CHAPTER 6:
[VALERIE’S POV]
Maging success kaya ang balak nung pinsan ko? Hmp. Kinakabahan ako dahil dun. Quiz bee na at nandito na kaming mga participants kaharap ang EMCEE. Asan na ba si denver? Patay sya sa akin pag palpak yung plano nya.
“Jerry Morales of IV-A, pinatatawag ka ngayon sa guidance office” sabi ng emcee
Ito na ba yun? Yes! Wala na sya, ba-bye. Say goodbye na din sa rank mo ngayon. Hahaha.
“VALERIE!” lumingon ako kay jerry
“pipilitin kong umabot... para sa’yo”
Umalingawngaw ang hiyawan at kantyawan sa loob ng hall. Ako naman, napatakip na lang ng mukha dahil sa kahihiyan. Ayokong makita ng school body na namumula ako noh dahil sa sinabi ng RIVAL ko. Pero mas iniisip ko kung bakit sya ipinapatawag sa guidance office. Ano kaya ang sinabi nina denver??? Curious talaga ako.
[JERRY’S POV]
Ano namang kailangan sa’kin ng guidance office? Alam namang nasa quiz bee ako tapos biglang papupuntahin dun. Nananadya ba sila? Sayang! Magiging teampair sana kami ngayon ni valerie. Siguradong mananalo na sana kami, pero di bale alam kong kayang kaya yun ni valerie. Matalino sya’t very competetive.
“jerry, maupo ka rito” sabi ng guidance counselor.
“ahh sige po! Bakit nyo nga po pala ako pinatawag? May nagawa po ba ako?”
“buti naman alam mong may nagawa ka. Ayan(hinagis sa’kin mga sigarilyo). Napakalaki ng tiwala namin sa’yo tapos ikaw pa yung pasimuno ng mga ganyang kalokohan”
“teka lang po, san ba yan galing?”
“saan pa? Edi sa locker mo”
“but that’s very impossible, hindi ako nagsisigarilyo”
“don’t deny it jerry, ayan na yung proweba”
“pwede po bang umattend muna sa quiz bee?”
“NO!!!” ang lakas nun ah. Kakarindi.
“bakit naman po?”
“because of that. Napakalaking kasalan yan. You break a rule of our school, so you should write now the handbook COVER TO COVER”
“PO? Pero di po talaga akin yang mga sigarilyo”
“gagawin mo ba? O tatanggalin namin scholarship mo”
BWISET! BULLSHIT! PUTAKTE! Nakakainis. Hindi nga ako humahawak ng sigarilyo tapos pagbibintangan ako na gumagamit nun. Hah! Pumayag na ko sa gusto ng guidance teacher. Sinusulat ko ngayon ang laman ng handbook namin. Mahaba to ah, 63 pages. Ano na kayang nangyari sa quiz bee? Sana nanalo si valerie. 1 hour na din ako dito kaya malamang na tapos na yon. Nasa page 28 pa lang ako.
[VALERIE’S POV]
Buti na lang at nawala yung si jerry, kung nandun kasi sya pihadong talo kami pero dahil brain ko lang ang ginamit ko, ABA! FIRST AKO at ako lang ang walang partner hah. Pero kahit ganun, ang sakit ng nararamdaman ko, na nakikita ko ang ex ko na nakikipag tulungan sa jessica na yun. Haaayyy! Di bale, focus na lang ako sa studies ko. Teka ano nga bang nangyari dun sa dapat kong partner? Maitanong nga kay denver.
“insan, good job ba ang ginawa ko?”
“syempre! Wait ano bang sinabi mo sa guidance office?”
“wala akong sinabi, naglagay lang ako ng sigarilyo sa locker ni jerry ng sigarilyo tapos nilagyan ko din yung tapat ng locker nya para buksan ng guidance teacher yung locker nya then, YUN.”
“ahhhh! Kawawang bata. Next time ulit hah.
NEXT DAY...
“first, i congratulate valerie for winning first place sa math quiz bee. She will earn very big extra corricular points” sabi ng math teacher namin
“eh sir, si jerry po?” tanong nung isa kong kaklase
“ahh sorry to say, pero dahil di sya naka attend wala syang makukuha”
Bwahahaha! Wawa naman, kasi ikaw eh, inagaw mo posisyon ko. Next week na ang 2nd Quarterly test, ano kayang gagawin ni denver? Hahaha. I’m so excited. Sana bugbugin na lang nila para wala na akong poproblemahin pa! I love it.
“congrats!” sabi sa akin ni jerry
“thanks, sayang at wala ka. Excited pa naman ako dahil yung first honor ang partner ko” grabe toh! Ang plastik ko, sobra.
“talaga? Ang saya ko sa sagot mo”
“ahh jerry, may birthdayhan sa amin next Sunday, gusto ko sana na sumama ka. Okay lang ba?”
“ok lang., wala naman akong gagawin sa Sunday”
“talaga? Sabi mo yan hah”
HAPON na! Uwian na! Ay di pa pala. Maglilinis pa kami. Okay start na, makapagwalis nga di ko kasi type mag punas ng sahig. Hahaha arte ko! Teka? Asan ba ang walis? Pinag aagawan pala nitong si jerry at nung isa kong kaklaseng babae. Naghaharutan pa! Nayayamot ako sa kanila, teka, nagseselos ba ko? Nooooooooo hindi. Imposible yung mangyari. I admit, gwapo si jerry at hanggang dun lang yun. Mahirap kasi sya.
“tumabi nga kayo dyan, lalaki nyo na naghaharutan pa kayo” pagalit kong sabi
“valerie, nagseselos ka ba?”
“what? Ang kapal mo naman, sino ka ba? FIRST HONOR ka lang naman ah”
“nagseselos nga. Dont be jealous kasi ikaw lang ang gusto ko”
Eto na naman. Nagtransform na naman sya bilang isang pilyo. Mala demonyo ata to! Ako? Nagseselos? Never! Lalo na kung sya lang din. Makaalis na nga. Lakad......... teka si mia ba yun? Parang ang sama ng tingin sa’kin, kung di ako nagkakamali may gusto sya kay jerry at sa pinsan ko,WOW! SO FREAK.
“layuan mo si jerry” diretso nyang sabi
“and why? Sya yung lumalapit sakin, hindi ako kaya sya ang pagsabihan mo na layuan ako” TARAY ko. Hahaha
“hanga rin ako sa’yo eh, ang tapang mo!”
“di mo na kailangan sabihin na matapang ako kasi ALAM KO. May ALAM ako, eh ikaw, may ALAM ka ba?”
“hindi porket matalino ka, magyayabang ka na”
“so what? BOBO KA(pak)” sinampal nya ko? Abaaaa, naghahamon to ng away ah
Sinampal ko din sya, then nagsabunutan na kami. Grabe kung walang umawat sa’min malamang kalbo na yang mia na yan.
“LAYUAN MO SI JERRY”
Dumating si jerry at niyakap ako, nag alisan na din mga estudyante including MIA.
“hindi mo kailangang makipag away dahil sa’kin” bulong sa’kin ni jerry
Tinulak ko sya “ang kapal mo hah, umalis ka nga sa harapan ko, magsama kayo ng miang yun. Pareho kayang makapal ang mukha”
“ikaw ang gusto kong samahan, hindi sya. I LOVE YOU VALERIE. Di mo pa sinasagot yung tanong ko dati, pwede bang manligaw?”
“nasagot ko na yan ah, sabi ko open ako sa lahat ng manliligaw”
“okay. I should start now, akin na yang bag mo, hatid na kita sa inyo”
Kahit papano pala sweet si jerry. I like his sweet side, pati na rin yung makulet side.
CHAPTER SEVEN
[VALERIE’S POV]
Nakauwi na rin sa amin, salamat naman at makakapag pahinga na sa malambot kong kama. Oo nga pala, si jerry kausap ni mama! Kung ano anong sinasabi, sakali daw na sagutin ko si jerry, wag na wag nya daw akong sasaktan. Asa pa si mama na sasagutin ko yung si jerry. Maging kaibigan ayaw ko eh, BOYFRIEND pa kaya? Kaya lang naman ako pumayag magpaligaw dahil nga dun sa intensyon ko na pabagsakin sya para di na akong mahirapang maging rank 1. Wala ng iba pa!
“hi valerie! Grabe ang laki ng kwarto mo”-jerry
“sino namang may sabi sa’yo na pumasok ka dito?”
“mama mo, sabi nya silipan daw kita, este silipin pala”
“hayop ka! May balak ka pang manilip”
“wala ahh... buti di ka nahirapan sa quiz bee”
“ako pa. Matalino kaya ako”
“hindi yun, di ba kalaban mo ex mo tsaka yung syota nya”
“ano naman ngayon? I don’t care to them. Mga s**t sila”
“hindi ka NAGSELOS?”
“of course not!”
“tama. Bakit ka nga naman magseselos kung nandito naman ako. Hamak namang mas gwapo at mas matalino ako kay steven”
“lakas ng CONFIDENCE mo para sabihin yan. Ibang klase ka”
“syempre naman, totoo naman di ba?”
“na gwapo ako!”
“gumising ka nga sa katotohanan!”
“napapangitan ka ba sa’kin” oh god palapit na ng palapit mukha nya sa kin
“oo, ang pangit mo”
“tell the truth valerie” hala 2 inches na lang pagitan ng mga labi namin
“ok. Fine. I admit, gwapo ka” buti na lang at umamin na ako kung hindi baka nagkahalikan na kami...
Pinauwi ko na si jerry after naming magdinner. Di ako ang nagyaya ng dinner ahh, si mama. Botong boto sya kay jerry, ang alam nya kasi, mabait ito pero ang di nya alam, ubod ng kulit si jerry.
SUNDAY...
Pinapunta ko si jerry sa AKALA nyang birthday party pero ang totoo, sinet up lang namin yun ni denver kasama ng barkada nya. Ang aming goal, DI MAKAPAG ARAL SI JERRY MAMAYANG GABI DAHIL SA KALASINGAN. Bwahahaha, i love my bright idea.
7:30 na ng dumating si jerry sa bahay ng mga pinsan ko. Syempre nandun din ako, kailangan kong i make sure na malalasing sya. Nung una, ayaw pa ni jerry na uminom, but in the end, sa kapipilit ng mga pinsan ko, pumayag na sya. After 1 hour ng pag iinuman, ayun! TUMBA NA. Ngayon, ang problema ko, nandito ako ngayon sa daan kasama si jerry dahil ako ang maghahatid sa kanya. Hmp! Mabigat sya hah.
“valerie” wow! Kahit lasing na, straight pa din magsalita
“oh bakit?”
“I LOVE YOU, hindi kita sasaktan tulad ng ginawa nung steven na yun sagutin mo lang ako”
“alam mo jerry, lasing ka na”
“oo lasing ako, pero totoo ang sinasabi ko. Tanggapin mo naman ako kahit mahirap lang ako oh!”
Nakakainis tong si jerry, nakukunsensya tuloy ako sa ginagawa ko.
Pagdating ko sa kanila, nanay nya ang sumalubong sa akin, humingi ng pasensya dahil sa abala. Mabait ang nanay ni jerry, para tuloy sya ang gusto kong maging biyenan. Uyyy! Joke lang.
EXAMINATION DAY:
Magdamag akong nag aral kaya naman itong mga tanong sa test paper madali kong nasasagutan. Then, tiningnan ko si jerry at sa tingin ko ay nahihirapan sya. Grabe! Sobra akong nakukunsensya sa ginagawa kong to! Wait!!! Di dapat ako maawa, kailangan kong mag top 1. Yuna ng dapat kong isaksak sa kukote ko!
After that day, sinabi na kung sino nag top 10 highest scorers, di ako nagkamali na ako nag top 1 at si jerry top 2 lang. Matalino talaga sya, nagawa nyang maging top 2 kahit di sya nag aral. Natural yung knowledge nya at yung akin, acquired lang.
Lunch namin at nagtataka ako kung bakit halos lahat ng estudyante, andun sa playground. Naka tsismis na din ako at pagkatapos nakita ko ang madaming red balloons at biglang lumipad at nabasa ko, “VALERIE, CAN YOU BE MINE? – jerry”
Sa totoo lang, kinikilig ako ng sobra, sya lang kaya ang gumawa nyan sa school namin. Sya lang ang nag iisa na nag propose para maging girlfriend ako sa harap ng buong school body.
“sagutin mo na!!!” hiyaw ng mga estudyante
“kakakilig!!! Wit wit wit” sabi nung isa
“KIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSS” sabi nung mga lalaking etchusero
Then, lumapit sa akin si jerry. Ako? Kinakabahang ewan, para kong nilalagnat pero ang lamig ko naman dahil sa nerbyos.
“valerie, can you be mine?” oh god, help me to decide!
“yes!” ano ba yung nasabi ko? Hala! Kami na??? Oh no!
Palakpakan na may kasamang hiyawan ang pumaibabaw pagkatapos kong sabihin ang word na ‘yes’. Hayaan ko na nga, mas madali ko syang mapapabagsak pag mag on kami. Wait! Si STEVEN ba yun? Bakit parang ang sama ng tingin nya sa akin? May nagawa ba akong mali. Puntahan ko nga mamaya.
NAKITA ko si steven sa rooftop ng buiding namin, wala ng paligoy ligoy pa, USAPAN na.
“steven!”tawag ko
“ikaw pala valerie, bakit di mo kasama ang BOYFRIEND mo?”
“ eh ikaw, bakit di mo kasama ang GIRLFRIEND mo?”
“you don’t care about that, umalis ka na at baka pag nakita pa tayo ni jerry, kung ano pang isipin nun”
“ano bang problema? Hindi ka naman ganyan ahh”
“break na kami ni jessica dahil sa...”
“sa....”
“sayo. Ikaw pa rin ang mahal ko kaya nakipagbreak na ko sa kanya”
“what? Pero akala ko sya ang mahal mo”
“yan din ang akala ko but when i saw you and jerry na magkasama, HINDI KO MAIWASANG MAGSELOS”
After that, iniwan nya ako sa rooftop. Tulala pa rin ako dahil hindi ko akalaing mahal pa nya ko. Biruin mo nga naman oh!
“valerie! Anong ginagawa mo dito?”
“ahh wala” panira ng moment tong si jerry
“trip lang? Tara sa park, date tayo”
“next time na lang”
“pero ito ang unang araw na gf na kita, at gusto kong maging memorable toh”
“ok fine...”
Pumunta kami sa park at dun naglakad lakad. Rumenta si jerry ng bike at ako naman angkas. Nakahawak ako sa balikat nya pero nilipat nya at inikot ang kamay ko sa tyan nya. Ayaw daw kasi nya na mahuhulog ako.
Macho siguro tong si jerry, ang tigas ng tiyan eh. Siguro may abs sya. Di na nakakapagtaka, nagtatrabaho kasi sya dati. Huminto yung bike at bumaba kami. Nag usap kami dun sa harap ng LAWA ata yun.
“I LOVE YOU VALERIEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!” sigaw ni jerry, kaya ayun kuha namin lahat ng atensyon ng tao kaya naman nahihiya ako.
“tumigil ka na nga jerry, nakakahiya.”
“hindi ahh, proud lang ako dahil girlfriend na kita”
“so?”
“pakipot! Gusto mo rin ako, kung mahawakan mo kanina abs ko, WAGAS! Gusto mo bang makita?”
“BASTOS!”
“kung gusto mo, pwede mo ring hawakan”
“nakakainis ka!”
“ang cute mo pag pulang pula ka na”
“CHE!”
“wag ka ng magalit, ito naman di na mabiro”
Nakipag ayos na din ako sa kanya, ayoko namang patagalin tong away namin, first day pa lang kaya KAMI. Buti na lang andito si jerry, kahit papano, nakalimutan ko si steven, lalo na yung mga sinabi nya.
CHAPTER EIGHT: CONFUSION
[VALERIE’S POV]
6:00 pa lang ng umaga, nasa tapat na ng bahay ang boyfriend ko. Ang ginawa ko? Tinagalan ko pa ang manliligo. Mga 30 minutes na ko sa banyo. bwahahaha! Magdusa sya dun, (kumatok si mama).
“bakit po?”
“si jerry nasa baba na! Bilisan mo na dyan, pag di ka bumilis, paaakyatin ko sya dito sa kwarto mo. Sige’t mamamalengke muna ko
(after 10 minutes)
“waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!” hiyaw ko, pano ba naman? Si jerry nasa loob ng kwarto ko at nakatapis lang ako noh, nakakahiya...
“wag ka ngang sumigaw dyan,wala pa kong ginagawa sa’yo”
“ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!”
“(hinubad ni jerry uniform nya,WOW! ULAM) pag di ka tumigil sa paghiyaw, gagawin talaga natin”
“ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!”
“pag di mo pa tinikom yang bibig mo, yang twalya mo naman huhubarin ko”
“GO OUT NOW!!!”
“ok fine, magrelax ka nga! Tinatakot lang kita para tumigil ka sa pag irit” sabay labas.
Papatayin ba ko ni jerry sa takot??? Huhuhu, ayoko pang mawala virginity ko noh. Pero kung ganun katipuno ang mang re r**e sa akin, sige payag na ko! JOKE. Makapag bihis na nga at baka maisipan pa nung abnong yun na pumasok sa kwarto ko, mahirap na, baka magahasa ko pa sya. Bwahahaha!!!
“ang tagal mo, late na tayo” sabi nya pagkalabas ko
“di mo na kasi dapat ako inintay” sagot ko
“tumigil ka nga, girlfriend kita and i need to make sure na safe ka pagpunta sa school”
“di mo na kailangang gawin yun”
“bukas at sa mga susunod pang araw, pag lumagpas ka sa 6:20, papasok ako sa room at ready na para sa isang hot scene”
“ANO??? Napakamanyak mo, hayop ka!!!”
“seryoso ko dun sa sinabi ko noh, kaya ngayon kailangan mo ng gumising ng maaga, understood”
“yes sir” sumaludo ako sa kanya
30 minutes kaming late sa first period, buti na lang at ang teacher namin ay hindi galit kundi kinikilig pa sa aming dalawa. Ako naman, naiinis sa teacher na yun. Nangunguna pa sya sa pang aasar sa amin. Whoo! Sarap sapakin.
[JERRY’S POV]
Ang lakas umirit nung babaeng yun, pano pag ginawa na namin at nasasaktan sya, gano pa kalakas ang irit nun. Nakakabasag ng eardrum, pero natural lang naman sa babae ang titili pag may naghubad sa kanyang lalaki lalo na pag tapis lang ang suot nya. Pero ang cute ni valerie pag umiirit.
“hoy jerry, bakit ngumingiti ngiti ka dyan, ayos ka lang ba?” tanong sa’kin ni sarah
“ahh, oo”
“balita ko, kayo na ni valerie, congrats.”
“eh bakit ka nakasimangot?”
“kasi yung taong gusto ko, may gf na”
“sino naman yun?? Asawa nga naaagaw, gf pa kaya?”
“so? Pwede kitang agawin kay valerie?”
“WHAT? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?”
“ikaw yung tinutukoy ko jerry, i love you more than friends”
“pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa’yo”
“alam ko! Wala na ba kong magagawa?”
(umiling ako)
“handa akong maghintay” sabay alis
Pamula nung lumipat ako dito sa school na to, si sarah ang pinaka naging ka close ko sa lahat ng babae. Maganda sya, mabait at understanding. Matalino rin sya. Hindi ako nararapat para sa kanya. He deserves a PRINCE CHARMING, at hindi ako yun.
Wala akong idea na may gusto na pala sya sa akin, ngayon nya lang naman kasi sa akin sinabi sa akin ang nararamdaman nya. Napakahirap palang saktan ang isang babae na napakalapit sa’yo at itinuring mo bilang isang matalik na kaibigan. Nasaktan ko sya ng sobra.
After that day, hindi na nya ako kinakausap, siguro naiilang na sya sa akin o kaya ay nahihiya o nakakaramdam ng awkwardness. Ayyy ewan! Ang hirap ng ganito. Sinundo ko si valerie kaninang umaga, pero di sya ang laman ng utak ko. Naiinis ako sa sarili ko, siguro mas maganda kung mag fofocus na lang ako sa relationship namin ni valerie.
-----now playing PUSONG LITO------ (search nyo na lang sa youtube or videokeman)
-bakit kaya mapagbiro ang tadhana?
Bakit kaya pagdating nyo ay sabay pa
Pareho ko kayong gusto, isa lang aking puso
Di ko naman kayang pagsabayin kayo ooh
Bakit kaya sa twing nagiisa
Pareho nyong mukha ang nakikita
Tinamaan nga kaya sa inyong dalawa
Kaya ang puso ko ngayo’y sasabog na ahh (sasabog na)
Chorus: ang puso ko’y nalilito, nalilito ohh
Kung sino sa inyo o oh o oh o oh
Ang isip ko’y gulong g**o, gulong g**o oh
Kung sino sa inyo o oh o oh o oh
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko oh
Dalawa sana ang puso ng di na malito ohhh....................................................
Mahal ko din ba si sarah? Siguro, pero bilang isang kaibigan.
“jerry” nag wave pa sakin si valerie
“oh, ikaw pala!”
“kanina ko pang napapansin mo, ang tahimik mo! May problema ba?”
“wala... wala lang akong gana” tumayo ako at iniwan si valerie sa kinatatayuan nya.
CHAPTER NINE: THE CONVERSATION
[VALERIE’S POV]
Ang g**o nung lalaking yun. Nakakapanibago sya. Nung isang araw lang ang sweet sweet at sobrang kulet tapos ngayon parang laging BADTRIP???. Nakakainis yun ahh! Teka, dapat wala naman akong pakialam sa kanya ahh, dapat nga ikatuwa ko pa dahil may problema sya ngayong dinadala.
Haaaaaaayyyyy!!! Curious talaga ako sa mga nangyayari sa kanya, hindi naman siguro masama kung maging TSISMOSA paminsan minsan. Tanungin ko kaya sya mamaya?? Ayy! Wag na lang, baka mapahiya pa ko. Tungkol kaya sa akin, o sa ibang babae na involve sa kanya? I WANT TO KNOW, I WANT TO KNOW!!! Kausapin ko na lang kaya ang girl besplen nya??? SARAH ba name nun?
“sarah right?”
“yes i am, anong kailangan mo?”
“ahh, para kasing may problema si jerry, may alam ka bang pwedeng dahilan?”
“wala ehh, di na kami masyadong naguusap”
“ganun ba? Bakit naman?” dahil ba sa’kin???
“because of you...”
“WHAT?”
“ayoko syempreng nagseselos ang girlfriend ni besplen! Kaya nag decide ako na iwasan muna si jerry. Alam mo na, dapat ikaw lang kasama ni besplen palagi, ayokong matsismis noh”
“hindi mo naman kailangang gawin yun ehh, i’m not selfish you know?” iyong iyo na si jerry, i don’t care to him. Ang sinungaling ko talaga
Biglang nagring yung bell, di man lang kami pinatapos mag usap nitong si sarah. Sya siguro ang dahilan kung bakit matamlay ngayon si jerry? I admit na namimiss ko na rin yung makulit kong suitor, nasanay na kasi ako sa presence nya.
[SARAH’S POV]
Nagsinungaling ako kay valerie, kaya ako umiiwas kay jerry ay para makapag move on na ko. Mas magiging mahirap kasi para sa akin kung patuloy kaming magiging close nitong si jerry. Mamaya, agawin ko pa sya sa girlfriend nya.
Ngayon lang ako nakadanas ng ganito kasakit. JERRY is my first love kaya siguro talagang mahirap. Lahat naman tayo nakakaranas magmahal di ba?, but in the end kailangang may masaktan. LOVE IS SACRIFICE. Kailangang kayanin mo ang pagkawala lahat ng bagay na kailangan mong isakripisyo sa taong mahal mo. Ako? Yung taong mahal ko mismo ang kailangan kong isakripisyo. He needs happiness at hindi ko yun maibibigay sa kanya dahil hindi ako ang mahal nya.
Ano ba’to? Natutu lang akong magmahal ang dami ko na agad nalaman, pumasok na yung teacher namin para magturo ng hatest subjects ko, PHYSICS. Ang dami daming sauluhin at ang dami ding formula na kailangan saulo mo.
“ok class, we are groupings today but in one group, there is only 3 members. Is that clear?”
Sa kasamaang palad, ako, valerie and jerry ang magkakagroup. Kahit sabihin mo pang matalino tong dalawang to, kung lumulutang naman ngayon ang isip, WALA RIN.
“di pa ba natin uumpisahang sagutan toh?” ako na nagsimula
“sige ako na magsasagot ng 1-5” sagot ni valerie
“ahh sarah?” imik ni jerry
“hmm?”
“can we talk later?”
“sure, about ba saan” wow grabe, alam ko naman kung bakit
“about us” oh my! Di mo ba nakikita gf mo??? Ayan lang oh, katabi mo! Pano pag nagseselos na pala toh at pagtripan ako? Huhuhu...
“o-ok”
“eh jerry, di ba kakain tayo mamaya ng lunch” sabat ni valerie
“mas importante tong pag uusapan namin kesa sa pagkain, mauna ka na lang dun”
Halatang SHOCK NA SHOCK si valerie sa sinabi sa kanya ni jerry, ako din naman eh. Hindi ako nag expect na mas mahalaga pa ang friendship namin ni jerry kesa sa pagkain nila. Pero bakit kasi sa lahat ng tao, ako yung biniyayaan ng kabaitan, sa halip na matuwa ako, i feel sad para kay valerie.
-LUNCH-
“ano bang kailangan nating pagusapan ABOUT US?” tanong ko.
“gusto kong friends pa rin tayokahit girlfriend ko na si valerie”
“friends pa rin naman tayo ahh”
“pero hindi na close gaya ng dati. Kung iniisip mo yung feelings mo about me, isipin mo rin yung sa’kin”
“bakit naman kailangan ko pang iconsider yung sa’yo?”
“kasi nahihirapan din ako, ayokong nahihirapan ka ng ganyan”
“mas mahihirapan ako kung patuloy pa rin tayong magiging close”
After that phrase, umalis na ko. Tutulo na kaya ang luha ko. Gusto kong lamunin ako ng lupa, NGAYON na. I hate this feeling!
[JERRY’S POV]
Mukhang di ko na talaga maibabalik sa’kin si besplen. But the worse is, yung nasabi ko kanina kay valerie. Oh god! Help me to explain to her. Siguradong galit sa akin yun. Nasan kaya sya ngayon? Sa canteen siguro, kumakaing mag isa.
“valerie” i go to her table
“what?(in a cold tone)”
“uhm, sorry kanina”
“alin? Yung dahil pinahiya mo ko kanina sa harap ni sarah o dahil dun sa mga sinabi mo sa akin?”
“both. I’m really sorry valerie. I didn’t mean to that, nabigla lang ako”
“mas maganda na yung sinasabi mo sa’kin ang feelings mo, hindi yung kinikimkim mo”
“sorry, mag isa ka lang ngayon kumain”
“ayos lang. Sanay naman ako, nag usap na kayo ni SARAH?”
“oo”
“mahal mo ba sya?”
“mahal ko sya bilang isang kaibigan”
“dyan yan nag uumpisa! Sige alis na ko, may meeting pa kong dapat puntahan”
Kahit di sa’kin sabihin ni valerie, alam kong galit sya. Sino ba namang di magagalit na girlfriend pag sinabihan mo ng ‘mas mahalaga tong paguusapan namin kesa sa pagkain mo’. Haaayyyy! Ang hirap.
[VALERIE’S POV]
Hindi ako galit kay jerry, i admit that....... I’M JEALOUS. Kahit naman nagkukungyari akong gusto ko sya, nagugustuhan ko na talaga sya. Isa pa, he is my first boyfriend! Akala ko, susundan nya ko sa pag wa-walk out ko. Hindi pala...
“nang kita ay makilala napatulo ang laway ko ooohh
Binti ko ay nangatog, ako’y sumemplang at nauntog
Ewan ko, ano bang meron ka’t kikay na to’y napaamo mo
Nabihag mo ang puso kong pihikan
Agad nainlove sa’yo oohh
Ikaw ba ay isang droga? At naaadik ako
Isang kindat mo lang mapapatumbling na ako oohh
Tinamaan na akoo
Walang hiya ka kupido nasirang schedule ko
Putris na kabaliwan itooo............”
Mula dito sa gymnasium, nakita ko si jerry na kumakanta ng TINAMAAN AKO at nakatingin sa akin. Iiiiiiiii!!!! Kinikilig ako! Male version ng tinamaan ako... love it! Bumaba sya ng stage at pinuntahan ako
“VALERIE, I LOVE YOU. Can you Pls. Forgive me?”
“yeeeesssss!!!” hiyawan ng mga tao na kinikilig kilig pa
“sige na nga!”
Niyakap nya ako ng sobrang higpit at ganun din naman ako, teka bakit parang naiinlove na ko sa mokong na to? NO. IT CAN’T BE... baka masira pa ang mga plano ko!
“di na ulit kita pagtatampuhin” sabi nya sa akin habang yakap ako. Hala! Ako ata ang tinamaan hindi sya.