon ? Di kaya na pagkamalan lang ako ni master yasumi na inakala nyang si butler Luis ako , pwede kayang ganun ang nangyari , baka May namamagitan sa kanila tapos inakala nyang si butler Luis ako kaya hinalikan nya ako ahhhh !!! Kung anu Ano iniisip kong reason baka nga nagkamali lang ako , tama baka inakala nyang ako si butler Luis ' ginusot nya ang buhok ay kinakausap ni misaki ang sarili ng biglang May kumatok sa pintuan nya
Nagmadali syang pumunta roon
Misaki c butler Luis ito , pumunta ka sa office ni master yasumi ngayon na May importante syang sasabihin sayo 'seryosong boses nito
Ahh si mr. butler , Opo sige , magbibihis lang ako ' , bakit kaya ? Relax ka lang elly , wag kang magpahalata okay di ka pwedeng mailang sa kanya remember kelangan mo sya para mahanap si Mary anne hindi mo sya pwedeng madismaya , hanggat nasa podrr ka nya sya ang susundin mo , tama sya ang May hawak sayo elly ,halik Lang naman yon , kahit na yon ang first kiss ko wala namang ibang ibig sabihin yon sa kanya , tska baka hindi nya ako nakilala kasi mabilis ang pangyayari tama , hindi dapat ako magreklamo sa ginawa nya dahil isa lamang akong alipin ,
Pero nararamdaman ko parin ang labi nya ,at ang paghinga nya kahit na tinakpan nya ang mata ko ng mga oras na yon , Ano ba talaga ang gusto mo master ?? Sino ka ba talaga ?? Bakit ganito ang Turing mo sakin ?mga Tanong sa isipan ni misaki
nagmadaling magbihis si misaki ng white long sleeve at pants at nagtakip ng mask para hindi makita ang sugat nya sa labi at masamang pakiramdam
Nasa pintuan ng office ni yasumi si butler Luis at hinihintay sya
''Bakit ka nakamask May sakit ka ba ? Hindi ka pwedeng lumapit kay master kung May sakit ka ? Pigil ni butler Luis ng marinig ni yasumi ang pagdating ni misaki ay pinapasok nya ito
She's here , papasukin mo sya , I don't mind kung May sakit sya ' nakatingin si yasumi sa laptop nya
Pumasok si misaki habang nakaface mask at agad na yumuko sa harap ni yasumi
'Anong nangyari bakit May face mask ka May sakit ka ba ?? Pagtataka ni yasumi ng makita sya
''Ahhm medyo masama lang po ang pakiramdam ko don't worry master nakainom na ko ng gamot , nang di sya tumitingin kay yasumi at nakatingin lamang sa laptop
''I see , come here I have something to tell you , pinalapit sya nito sa Inu upuan ni yasumi
Lumapit sya agad na hinawakan ni yasumi ang noo nya ng bahagya syang yumuko para tingnan ang screen ng laptop nabigla si misaki at napaatras sya ng hawakan ni yasumi ang noo nya
Sandali wala ka namang lagnat ahh ' nang magulat si yasumi sa naging reaksyon ni misaki
Nagalangan si misaki at agad na inayos ang sarili 'sorry po master baka po mahawa kayo sa sakit ko , umatras sya at inalis ang pagkailang kay yasumi
' May tinatago ka ba sakin misaki ? Seryosong mukha ni yasumi ng tumitig sa kanya
'Wala po master ,'pinaling nya ang mukha at hinawakan ang mask , tumayo si yasumi at lumapit sa kanya
'Talaga bang wala 'mabilis na inalis nya ang face mask ni misaki , habang agad na tinakpan nnito ang bibig
Ano bang nangyari sa labi mo pa tingin nga ?si butler Luis ba ang May gawa nyan ? Nang inalis nya ang kamay ni misaki sa pag takip nito
Nakita nya na May sugat sa ibabang bahagi ng labi ni misaki na tila singaw
Bakit May sugat ang labi mo? Pagtataka ni yasumi , nagulat si misaki sa naging reaksyon nito dahil sya ang May gawa nito pero hindi nya naalala
'Di kaya nagkamali lang ako , bakit di nya alam , si butler Luis kaya ??? Pe—-ro ? Di nya ko hahalikan kasi ayaw nya sakin , pwede kayang hindi sya ung gumawa nito pero sino ? Naguguluhan ako ang alam ko sa kwarto ni master yasumi ako pumasok , si butler Luis kaya ? Pero imposible ! Ahhhh sakit ng ulo ko kanina ko pa iniisip kung tama na ang nangyari sakin o guni guni ko lang pala , pero alam kong sya yung humalik sakin Bakit hindi nya maalala ? Nagkukunwari Lang ba sya na di nya maalala o ayaw nya Lang banggitin yon dahil nahihiya sya dahil babae ako ganun din sya , tama maari kayang pinagsisihan nya rin anv ginawa nya 'tila nanghina sya at 'humawak sya sa ulo dahil sa biglang sumakit ito
Okay kalang misaki ? Tanong nito ng mapansin ang pagpapawis ni misaki
Opo , sorry po master kagabi po kasi aksidente po ata akong nahulog sa bathtub nyo kaya nasubsub at nasugat ang labi ko ' gumawa na lamang ng istorya para mabawasan ang iniisip nya gayundin di na sya tanungin pa ni yasumi
Ahh Oo naalala kong nahulog ka sa bathtub habang naliligo ako nawalan ka ata ng malay, tungkol din pala kahapon nakita mo pala sa kwarto ko sana wag mo nang ipagsabi ang mga nakita mong gulo sa kwarto ko '' nakangiting si yasumi na tila wala lang sa kanya ang mga nangyari
Opo , master ' mabilis na sagot ni misaki
, tama wala akong karapatan na alamin ang nangyari kung bakit sya nagwawala ng gabi ng iyon , maaring May problema sya na hindi nya gustong malaman ko pa , isa lang akong katulong , nalungkot si misaki ng maisip na kahit tumagal man sya sa mansion hindi parin na maituring ni Yasumi na kaibigan sya dahil sa katayuan nya
Mi..... misaki ..... ''nagtaka si yasumi ng matahimik si misaki
Sorry po kung pumasok ako sa room nyo , promise po hindi na ako ulit papasok ulit doon , sorry po ''nang yumuko si misaki
Hahaha okay Lang misaki wag mo nang isipin yon , mamaya pupunta tayo sa isang event kaya maghanda ka , nang ngumiti si yasumi
'' Sige po master , Sang event po ?? 'Tanong ni misaki ng lumapit sa kanila si butler Luis
Pina handa ko na kay Luis ang su suotin mo misaki kaya maghanda ka na , 'itinuro nito si butler Luis na nakatayo sa tabi nya
Pagkatapos nilang magusap ay tumungo na agad sa kwarto nya si misaki at nagpalit ng damit
Nagulat sya ng paglabas nya ay naghihintay sa pinto si butler Luis
''Ay tipaklong !!!! Bakit ka nandyan mr. butler ? Nang mabangga nya sa gulat ito
Naghihintay na si master sa sasakyan , faster , seryosong sabi nito sa kanya ,
Ahh Oo sige po , nang inayos nya ang sarili at agad na sumunod kay butler Luis
Misaki , nang biglang humarap ito sa kanya natigilan si misaki at nanlaki ang mata ''gusto kitang balaan hindi ko to sasabihin sayo dahil nagaalala ako sayo , gusto ko lang malaman mo na hindi ka pwedeng magpakampanti at mag tiwala sa mga taong nasa paligid mo , kahit na sino pa sya do you understand misaki , '
Nanlaki ang mata ni misaki ng sabihin ito ni butler Luis at agad na tumalikod at naglakad palayo 'mr butler bakit kaya nya sinabi yon ,? Dahil ba sa maraming kalaban si master yasumi at sa paghahanap ko kay Mary anne , , sa sinabi nyang yon kinabahan tuloy ako Sino kaya ang mga tinutukoy nya ? ' kaya mo to misaki kelangan mong maging matatag ' agad na tumakbo patungo sa gate si misaki nakita nya ang limousine na sasakyan ni yasumi kung Saan binuksan ni butler Luis ang pintuan
''Pumasok kana misaki , yaya sa kanya ni yasumi na nasa loob ng sasakyan
'' Opo master , pumasok sya at umupo sa tabi ni yasumi
Habang nasa unahan si butler Luis katabi ang driver , malawak ang loob ng limousine ,
Nakasuot ng skyblue dress si yasumi at May jacket na balahibong puti na syang nagpaangat sa Ganda nito habang si misaki ay nakablack pants at black suit
Nilagyan ni yasumi ng bulaklak na kulay puti ang pocket ni misaki sa bandang dibdib at ngumiti ito , tahimik lamang sya habang nakatingin sa labas ng bintana
Ahh master ??? Nang magulat si misaki ng magsalita si yasumi
Kanina ka pa tulala misaki is there something wrong ? Bakit kanina ka pa matamlay ? Ni hindi ka nagtatanong kung Saan tayo pupunta ?? Pagtataka ni yasumi ng makita ang mukha ni misaki na tila May iniisip
Ahhhmm sorry po master , San po ba tayo pupunta master ?? Nang humugot ng lakas ng loob at pinipilit kumampante
'' we're going to casino , sa isang secret casino sa Tokyo kung San a lot of vips and wealthy man na pupunta , nang kinuha ni yasumi ang white wine sa isang drwer sa sakyan at uminom sya tinulungan naman sya ni misaki sa pagsalin
' sa isang casino ? Pero hindi po ba bawal po ang casino or any gambling activity dito sa Japan , pwede po bang naroon si ma......ry anne ' nang mabuhay an si misaki at agad na tumingin kay yasumi
'Yeah , your right there's a chance na naroon ang kaibigan mo , according to my sources they organize a bidding there , kaya kelangan nating umatend sa opening nila misaki , nang ngumiti ito matapos ay uminom ng wine
Nabuhayan ng loobsi misaki na syang napuna ni yasumi 'makikita ko na si mary anne , pero master baka po mapano kayo hindi po bat mga yakusa ang kumidnap samin papano kung mapahamak kayo , pagaalala ni misaki ng humarap kay yasumi
'' hahahaha wag kang magalala sakin misaki hanggat meron akong kayamanan hindi nila ako ma sasaktan ang pag handaan mo nalang ngayon ang makakasalamuha natin sa loob , handa ka na ba misaki ??? Nang sumeryoso ang mukha ni yasumi na humarap sa kanya
Bahagyang kinabahan si misaki sa unang pagkakataon makakaharap sya sa mga mayayamang tao matapos ang mga nangyari sa kanya , humugot sya ng lakas ng loob ginusot ang kamao sa magkahalong takot at pagaalala sa maari nyang magawa kasama ang mayayamang taong magbenta sa kanya at kumidnap
Wag kang matakot misaki , akong bahala sayo ,remember all your hard work , lahat ng tinuro sayo ni Luis 'nang hinawakan nito ang kamay ni misaki nang nakangiti
Tumango lamang si misaki at huminahon ''tama si master hindi dapat ako matakot kelangan kong hanapin ang mga taong yon , kaya mo to misaki , lalaban ako hindi ako pwedeng matalo sa simula palang ng paghahanap ko kay Mary anne , ' kinagat nya ang labi at bahagyang yumuko ng humuhugot ng lakas ng loob
Nakaraan ang dalawang oras ay nakarating na sila sa Tokyo ang city ng maraming hotels at luxurious buildings hotels
Huminto sila sa isang malaking building na May malawak na garden at fountain sa harap , alas 5 na ng hapon bumaba sila sa kotse habang inalalayan ni butler Luis si yasumi sinalubong sila ng mga magagandang babaeng nakasuot ng tila sa flight attendant pero mas reveling ang mga suot nito , mas maikli ang palda at fitted ang suot
Pina sunod sila sa loob ng building , bumungad sa kanila ang malaking glass chandelier pero walang masyado ng tao sa reservation area ng hotel sumunod sila sa babaeng sumalubong sa kanila at pumasok sila sa elevator kasama ang ilang mga vips nasa likod lamang at tahimik si misaki habang nasa harapan nya si yasumi
Pinindot ng stewardess ang elevator at sa pataas sila ng paakyat na ang elevator ay dahil sa glass ang paligid ng elevator nakita nila ang labas ng building kung Saan papalubong na ang araw at maraming nagtatawanan building ang nakapalibot sa kanila namangha si misaki pero hindi nya pinahalata
'' wow ang Ganda ang galing nang pagdedesign ng building na ito , pakiramdam ko lumilipad ako pataas , sandali nalula ata ako ah 'bulong nya sa sarili ng huminga ng malalim
Nalingunan nya ang seryosong mga mukha ng mga kasabay nila sa elevator na tila sila lang ang nasa 20s ang edad nang makarating na sila sa 50 floor ay bumukas na ang pinto ng elevator naunang lumabas ang mga kasabay nila nang maglakad sila ay bumungad sa kanila ang mas malaki pang tatlong chandelier na nasa itaas ng ki same na syang nagpaganda ng lugar nasa taas sila at sa baba naman ay ang malawak na casino tables na syang puumno sa paligid , naroon ang mga mayayamang tao at naglalaro
Misaki , 'humawak si yasumi sa braso ni misaki habang bumababa sila ng hagdan patungo sa mga Tao Habang nasa likuran nila si butler Luis
Misaki , hindi bat ang Ganda , mamahalin lahat ng ginamit sa lugar na ito na syang nagpapaakit lalo sa mga mayayamang Tao , pero ang lahat ng ito ay May tinatagong kasamaan sa loob kaya maging alerto ka misaki 'seryosong bulong ni yasumi kay misaki
Yes master , nang makababa sila sa mga taong nagcacasino ay sinalubong sila ng ilang mga mayayamang tao at nakipagkamay kay yasumi , habang ang ibang guest ay masayang nakikipagtawanan sa pag lalaro
Mga kilalang Tao ang naroon May ari ng wine company ,bank ,hotels , government officials at mga business persons
Oh your here yasumi ', nang May tumawag sa kanila mula sa likuran nila naroon si taiki kasama ang ilang guest na mayayamang babae na kausap nya
Hey girls I want you to meet my girlfriend yasumi WATANO , nakangisi ito agad nyang hinalikan sa pisngi si yasumi na agad na kunwaring nakangiti ito at kinurot sya sa tagiliran
''Subukan mo ulit halikan ako taiki , masasaktan ka sakin '' what are you talking about , I'm not your girlfriend taiki '' nakangiting bulong ni yasumi ng hinawakan nya sa leeg ang kaibigan
Sorry hehehe I'm just joking , I'm so glad that your here '' nakangiting sabi ni taiki ng tumingin sa kanilang tatlo 'I'm here with this beautiful ladies
Sorry girls , his just my close friend , explain ni yasumi sa mga babaeng kasama nito na lumapit sa kanila
'' oh long time no see yasumi , do you remember me ,? Matagal na din na di ka umatend sa fashion shows mukhang naging busy ka na 'sabi ng magandang babaeng si TSUSUKI IWATA , na isang fashion designer sa isang Sikat na magazine sa Japan mayroon syang magandang mukha na parang Manika at naiinis na balat
Anak ng isang sikat na cellphone brand company
Oh miss tsusuki nice to see you again , next time pupunta ako medyo naging busy lang ako sa mga businesses namin , nang magbeso si yasumi dito gayundin sa mga kasama nito na mga anak ng business man
There's a lot of wealthy personalities invited on this event yasumi , this is my first time to see such a amazing event like this , mr. kiryuin is such a great man ' nang mabanggit ng isang babae ang surname ng pinsan ni yasumi ay natigilan sya
Who's mr. kiryuin your talking about his uncle right ? Pglilinaw ni taiki ng marinig ang sinabi ng babae
No, Mr sho kiryuin is here , I saw him talking to my father about business matters he never change , his always handsome as before ' nang kiligin pa ang babae sa pagkwekwento tungkol sa pinsan ni yasumi
Tahimik lamang si yasumi na nakikinig sa kanila , nang mahalata ni taiki ang pagkaseryoao ni yasumi ay agad na inakbayan nya ang mga babae at iniwas na kay yasumi
Oh girls ma sarap daw ang wine dito lets go over there '' sabi nito ng pilit inilayo sa kanila ang mga babae
'' master , nandito si master sho anong gusto nyong gawin ' pagaalala ni butler Luis ng marinig ang usapan nila
'' stay on the plan , misaki , hanggat maari wag kang hihiwalay sakin kapag nakaharap natin sya stay on your side , don't look unto his eyes , ''babala ni yasumi kay misaki
'' yes master , pag tango ni misaki naglakad sila patungo sa vips room kung Saan innvite sila ng steward ,'' bakit ganun nalang Pagalala ni master yasumi sa pinsan nya ano kaya ang meron sa pinsan nya bakit hindi ko sya pwedeng tingnan sa mata ,
Sa pagpasok nila sa loob ay naroon ang ilang piling vips na nakaharap sa isang malaking stage habang May sumasayaw na magandang babae na nagbaballroom , tuwang tuwa ang ilang mga guest at nang matapos na ito sa pagsayaw ay lumabas sa gilid ng stage ang host ng event
Na May makeup na prang si joker kasama ang isang babaeng naka custome naman na si harlene queen na syang tumawa ng malakas
'' ladies and gentlemen pinapakilala namin sanyo ang owner at founder ng white dragon casino royal castle na si mr. sho kiryuin' sabay nitong pagbabggit sa pangalan ni sho nagpalakpakan ang mga Tao habang ang tatlong sila yasumi ay hindi pumalakpak at seryoso lamang na nakatingin sa lumabas sa stage na si sho kiryuin agad na bumaba ang dalawang host ng makita nila ito
'' maraming salamat sa pagpunta nyo sa aming opening ceremony, white dragon royal castle ang kaung unahang legal casino dito sa Japan na May pinakamalaking location sa buong mundo , ipinagmamalaki kong I pakilala sanyo ang one of the best casino around the world ' habang nagflash sa malaking screen ang lawak at Ganda ng lugar ng hotel and casino
nang matalim itong ngumiti ay napatingin sa kinaroroonan nila yasumi ng makilala ito 'thank you for attending my event especially to all the vips personnel , sinisigurado kong mageenjoy kayong lahat sa mga activities at games sa aking casino , di ko na hahabaan pa ang aking speech , magsisimula na tayo '' malakas nyang sabi ng tumitig sya kay yasumi na nasa likurang bahagi agad syang bumaba ng stage at kinamayan ang mga taong sumalubong sa kanya
Nagsimula nang maglaro ang mga vips , habang sila yasumi ay nasa likuran lamang nang makarating na si sho sa harap nila
'' yasumi , it's suprised me , why a wealthy billionaire heirs ay naririto sa isang casino maliban na lamang nais mong maglaro o makita ako , nang nakangiti ito na agad bumeso sa pisngi ni yasumi at bumulong ito 'you never change yasumi , I hope you never ruined my business'
Ngumiti lamang si yasumi ng marinig ang sinabi ni sho sa kanya '' don't worry cousin as you say I'm here to relax , nandito lang ako para makita ang casino mo , maganda ang pagkakagawa ng lugar , pwede ko bang malaman kung Sinu sino ang mga ka partner mo sa casino ng ito '' nang mahinahong nagtanong si yasumi
Ngumiti lamang si sho sa kanya '' tama ka , May partner nga ako sa business , kilala mo nga ang Ilan sa kanila yasumi . Sya nga pala kamusta na si uncle , malapit na rin ang death anniversary nila tya at yukiro tama , '' nang tila nangasar at naging ang Ihip ng hangin ng mabanggit nya ito
Kinusot ni yasumi ang kamay ng magalit sya ng banggitin nito ang kanya Ina at kapatid napansin nila butler Luis at misaki ang reaksyon ni yasumi
Sya ba ang pinsan nyang si sho , pero bakit kung mabanggit nya ang kapatid at Ina ni yasumi prang di nya ito kamaganak , magkaaway kaya ang pamilya nila , gwapo sya pero wala sa itsura nya ang kasamaan ng ugali nya , ' Wala kanang pakiramdam bakit kung makapagsalita xa si nya kapamilya si yasumi '' gigil ni misaki ng makaharap si sho kiryuin
Nang hahawakan sana sa ulo nya si yasumi agad na mahigpit na hinawakan ni misaki ang kamay ni sho at pinigilan ito
Nabigla si butler Luis gayundin si yasumi , nang titigan ni misaki ng seryoso si sho ng masama na syang kinagitla naman nito
You ? Sabi nito Agad na binitiwan ni misaki ang kamay ni sho at yumuko sya
Sorry master sho , master yasumi don't like someone to touch her ''sabi ni misaki habang nakayuko bilang paggalang sa kaharap
''Ow it's shocked me , ngayon lang meron isang mababang uri ng taong humawak sakin , nang ngumiti si sho at nakatingin kay misaki na tila nagulat sa naging pagkilos nito
She's my ..... nang natigilan si yasumi ng biglang nagsalita si sho at hinawakan sa baba si misaki
I like her , yasumi she's so straightforward and I fell strange something about her ' nang inangat nya ang mukha ni misaki at nagkatitigan silang dalawa nang makita ni misaki ang mata ni sho nakaramdam sya ng pagkatakot
'' ang mata nya , bakit nakaramdam ako ng panginginig ng katawan ng makita ko ang mga mata nya , pakiramdam ko nakatingin ako sa mata ng isang walang konsensyang Tao ' bulong ni misaki ng makita ng malapitan ang mukha ni sho gwapo si sho pero sa kabila ng itsura nito marami syang tinatagong sekreto
Yasumi gusto ko syang bilhin sayo , 10 milyon or 50 milyon or maybe a 100 milyon is enough for this body ' na tila bumibili lamang sya ng isang damit na walang buhay na syang Lalong nagpakaba kay misaki
A alisin sana ni misaki ang kamay ni sho sa baba nya pero agad na hinawakan nito ang kamay nya na syang lalong kinagulat nya , akmang lalapit sana si butler Luis para hilahin si misaki pero pinigilan sya ni yasumi
'' miss misaki right , I know you a lot , more than your master miss , kung sasama ka sakin pa pangako ko sayo na ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo , basta ibibigay mo sakin your body and soul I assured you , magiging masaya ka sa kin at hindi sa master mong hindi mo kilala ang tunay nyang ugali ' nang hinawakan ni sho ang labi ni misaki pababa sa leeg nya na syang kinagulat ni misaki
Mabilis ang isang kamay nyang nasampal nya ang lalaking kaharap at bumilis ang t***k ng puso nya sa pagkatakot sa lalaki
Bumitaw si sho ng nasaktan sa sampal ni misaki na kinagulat ng mga Tao sa paligid nila gayundin si taiki na nasa malayo na agad lumapit sa kanila
Natigilan si sho na nanlaki ang mata sa pagkagulat ng nagawa syang Sampalin ni misaki habang ngumiti naman si yasumi sa ginawa nya
Sa gulat ni misaki sa nagawa nya ay mahigpit nyang hinawakan ang kamay at agad na yumuko sa harap ni sho '' so..... sorry master sho , di ko po sinasadya patawarin nyo po ako ammmm tatanggapin ko po ang parusa nyo sorry po na —-nabigla Lang po ako ''' nang kabado si misaki sa nagawa
Malakas na tumawa si sho ng ginawa ni misaki na syang kinagulat ng mga Tao '' please continue , wag nyo kaming pansinin 'nagpatuloy na ang mga Tao sa paglalaro at hindi na sila tiningnan pa
'what happened ? Is anything wrong ? Pagtataka ni taiki ng makita ang ginawa ni misaki kay sho
Nakatingin lamang si yasumi at butler Luis kay sho ng tumatawa ito
'' nothing wrong taiki , were just playing a game just like before , magaling ka talagang pumili ng tauhan yasumi , this girl was a unique one , ' nang hinahawakan nito ang pisngi sa pagkakasampal ni misaki
Yeah I know , she's one of my best assistant , about your offer I don't like to disappoint you but she's mine hindi ko sya pinagbibili sa anumang halaga just like my butler she's very important to me , 'seryosong sabi ni yasumi ng humarap kay sho
Ngumiti lamang si sho sa kanya '' alright kung yan ang decision mo sayang naman , na riyan na pala ang hinihintay ko , maiwan ko na kayo, next time nalang ulit tayo magusap yasumi , and also miss misaki nice to see you again malaki na ang pinagbago mo , I hope you make a right decision' nang kumindat ito kay misaki at tumalikod na
Muli itong lumingon sa kanila ng huminga ng malalim si misaki at hinawakan sa balikat ni taiki
Oh by the way yasumi , I forgot wag kang masyadong pa si sigurado sa maraming bagay because all things are not permanent maaaring May mga bagay na hawak mo pero bukas mawawala na nasa iba na pala kaya ingat lang ' nang ngumiti at matalim itong tumingin kay yasumi
Don't worry sho , I noted that 'nang ngumiti si yasumi na tinatago ang galit ng makita si sho
Again ? Nagkita na ba kami dati ? Ngayon ko palang sya nakita , bakit parang kilalang kilala nya ko di kaya , naroon din sya sa bidding ng araw na kinidnap kami , sino ba talaga sya ? Sho kiryuin , sa isip ni misaki ng makitang papalayo sa kanila si sho at tila dedma lamang ito sa ginawa nyang oagsampal dito na tila manhid na ito
'
Misaki okay kalang ba ?? Pagaalala ni yasumi ng hawakan ang kamay nya ,
Yes master okay Lang po ako , I'm sorry po kung nasampal ko ang cousin nyo nabigla po ako , sorry po , pag hingi ng tawad ni misaki sa di inaasahang nagawa
Hahahaha its alright misaki , natuwa nga ko sa ginawa mo dahil ikaw palang ang first woman na gumawa non sa kanya at sigurado akong di ka nya makakalimutan misaki ' nang ngumiti si yasumi na May halong pagseseryoso
Master , what do you mean ?? Pagtataka ni misaki ng makita ang reaksyon ni yasumi 'lets go , don't mind me , wag kang matakot sa kanya we protected you misaki ,muling ngumiti si yasumi at humawak sa braso ni taiki
Oh I thought you two gonna fight again , hehehe misaki your very strong woman , nakakagulat a lang na kaya mong gawin yon sa isang mayaman na Tao at kay sho pa talaga , sana lang alam mo ang consequence sa ginawa mo heheheh nang sikuhin sya ni yasumi
Wag mo nga syang takutin taiki lets go , alam mo naman ang pakay natin dito hindi ba tara na ' nang naunang maglakad ang dalawang si yasumi at taiki naiwan sa likuran nila si misaki kasi is si butler Luis
Misaki , bakit mo ginawa yon ? Hindi mo kilala si sho , hindi mo gugustuhing makalaban sya , sinabi ko na sayo wag kang lalqgpas sa linya mo , stay on your side misaki don't show yourself okay !!! Seryosong itinuro sya ni butler Luis sa balikat nya at iniwan sya magisa at nagpatuloy sa paglalakad ito
I'm sorry mr. butler , di na mauulit ' nang yumuko si misaki at pinipilit na tatagan ang sarili