THIRD PERSON POV “SO, how’s the meeting with Rufo?” tanong ni Crandall sa kaibigan. “Ayos na sana. Kaso ang lokong ’yon, ayaw pumirma sa kontrata kung hindi ka raw pupunta sa binyag ng anak niya,” natatawang sabi ni Creed sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya habang nakakunot ang kaniyang noo. “Just tell him na hindi ako siguradong makakapunta roon. Marami lang akong inaasikaso ngayon,” aniya. “I already told him that, bro. I have also made another excuse. Pero ayaw talaga maniwala ni Montague.” “Alright. Kapag hindi ako naging busy that day, sasama na ako sa ’yo. Kailangan natin ang kontrata na ’yon next month. Hindi puwedeng hindi matutuloy ang construction ng building with in three months.” “Hindi ka talaga tatantanan ng lalaking ’yon hangga’t hindi ka nakukuhang ninong ng anak

