PORTIA’S POV SUNOD-SUNOD akong napakurap upang siguraduhin na hindi ako namamalik-mata lamang ngayon sa nakikita ko. Oh, God! Is this true? After a few days of missing him, now he’s in front of me? Ang puso kong labis na nalulungkot nitong mga nakaraang araw ay biglang kumabog nang husto nang masigurado kong si Crandall nga ang nasa harapan ko ngayon. Siya nga ang nakikita ko ngayon. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. “C-Crandall?” halos pabulong pa ang boses ko, pero pumiyok pa iyon. Tumayo naman siya sa kaniyang puwesto at dahan-dahang humakbang papunta sa unahan ng mesa. Habang ako, hindi ko magawang kumilos sa kinatatayuan ko. Bigla kasing nanghina ang mga tuhod ko at feeling ko, kapag kumilos ako ay bigla akong babagak sa sahig. Mas lalo kong naramdam

