PORTIA’S POV BITBIT ang flashlight na kinuha ko sa kusina, pumanhik ako sa hagdan at nagtungo sa silid na ginagamit ko. Ewan ko ba, pero mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Ang kaligayahang nararamdaman ng puso ko kanina ay biglang naglaho na parang bula nang malaman kong walang tao rito sa mansion. Wala rito si Crandall at tanging ang madilim na mansion lamang niya ang nadatnan ko. I’m asking myself, where is he now? But of course I can’t answer myself either. Nang mabuksan ko ang kuwarto ko, madilim din sa loob dahil nakasarado ang kurtina sa bintana. Laglag ang mga balikat ay naglakad ako palapit sa kama at umupo roon. “Umalis ka na kaya sa mansion mo?” malungkot na tanong ko habang nakatitig sa kadiliman. Oh, kung first time ko lang makapasok dito, I’m sure na kanina pa ako natakot

