PORTIA’S POV ILANG oras kaming nag-stay sa bahay nina Crandall dahil hinintay namin na dumating ang papa niya. At first, I was really nervous about how Don Damian would react to me. But, contrary to what I expected, mabait din naman pala ito kagaya sa asawa nitong si Doña Sugar. Mukha lang itong istrikto, pero nang magkaharap-harap na kami sa sala, masaya naman kausap ang pamilya ni Crandall, kaya napanatag agad ang kalooban ko. “I still can’t believe na anak ka pala nina Ana at Marion, hija. I mean, I saw you when you were little, before your parents passed away,” wika ni Don Damian sa akin. Ngumiti naman ako. “Talaga po?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. “Hindi rin po ako makapaniwalang magkaibigan po pala kayo ni daddy,” sabi ko. “Your Daddy and I have been best friends since we

