The Story of Another Us chapter twenty-five: this could be love, because... Minsan kailangan mo na lang sumakay sa trip ng karamihan dahil ganoon ang agos ng alon. Kapag naman kasi hindi ka sumama, tatangayin ka pa rin naman din, kaya makisabay ka na lang para wala ng kaso at mas mapadali ang buhay mo. Inutusan kami ni Epps na magbihis sa mga kwarto, may make-up artist nga din na naghihintay sa'kin doon. Naupo ako doon sa upuan at hinantay na matapos ang paggalaw ng babae sa mukha at buhok ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong mukhang ayos na ayos ang mukha ko. Sa'n ba punta namin? May event na naman ba? April Fool's ngayon hindi ba? Ano trip na naman ba 'to ni Nicolo? Where the hell are we going? Tinakpan pa ng babae ang mga mata ko ng tela para daw hindi ko makita kung anong i

