"Magsisimula na ''sabi ni misaki nang mapatingin sya kay taiki nahuli nya ang pagtitig nito sa kanya
''Oh yes , hahaha '' nang agad itong umiwas , '' hold this '' binigay nito ang number 1009 na number nila sa auction
'Bakit kaya ganon ang tingin nya sakin ? Ano bang iniisip nya sakin 'bulong ni misaki sa sarili ng agad na inayos ang sarili na bahagyang namula ang mukha nya
Lumabas sa stage ang isang magandang babae na naka red gown na may magandang mukha na nakamakeup na parang pangfuturistic at white ang buhok
Konbanwa , ladies and gentlemen , let's proceed for the first bidding this is the
MOUAWAD 1001 NIGHTS DIAMOND PURSE -
-TheRichest Mouawad 1001 Nights Diamond Purse is currently the most expensive handbag in the world and holds the position in Guinness World Records since 2011.
-The handcrafted bag is made up of 18-karat gold and features
-105 yellow diamonds,
-56 pink diamonds
-4,356 colorless diamonds.
-It took artisans 8,800 hours to create this masterpiece
Nakalagay sa isang glass seal ang purse at nakapatong sa isang glass table na syang nagpaganda lalo dito habang tinututukan ng spotlights
Nagingay ang marami sa mga babaeng bisita ng makita ang mamahaling purse na hindi magkanda ugaga sa pag bid na nagsimula Sa 1million dollar
Woow !!! Grabe ang mahal naman ng bag na yan , ilang gamit lang naman ang malalagay mo dyan '' nakatingin si misaki gayundin si taiki sa inaauction
More of the wealthiest woman dying for that purse , para sa kanila sila ang pinakamagandang babae kapag nakuha nila ang ganyang klaseng bag , nakangiting si taiki habang nakatingin sa mga babaeng nagbibid para makuha ang purse '' ikaw misaki gusto mo ba ang bag nayon ??tell me ''
'' no ser , Di ko po kelangan ng ganyang bag na kayang nang magpakain sa isang pamilya sa loob ng ilang taon , nagulat si misaki ng biglang iangat ni taiki ang kamay nya ay nagbid ito
'' 5 million dollar !!! Sigaw ni taiki habang hawak ang number na hawak din misaki na pilit binababa nya
'' ser taiki ano bang ginagawa nyo ? Di ko kailangan ng ganyang bag !! Nang pinipilit nyang ibaba ang kamay ni taiki pero matigas ang kamay nito at nakatawa lamang na nakatingin sa host
Down for 5 million anyone ?' Sabi ng host
Don't worry misaki , I'm not giving it to you, '' hahahaha '' nang malakas na tumawa si taiki
Sumimangot si misaki '' grabe , he wasted his money just for a piece of bag '
Nang May sumigaw sa likuran nila na babaeng nakawhite dress na May magarang damit karga ang asong puti kasama ang dalawang tauhan na super alalay dito
Sumigaw ang tauhan nito '7 million '!!!'Sigaw nito
What 7 million ? , anong klaseng mga Tao to ?? Bag lang yan ?? Nang magulat muli sya ng sumigaw muli si taiki
I wanted that bag for 10 million !!! Sigaw ni taiki ng kunin na nya ang number na hawak ni misaki
taiki Ano bang ginagawa nyo ? Baka maubos ang pera nyo ? ? Nang inaawat nya sa pagtaas ng kamay si taiki pero nakatawa lang ito
'' mauubos ang pera ko ? Ano bang sinasabi mo misaki , ?? Nakakatawa ka talaga I have billions barya lang to sakin '' confident na sabi ni taiki ng hinila muli ang number na hawak ni misaki at itinaas ito
''What ? Grabe ang yabang talaga ng lalaking to , billions nakakagigil talaga to , sige bahala ka ,'' nang hinayaan nya na si taiki sa pagbid
'' if I get that bag kung sino man ang bigyan ko nyan siguradong magiging akin kaya , watch and see misaki !!mayabang na nakangiti ito ng kumindat sa mga babaeng napatingin sa kanila kapag Tina taas ni taiki ang number
'' Grabe , Oo nga tama nga sya , money can buy everything kaya nyang magasawa ng marami kahit Ilan pa ang gusto nya , kung magiging katulad nya ang mapapangasawa ko magiging maganda na ang buhay ng pamilya ko sa pilipinas at madali para sakin mahanap si Mary anne , hindi ko na kailangan magtrabaho gayundin sila inay at itay gagaan na ang buhay namin , ahhh ano bang iniisip mo elly !!!! Kahit na maghubad ka sa harap ng ganitong lalaki di ka nya magugustuhan dahil sa di ka maganda at sexy at di ka mayaman wala kang maipagmamalaki , dahil ang katawan mo ay batak sa trabaho sa mahabang panahon ,ang kamay at paa ko ay inuugat na dahil sa pagtratrabaho hindi katulad ng kamay na meron sila '' nang tumingin si misaki sa mukha at kamay ni taiki na malambot gayundin ang maputing kutis nito na alaga mula pagkabata
''Ang mga taong nandito hindi nila naranasan tumapak sa lupa ng walang tsinelas at magbanat ng buto para May makain sa araw araw , napakaswerte nila dahil pinanganak silang May ginto sa kanilang hapag, sandali parang nanginginit na ang mukha ko umeepekto na yata ang wine sakin '' nang May lumapit na mga babae kay taiki dahil sa patuloy nyang pagbid sa purse
''Ser taiki , magccr lang po ako babalik din agad ako !'malakas na sabi ni misaki ng palibutan na si taiki ng mga masasayang babae ng malaman kung gano kayaman ito
Ahh, misaki bumalik ka agad ahh !!! Wag kang masyadong lumayo , malapit ng ibid ang painting , oh girls '' nakatawa si taiki habang kinakausap ng mga babae
Naglakad palayo si misaki habang hawak ang mukha '' nalalasing na ata ako ahh nasan ba ang cr dito ?' Nang makasalubong nya ang isang babaeng steward na May dalang glass ng tubig
Miss San ang comfortroom nyo ?' Nang mabilis syang uminom ng tubig na daw nito
Nagtataka naman ang babae na nakitang tila namumula ang mukha nya '' over there mam , nang Itinuro nito ang bandang dulo ng hallway , May mga konti lamang na dumadaan dito at May ilang mga nakatayong mga security
Nang makita nya ang cr na malapit sa isang private elevator agad syang pumasok doon at matapos makauwi ay naghilamos sya ng mukha
''Ahhh kainis bakit ngayon pa ? Ang dami mo kasing I ininom na wine yan tuloy namumula na ang pisngi ko , '' nagpatuloy sya sa paghihilamos nang mahimasmasan na ay pinunasan nya ang mukha at inayos ang sarili
Nang papalabas na sya ng cr ay saktong bumukas ang elevator malapit dito lumabas doon ang familiar na mukha sa kanya
Nagulat sya at agad na nagtago at bumalik sa comfort room at sumilip
'' , sya Yong lalaking kumidnap samin ni Mary anne , nandito sya May chance na kasama nya rin si Mary anne , 'nakita nya si mr. chow na kasama ang ilang mga tauhan na lumabas sa elevator , nakatabako ito at May hawak na tungkod na sumasayaw sayaw pa
'' sabi po ni master sho tingnan ko daw ang shipments na dala nyo 'sabi ng lalaking nakatalikod at nakasuot ng maskara na parang sa javawalky
''Sho is very wise man , okay no problem let's go ,,,... nang excited na naglakad si mr chow habang nakasunod sa kanya ang mga tauhan gayundin ang nakamaskara
''Shipments pwede kayang kasma nya si Mary anne , kelangan ko silang sundan , pero si ser taiki at sila master ang sabi nila sakin wag akong humiwalay kay taiki pero ...... baka ito na ang chance para makita ko si Mary anne , nang lumunok si misaki dahil sa kaba sa gagawin sinundan nya ang mga ito at di nagpahalata
Patago tago sya habang sumusunod sa mga ito hindi nya alam na May nanonood pala sa kilos nya mula sa cctv
Nakarating ang mga sinusundan ni misaki sa underground parking kung Saan naroon ang isang close truck ,
Binuksan ng dalawang tauhan ni mr. chow ang truck at May mga malalaking box ang naroon binuhat nila ito at ibinaba agad na binuksan gamit ang kutsilyo
'Tulad ng ipinangqko ko sa master mo , '' nang pinakita ni mr. chow ang mga mataas na uri ng baril na ibibigay nya kay sho
'' wala dito si mary anne , kelangan kong makuha ang plate number ng sasakyan ni mr. chow para malaman kung Saan nya tinatago si Mary anne pero ang layo nila '' nakatago si misaki sa isang poste na May sasakyan
Gumapang si misaki hanggang sa makalapit sya dito , kinuha nya ang ballpen nya na nasa suit at isinulat nya sa kamay ang plate number ng truck gayundin ng sasakyan ni mr. chow , nang muli nyang pagsilip doon ay napansin nyang wala na ang lalaking nakamaskara sa tabi ni mr , chow
Sandali , yung lalaking nakamaskara nasan sya , kelangan ko ng makabalik sa loob '' hinahanap ni misaki ang lalaki pero wala ito sa harap nya
Nang May lalaking nasa likod nya pagharap nya ay agad na sinakal sya ng lalaki at hinawakan sya sa kamay
master nakita ko na po sya , sabi ng boses na nasa likuran ni misaki
Hindi !!! '' nanlaki ang mata nya ng makita a ng lalaking nakamaskara at mahigpit syang sinakal
Meron pala itong earphone sa tenga at May tumawag dito na May sumusunod sa kanila lumingon ito sa likuran kung Saan naroon si misaki kaya sya nahuli nito
Nakita nya ang mata nito , habangnahihirapang huminga si misaki
Master hawak ko na po sya , anong gusto nyong gawin ko sa kanya ?' Nang tila May kinausap ito
Tulong tulungan nyo ko ! Master yasumi , Sorry patawarin nyo ko !! Nang sinuntok sya sa sikmura ng lalaking nakamaskara at agad syang nawalan ng malay at binuhat nito sa tyan at inilagay sa balikat nakalaylay ang kamay at paa
Mr. chow salamat po , sasabihin ko po kay master ang shipments 'maiwan ko na po kayo ' nang yumuko ito ng bahagya habang karga si misaki
'Sandali sino yang karga mo ? Pulis ba sya ?or reporter ?? Parang nakita ko na ang babaeng yan , Nang agad itong lumapit ay hahawakan sana ang mukha ni misaki pero agad na iniwas ito ng lalaking nakamaskara
''Ang bilin ni master hindi sya pwedeng mahawakan ng iba kaya patawad po aalis na kami 'nang matapang na lumayo ito kay mr. chow
'M hahahaha , ibang klase talaga ang master mo sige !! Di na rin ako magtatagal 'agad na sumakay ito ng kotse kasama ang mga tauhan
'Naiinis na talaga ako dyan kay sho , .Black dragon alamin mo kung Ano ang pinagkakaabalahn nyang si sho ? Gusto kong malaman kung May tinatago sya sakin , ?sho kahit sa kabila ng pagiging malakas at pinuno mo alam kong May tinatago ka paring kahinaan sa oras na malaman ko yon '' lagot ka sakin !!! Hahahahaha ng malakas itong tumawa ng katabi ang alalay na May malaking katawan na parang wrestler na nagngangalang black dragon
Dalawang oras na hindi pa rin nakakabalik si misaki kaya nagalala na si taiki '' bakit ang tagal nya ? Naligaw na kaya sya , nang iniwan nya ang mga babaeng kasama at agad na tumungo sa labas ng hallway nagtanong sya sa steward at sinabi nga nito na May nakita syang babae na papsok sa cr kaya agad na pinasok nya ito
Pero agad din syang lumabas ng magulat sa kanya ang ilang mga babaeng nasa loob nito natataranta si taiki
''Misaki nasan ka na ba ?? Kainis lagot ako kay yasumi nito , magstart na iauction ang painting , nang agad nyang kinuha ang cellphone at tumawag kay yasumi na kumakain sa restaurant ng hotel kasama si butler Luis
Master , tumatawag po si master taiki ' nang iaabot nito ang cellphone kay yasumi
Taiki : yasumi ,, ka—- kasama mo ba si misaki ?
Yasumi : hindi ? Bakit ? Pina sama ko sya sayo diba ?
Taiki : nawawala sya , Ina auction na ang painting ng mother mo , anong gagawin natin ??
Yasumi : hanapin mo si misaki hindi sya pwedeng mawala
Nang binagsak ni yasumi ang kamay sa galit at natabig nya ang plato pinagtinginan sya ng mga taong nasa restaurant
Huminahon po kayo master ' nang agad na inilayo ni butler Luis ang plato
Taiki : Sige , ha hanapin ko sya Sorry yasumi this is my fault
Yasumi : no ... ang mahalaga makita natin sya agad
Agad na pinatay ni yasumi ang cellphone at tumayo nagmamadali silang pumasok sa elevator pra hanapin si misaki nagtungo sila sa information desk ng hotel
Misaki , nasan ka na ba , wag sanang si sho ?? Galit na nagaalalang kinusot ni yasumi ang kamay habang nakawak sa damit
Nang magkamalay si misaki ay nasaloob sya ng isang maganda at malaking suite room nakahiga sa isang queen bed na kama agad nyang tiningnan ang sarili
Nasan ako , May ginawa ba sila sakin 'nang tarantang kinapa ang katawan nakahinga sya ng maluwag ng makitang nakasuot parin sya ng damit
Nahuli ako ng lalaking nakamaskara , anong gagawin ko ? San nya ko dinala '' nang agad na sumilip sya sa bintana , '' nasa hotel p ako tama ,pwedeng sa mataas na floor , nasa suite room ako , ibig sabihin pwedeng mayaman ang nakakuha sakin Sino kaya sya ? Naghanap ng bagay na pwedeng ipang proteksyon si misaki sa sarili nya
Nakakita ng telephone si misaki at agad nyang dinampot ito '' ang sabi ni butler Luis ng code na pwede kong tawagan , 576576576 makokontak ko agad sya , bilis ' nang naghihintay syang sagutin ni butler Luis ang cellphone nito
'' kung ako sayo hindi ko na gagawin yan kung gusto mo pang makita ang kaibigan mo ? ' sabi ng lalaking pumasok sa loob ng room nakatalikod si misaki habang hawak ang telephone
Nanlaki ang mata nya ng marinig ang sinabi nito at dahan dahang nilingon ang lalaking nagsasalita ,
Si sho kiryuin ang nasa likod nya ' Di makapagsalita si misaki ng magsalita ang nasa kabilang linya ni butler
''Misaki ikaw ba yan ?? Hello nasan ka ??? Sumagot ka ?? Nagulat si butler ng May tumawag na telephone agad na kinuha ito ni yasumi pero hindi prin sumasagot si misaki
Shhhh '' senyas ni sho ng nakalagay ang daliri sa bibig at pinapatahimik si misaki habang ang isang kamay nito ay May hawak na baril na nakatutok sa kanya
Bakas ang takot sa mukha ni misaki ng makita itong May hawak ng baril dahan dahan nyang binaba ang telephone ,
Ang pinsan ni master yasumi , anong kelngan nya sakin ? Kelangan kong makatakas ? Sa isip ni misaki ng nanginginig sa takot
Buti na lang hindi ka nagsalita kundi baka nakalabit ko na ang hawak ko , mawala na ang plano ko hahaha nang nakakatakot itong tumawa at inilapag ang baril na hawak sa lamesa
Inayos nito ang sarili habang naglalakad patungo sa isang bote ng alak binuksan ito at sinalinan ang dalawang baso
'Anong kelangan mo sakin ? Bakit mo ko dinala dito ? ''Nang nakatayo lamang si misaki at umiikot ang mata sa pwede nyang ipanlaban laban dito
''Shhh wag kang magmadali , ito uminom ka muna ? Nanginaabot nito ang isang basong May alak kay misaki pero hindi ito kinuha ni misaki
Inilapag nya ito sa lamesa habang ininom ang isang baso ''alam mo hindi ka sana nandito kung ,nakadikit ka lang sa master mo pero kumilos ka ng magisa , maraming cctv sa lugar na ito pinaglagyan ko ang bawat kanto dahil ayokong May mga makakalusot na peste sa paningin ko '' nang lumapit ito kay misaki habang umiinom ng wine
Kung gagawin mo Kong hostage laban kay master yasumi mabibigo kalang dahil hindi nya pagaaksayahan ng panahon ang tulad ko '' matapang na sabi ni misaki ng di nya inaalis ang mata sa kaharap
''Hahahahahaha sa tingin mo ba hindi ko alam yon alam kong isa ka lang mababang uri na Tao , na nagtrabaho sa club , San nga ba yon butterfly club bilang waitress , mangingisda ang ama mo at ang Ina mo naman ay isang mananahe isang mahirap na filipinang nagtratrabaho para May makain tama '' nang naglalakad ito na hinahamak ang pagkatao ni misaki nagulat si misaki ng marinig nyang alam nito ang tungkol sa kanya
Matapang na tumingin sya kay sho ''wag mong sasaktan ang pamilya ko , wala silang alam tungkol dito kung gusto mo kong saktan ako nalang wag mo na silang idamay !!! Sigaw ni misaki ng magalit sya na marinig ang tungkol sa pamilya nya
''Shhhh sinabi ko na sayo huminahon ka lang misaki , ' nang ngumiti ito ng makita ang reaksyon nya '' hindi naman talga sila ang pakay ko kundi ikaw , alam kong hinahanap mo ang bestfriend mo sino nga ba yon si Mary anne tama , alam ko kung nasan sya ?' Kung magiging mabait ka sakin sasabihin ko sayo kung nasan sya , Nang umupo ito sa kama habang nakatingin sa nakatayong si misaki
'' si Mary anne nasan sya ? Anong ginawa mo sa kanya ? !!'pagaalalang tumingin sya kay sho
'Sa isang prostitution club sa Osaka kung Saan nakikinabang ng husto sa kanya ang mga lalaki , ang alam ko si mr. chow ang May hawak sa kanya at pinagkakakitaan ang katawan nya hahahahaha 'nang tumawa ito ng malakas nagalit si misaki at agad na kinuha ang baril na nasa lamesa at tinutok sa nakaupong si sho
Ibalik mo sya sakin , !!!! Wala kang kaluluwa bakit nyo nagagawang magbenta ng tao para lang magkapera kayo , !!! Mga demonio kayo ?!!! Galit na na nginginig ang kamay ni misaki habang hawak ng dalawang kamay ang baril na agad kinuha sa lamesa
Sandali marunong kabang gumamit nyan ?? Kung ipuputok mo sakin yan sa tingin mo makikita mo parin ang kaibigan mo ??? Hahahaha '' nang ngumiti at biglang nagseryoso ang mukha ni sho at tumayo ito at naglakad papalapit sa kanya
Wag kang lalapit , babarilin kita !!!! Umaatras si misaki habang walang pakialam lamang si sho na lumalapit sa kanya
''Bibigyan kita ng option misaki , papayag kang maging tauhan ko at ibabalik ko sayo ng ligtas ang kaibigan mo , bibigyan ko din ng malaking pera ang pamilya mo pero magiging spy kita sa loob ng bahay ni yasumi lahat ng tungkol sa kanya ipapaalam mo sakin o kakalabitin mo ang baril nayan at pipiliin mong maging tapat kay yasumi '' papalapit na ito hanggang sa sumilip na ang dulo ng baril na hawak ni misaki sa dibdib nito
Naguguluhan si misaki at nanginginig ang katawan nya , humahalo na ang pawis at luha nya dahil sa ayaw nyang manakit ng tao pero ayaw nyang mamatay sa kamay ni sho
Sumagot ka !!!! Ako o si yasumi !!!!! Sigaw nito nang magulat si misaki nabigla sya at nakalabit nya ang baril at pumutok ito
Ahhhhh!!!!! Patawad !!!!! Sigaw ni misaki ng bitiwan ang baril dahil sa inakala nyang na baril nya sa dibdib si sho
Napaupo si misaki na nakahawak sa ulo dahil sa takot sa nagawa
Nang biglang malakas na tumawa si sho at mapawi ang pag arte nitong na nasasaktan , binuksan nito ang botones ng long sleeve at pinakita kay misaki ang dibdib nya na walang tama ng bala
Nagtaka si misaki ng marinig ang pagtawa nito habang dinadampot ang baril '' Akala mo ba Ganun lang ako mamamatay hahahaha misaki '' nang kinalas nito ang baril at pinakita na walang lamang bala ang baril
Anong klaseng Tao ka ? Ikaw ? Isang kang halimaw !!! Galit na sinubukang labanan ni misaki si sho mula sa tinuro ng selfdefense ni butler Luis pero dahil sa nakainom sya at malakas si sho nahawakan sya nito sa dalawang kamay at isinandal sa pader na syang Ininda nya
, you really don't know what I'm capable of misaki , I can kill you with my bare hands , dahil kay yasumi your exempted to punish , pero sa kaibigan mo pwede kong gawin lahat hanggang sa mamatay sya !! Seryosong sabi ni sho ng marinig hawak ang kamay ni misaki na nagpupumiglas na naka wala
' wag mong sasaktan si Mary anne ,!!! Nang inapakan nya sa paa si sho at nabitawan nito ang isang kamay nya pero nahblot parin ang buhok nya at nahawakan sya sa leeg at inihiga sa kama
'' nagmamatigas ka parin misaki ,gusto ko ang babaeng tulad mo ang palaban, I give you the option pero di mo parin magawang mamili , Ano ba ang ginawa para sayo ni yasumi ? She's using you against me , di mo ba nahahalata yon ha misaki , si yasumi wala syang pingakaiba sakin she wants you dahil nais nyang gamitin ka laban sa kaaway nya ,hindi sya Gagastos ng 1 billion dollar para lang tulungan ka at wala syang Mapala sayo ,' nakahiga at nahihirapan si misaki habang nasa ibabaw nya si sho at hindi sya binitiwan
Tama na !!Si master ang sabi nya sakin tutulong sya , kung gamit in nya man ako , handa akong gawin lahat para maligtas lang si Mary anne , !!! ! Hirap na pagsasalita ni misaki ng hindi sya makagalaw sa pag dagan at pagsakal sa kanya ni sho
Bumukas ang tv na nasa paanan ng kama at nakaplay doon ang video ni Mary anne na sumasayaw sa isang stage na umiiyak nakita ito ni misaki habang sakal sya ni sho
''Manood ka misaki , ngayon naman siguro naniniwala ka na sa pwede kong gawin sa kaibigan mo at sa yo 'magmamatigas ka parin ba ???' Ipinaling ni sho ang mukha nya ,Nang nakangiting tumingin ito kay misaki
''Mary anne , Mary anne 'tumutulo ang luha ni misaki ng makita ang kaawa awa ng kalagayan ni Mary anne , hindi na sya nagpumiglas kay sho at ibinaba nya sa kama ang kamay habang niluluwagan naman ni sho ang hawak sa kanya , nanghihina sya ng makita muli si Mary anne wala ito sa sarili na tila nakadrugs na sumasayaw sa stage habang naririnig ang malakas na tawanan ng mga lalaki sa paligid
Nilapit ni sho ang mukha sa tenga ni misaki at binulungan sya '' now you see what I can do , what is your option ,? Following me or your master yasumi ? Choose wisely misaki wag mo ng pa hirap an ang sarili mo , pangako na hindi ka magsisi na pumayag sa gusto ko''
Parang wala ng buhay si misaki pero naka mulat ang mata nya na lumuluha habang nakatingin sa tv screen kung Saan naroon si Mary anne , wala na syang pakialam kung anong gawin sa kanya ni sho
Hinawakan ni sho ang mukha nya at hinalikan nito ang pisngi nya pababa sa leeg nya , nararamdaman nya ang paghinga nito at ang labi nito na nakadikit sa balat nya
'' sa pananahimik mo you decided to follow me, from now on misaki I'll be your master and your mine ,,ikaw kapalit ng buhay ng kaibigan mo , ''bulong nito sa kanya ng binubuksan nito ang botones nya sa damit habang hinahalikan ang leeg nya pababa sa dibdib nya
''Sa ganito lang ba matatapos ang lahat , sa masamang lalaking ito ma pupunta ang katawan ko , ayoko , dahil hindi ... hindi ko sya gusto , pinagkakaingatan ko ang sarili sa isang iglap mawawala sakin ang tanging kayamanan na meron ako , ang dangal ko .... sho wag mo kong halikan ,,, wag , mahinang boses ni misaki ng hinawakan nya sa dibdib si sho at inilalayo ang mukha nito
Natigilan si sho ng hawakan ni misaki ang pisngi nya at tiningnan sya ng kakaiba
Master sho wag mong gawin ito , wag mo nang dagdagan pa ang kasalanan mo , nagkaroon ka ng Ina , at bilang babae wag mong gawin sakin to ,, please master sho '' nang sabihin ito ni misaki ay agad na tinabig ni sho ang kamay nya sa mukha nito
Tumayo ito at nagalit kay misaki '' sinu ka para ikumpara mo ang sarili mo sa Ina ko ,wag mong banggitin ang tungkol sa okasan ko !!!! Nanginginig ito sa galit ng marinig na banggitin ni misaki
Bumangon at umupo si misaki sa kama habang nakayuko '' master sho alam kong naiinggit ka kay yasumi dahil sa nagkaroon sya ng magandang pamilya na hindi mo naranasan dahil sa naging miserable ang iyong pamilya , alam kong mahirap ang pinagdaanan mo noon kay,,,,, hindi pa nata tapos si misaki sa pagsasalita ng sampalin sya ni sho at mahigpit na hinawakan sa baba
Tumigil ka na !!!!! Kapag nagsalita ka pa ulit hindi lang yan ang gagawin ko sa labi mo '' galit na galit na hawak ni sho ang baba ni misaki na biglang dumugo ng nasampal ni sho
Alam kong mahirap lang ako pero naniniwala akong May kabutihan parin sa puso mo , alam kong gusto mong magkaroon ng Masisisi sa pagkamatay ng ina mo , sa tingin mo ba natutuwa sya sa ginagawa mo !! Pinsan mo si master yasumi bakit kelangan mong maging kalaban sya !!!Nang nahihirapan si misaki na hawak ang mukha nya ni sho
Ikaw !!!! Anong alam mo tungkol sakin !! Di mo ko kilala !!!!you don't know my mother !!Nang akma sya ulit sasampalin nito pero bigla itong natigilan ng tila May naalala si sho
Naalala ni sho ang mukha ng Ina sa mukha ni misaki kaya agad itong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya , pinunasan ni misaki ang labi ng May dugo gamit ang kumot ng kama
Umalis ka na ! Leave !!!! Sigaw ni sho ng humarap sa pader
Nagmadaling lumabas si misaki ng pinto at naglakad sa hallway na inaayos ang sarili hanggang sa makarating sya sa elevator at pinindot ang unang number na makita makalayo lamang sa pinanggalingan
Master sho ,di nyo po ba sya papasundan ?' Sabi ng lalaking nakamaskara
''Hayaan mo na sya , alam nya na ang gagawin nya '' nang ngumiti si sho at humawak sa labi '' misaki ,,,
Nakabukas ang botones ni misaki na bahagyang makikita ang sando nya wala sa isip nyang ayusin ang sarili kundi ang makaalis sa lugar na iyon naglakad sya hanggang sa makalabas ng hotel at naglakad sa gilid ng kalsada
San ako pupunta kelangan kong makaalis dito !!! Naguguluhan na naglalakad sya na di alam ang pupuntahan
Nakita sya nila yasumi habang sakay ng sasakyan
''Master yasumi si misaki po nandoon '' agad na lumabas si butler Luis at inakay si misaki pero nang makita sya nito ay nagpipiglas ito hanggang sa nawalan ng malay
Buong araw natulog si misaki na kinonfine sa isang private ospital
Master yasumi lumabas na po ang test results ni misaki '' nang pumasok si butler Luis sa room kung Saan nakahiga si misaki na binabantayan naman ni yasumi
Agad itong tumayo at sumunod kay butler Luis lumabas sila ng room at tumungo sa doctor na tumingin kay misaki
Sa Office ng doctor sila nagusap
'' ms yasumi naririto ang results ng patient , as you can see there's no internal bleeding and bone damage, meron lang syang mga galos at kalmot sa bandang leeg at dibdib nya , May pasa din sya sa kamay wala kaming nakita na May bakas na Narape sya , pero meron kaming nakita na saliva at bite mark balikat at bandang leeg , pinagtangkaan sya pero walang bakas na natuloy ito '' paliwanag ng doctor habang pinakita kay yasumi ang test results nito
Galit ang mukha ni yasumi ng mapansin ito ni butler Luis at agad na sumenyas sya sa doctor atniyaya nya ito sa labas ng opisina
Nang makalabas na ang dalawa ay agad na ginusot ni yasumi ang test result at padabog na binagsak ang kamay sa lamesa
Sho !!!!! Gina galit mo talaga ako !!! Alam kong ikaw ang May gawa nito kay misaki !!! Nagsisimula ka naman !! Nang nangangalit ang bibig ni yasumi sa sobrang galit sa narinig mula sa doctor
Wahahaha ' masaya parin akong kumakagat ka sa pain ko sayo wahahaha ' nang matapos mag wala nito ay malakas itong tumawa
Naalala nya nang naghahanap sila ay nakasalubong nya si sho sa reservation area
Mukhang kulang ata kayo nasan na ang assistant mo mukhang nawawala ata sya ? Nang makita silang tatlo na nasa hallway kasma nito ang tauhan na nakamaskara ng pangjavawalky
Nang pinipigil an ni yasumi ang sarili galit na galit sya ng makita ito '' anong ginawa mo kay misaki , ha sho !!! Nang malakas na boses ni yasumi
Hahahaha , bakit mo sakin hinahanap ang alaga mo hindi bat dapat na ikaw ang nakakaalam kung nasan sya ?? Nang matalim itong ngumiti kay yasumi ganun din sa mga kasama nitong si taiki at butler Luis
Sho , nang naggagalaiti sa galit si taiki na agad inawat ni butler Luis
Sya nga pala mr. taiki SATO mukhang tapat ka prin hanggang ngayon kay yasumi , isa ka parin pala sa Tuta nya sana hindi mo napapabyaan ang mga businesses mo sa pag sunud sa kanya '' nang ngumiti muli si sho at humarap kay taiki
'' ako tuta ? Mas okay ng isa akong tuta , hindi katulad mong naging ligaw na asong kalye na ngayon pati sariling pamilya mo sinasakmal mo , nang matalim na tumitig si taiki kay sho na tumawa lamang ng marinig ang sinabi nya
Hahaha , magaling sana tumagal ang pagiging tapat mo kay yasumi , nang bumulong ang tauhan nyang nakamaskara sa kanya '' o pano ba yan May importante pa kong pupuntahan , maiwan ko na kayo , masaya akong makita ka pinsan '' nang ngumiti ito at itinaas ang kamay para magpaalam at nilagpasan sila yasumi
Nang pigilan ito ni yasumi '' wait sho , what happened to your face ? '' nang seryosong nagsalita si yasumi ng mapansin nito ang tila May kalmot sa kanang pisngi ni sho
Pagkasabi nya nito ay natigilan ay ngumiti si sho '' oh this one , I got this when I kiss a young lady , medyo aggressive kasi sya kaya di ko namalayan na nakalmot nya pala ko , but it's not bad , I like her a lot , mas gusto ko ang pagiging palaban nya , gusto mo ba syang makilala yasumi ? Nang humarap ito at matalim na ngumiti
Nanlaki ang mata ni yasumi na pinipigil an ang sarili ng marinig nya ang sinabi ni sho agad na pumasok sa isip nya si misaki ''Anong ginawa mo sa ..... nang akmang lalapit si yasumi kay sho ng biglang hinawakan sya ng dalawang si butler Luis at taiki sa braso
Biglang dumating ang isang sexyng steward at lumapit kay sho na agad namang inakbayan nito
''Oh she's here , '' agad na hinalikan ni sho sa pisngi ang babaeng stewardess habang nakatingin sa mukha ni yasumi ' sya yung sinasabi ko sayo yasumi , yumakap sya sa baywang ng babae '' siguro naman pwede na kaming umalis yasumi , marami pa kasi akong gagawin , see you again and take care '' nang ngumiti si sho at tumalikod habang si binibitawan ang babae nakasunod lamang ang lalaking nakamaskara dito
Master yasumi , hold your temper , hindi po makakabuti sa nyo kung gagawa tayo ng hakbang teritoryo nya to , '' nang mahigpit na hinawakan ang braso ni yasumi
His right yasumi , we need to find misaki , nandito pa sya sa hotel , huminahon ka lang , matalino si sho naghihintay lang syang gumawa ka ng mali kaya huminahon ka '' pagaalala ni taiki sa kaibigan
Nang maalala ito ni yasumi si nya na napigilan ang sarili at nagusot nya ang hawak na mga papel
Sho ,, sige lang nakikipaglaro ako sayo tingnan natin kung sino ang mananalo sating dalawa '' nang tila nagiba ang ugali ni yasumi habang nakatingin sa pangalan ni misaki