PORTIA’S POV PINAGBUKSAN ako ni Crandall ng pinto sa front seat nang makalabas kami ng APC. Simula kanina nang lumabas kami sa office niya na magkahawak kamay, nagtataka at nanlalaki ang mga mata ng mga ka-workmate ko nang makita nila na magka-holding hands kami ni Crandall. Wala pa sana akong balak na ipaalam sa mga katrabaho ko na boyfriend ko ang bago naming boss, but I couldn’t do anything but let what he wanted to happen. Sigurado din naman kasi ako na isa sa mga darating na araw ay malalaman din ng buong tao sa APC na girlfriend ako ni Crandall. “Thank you, babe,” nakangiting sabi ko nang pagkasakay niya rin sa driver’s seat ay siya mismo ang nagsuot ng seatbelt ko. And because his face was so close to mine, I kissed his cheek. He looked at me with a smile and immediately kissed my

