The Story of Another Us chapter twenty-three: you're breaking my heart Lahat naman nang pagbabago madaling napapansin kung binibigyan mo ng atensyon. Hindi ko din naman maintindihan kung ano 'yung nangyari dito sa loob ng studio at bakit ang tahimik ng mga tao. May na-miss ba kong announcement na dapat bubulong lang ang mga tao kapag nandito na kami? If so, I wasn't informed. Kaya ayun, tumahimik na lang din ako. Hindi na tataas sa sampu ang natitirang maga-audition ngayong araw. Max na ng tatlong oras ang itatagal ko sa lugar na ito at sana naman talaga matapos na dahil nakakapagod din naman na 'tong pinagagagawa namin na ganito. Ilang ulit akong sinabihan ni Ma'am Idona na kailangan na naming makapag-decide kung sino ba talagang magiging Nicolo. We can no longer prolong this. At tsa

