9th Gift
[CHESKA’S POV]
Sino naman kaya yung babaeng kasama nya? Mas maganda kaya sa'kin, mas sexy? Tsk. Ano ba toh, mukha akong naiinsecure. Ngayon lang ako nagkaganito. Bakit ba kasi dumating pa sa buhay ko yang si Kyle eh.
Tsk. Hindi ako naiinsecure, mali lang tong naiisip ko. Magiging pangit kasi ang image ko sa ibang tao kasi nililigawan ako ni Kyle gayung may girlfriend na pa sya. Ganun na nga. Yun ang totoo, yun ang kinakainis ko.
Kaya hindi ko sya magugustuhan kasi :
1. Ako yung magmumukhang masama pag brineak nya yung syota nyang s**t.
2. Ako yung magmumukhang malandi.
3. Ako yung magiging kabit.
At kahit kailan, hindi ko pinangarap maging kabit. Ayoko ng may kahati, gusto akin ang buo.
Isang ideal boyfriend ang pangarap ko at hindi isang gangster, kaya napakaimposibleng magkagusto ko sa kanya. Mali lang tong naiisip ko.
T-teka nga lang? Bakit ba parang ang bitter ko?
Nagseselos ba talaga ko?
IMPOSIBLE!
Hindi ko masyadong ina-touch yung self ko sa kanya! AAAAHHH! Naiirita ako sa kanya.
“Babes, bakit parang kanina pang mainit yang ulo mo?”
Andito kami ngayon sa canteen at sa totoo lang, hindi ko pa din nakakalimutan yung scene sa park.
“Ang lamig kasi masyado dito sa Pilipinas, negative degree celsius na nga daw eh” pamimilosopo ko sa kanya. Wala naman kasing kwentang kausap.
“Wag mo nga akong pilosopohin, galit ka ba sa’kin?”
Tsk. Bwisit din toh eh, feeling nya naman sya yung iniisip ko.
“May ginawa ka bang masama na ikagagalit ko?”
“Wala. Eh parang kanina pang malayo yang tingin mo”
Oh di ba? Ang sarap lang ipasok ng isang buong plato sa bibig nya. Nakakatanggal ng bored, tsk.
“Wala lang ako sa mood. Uuwi na ko hah?”
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagmartsa palabas ng canteen.
“Sure! Hatid na kita!” sabi ni Derrick at tumayo na din sya.
“No thanks, don’t bother”
Ayoko naman kasing mahalata pa nya lalo na wala ang focus ko sa mga sinasabi nya. Masabihan pa ko ng masama dahil hindi ako nakikinig sa kanya.
“But as your boyfriend that’s my obligation”
“Wag na nga kasi”
Ginagaya ba nito si Kyle sa kakulitan? Tsk. Ayan na naman, Kyle na naman. Umalis ka na sa isip ko please...
“Bakit ba ayaw mo?”
“Ayoko lang! tigilan mo na nga ako, naiirita na ko” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pumutok na talaga tong tinatago ko.
Nakita kong biglang lumungkot ang mukha nya.
Awww. That’s hurt, nasaktan ko ata sya. Tsk. Ano ba tong tabas ng dila ko! Ang sasama ng mga lumalabas.
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng buwan at pansin ko kanina pa na sumusunod sa’kin ang araw.
“Hey b***h!”
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae.
“Excuse me?! Ako ba ang tinutukoy mo?”
“Sino pa ba?!, MANG-AAGAW ka!, inagaw mo si Derrick sa bestfriend kong si Lany. Ganyan ka ba talaga?”
Sinusubukan ata ng isang toh ang isang Cheska Umali.
“FYI. Sinauli nya sa’kin si Derrick, pero kung gusto nya, edi sa kanya na.”
Kawawa din naman yung si Lany eh, ibigay ba naman kay Derrick pati kaluluwa?
“Ibig sabihin ba nyan, hindi mo na sya mahal?”
“Oo, mahal ko lang sya bilang isang kaibigan.”
“Ay ganun ba?! Mali ata ang desisyong kong sugudin ka. Sige, una na ko hah?”
Problema nun? Akala ko sasabunutan na ko eh, feeling nya ata nasa koreanovela sya. Manugod ba naman daw ng walang kasama? Tss!
Lumabas ako ng school at pumunta sa ice cream parlor. Sweets lang ang sagot pag stress na ang kalaban ng love life. Love life nga ba?
Lalalalalalala!!!
Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaki at isang babae sa shop. Walang duda, si Kyle yung lalaki pero sino yung kasama nya.
Kailangan ko ng makita kung sino yung babaeng kasama nya.
Tingin sa kanan, hindi kita ang mukha.
Tingin sa kaliwa, hindi pa rin kita.
Tingin sa gitna, malabo na ba ang mga mata ko?
“Kanina mo pa silang tinitingnan, may gusto ka ba sa lalaking yun? Nagseselos ka ba sa kanila?”
Napatingin ako sa nagsalita.
Si Derrick, hindi pa din pala ko tinantanan ng loko.
“Hindi ah! Sinisilip ko lang kung anong flavor ang available sa kanila.” pagsisinungaling ko.
“LIAR!” sigaw nya sa'kin.
“Hindi ako nagsisinungaling, aalis na nga ako.” Kainis lang eh, bakit ba sinundan pa nya ko?
Pero bago pa ko makaalis, nahila nya na ang wrist ko.
“Ano ba Derrick?? Bitiwan mo nga ako.” Hinigit ko ang kamay ko mula sa kanya pero masyado syang malakas.
“Sa isang kondisyon”
No choice na.
“Ano?”
“Sabihin mo sa’kin ang totoo, mahal mo na ba sya?”
A-ano? Tsk. Ano bang tanong yun, pero ang pakiramdam ko, parang ang tagal tagal na panahon ko na syang mahal. Parang hindi lang kami ngayon nagkakilala.
“Sino?”
Kahit alam ko kung sino ang tinutukoy nya, nag maang-maangan pa rin ako.
“Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko.”
“Si Kyle?”
“Oo. Do you love him? Yung totoo. Please...”
Tumungo ako at tumingin sa sahig.
“YES. Mahal ko na sya. Di ko alam kung bakit pero may naaalala ako sa kanya, di ko lang maalala kung sino. Para bang kilala ko na sya dati pa.”
Binitiwan nya ang kamay ko at tumingin ng diretso sa'kin.
“Bakit di mo sinabi sa’kin agad? Edi sana ni-let go na kita”
“Hah?”
“Alam mo ba kung ano ang kayang ibigay na christmas gift ng isang ex boyfriend sa babaeng gusto nyang balikan?”
“Ano?”
“Kalayaan nya. Kaya sana, this coming christmas, maging masaya ka. I love you cheska, no matter what. Mukhang hindi ako ang lalaking para sa'yo.” sabi nya sa'kin sabay halik sa noo ko.
Natouch naman ako bigla. Mabait din naman pala ang isang toh.
“Thanks Derrick”
For the first time, ngumiti ako ngayong araw na toh. Natanggal bigla ang bad vibes ko sa katawan.
“Pero… pag nalaman ko na pinaiyak ka nya, humanda sya sa’kin.”
Oh? Kelangan din na may banta sya?
“hindi naman kami eh, kung ano anong sinasabi mo”
“sus. Dun din tutungo yon” sabay pitik sa noo ko.
“Ikaw talaga!”
Bigla nya kong niyakap at ganun din naman ako.
“Cheska! Wala sana sa’ting magbabago hah? Wag magiging bitter okay?”
“Syempre naman. FRIENDS?”
“FRIENDS. BESTFRIEND!”
Masaya ko dahil sure ako, na itong lalaking toh, kahit broken hearted, hindi magiging bitter.
Mahanap na sana nya ang babaeng para talaga sa KANYA dahil alam kong magiging maswerte ang babaeng mamahalin nya.