#TMNFABKabanata41 Grandma MARIA “Grandma! I missed you!” ani Fiveriel na unang tumayo at niyakap ang bagong dating. Isa-isa na ring nagsitayuan ang mga Carbonelle para salubungin siya at yakapin kabilang si Perseus at natagpuan ko ang sariling sumunod sa kanya. “Where’s grandpa?” ani Fiveriel na sumulyap-sulyap pa sa likuran na animo may isa pang susulyap. “Huwag n’yong hanapin ang wala,” malamig ang boses na saad niya at matapos yakapin si Ellie ay huminto sa harap ko. “Magandang umaga po,” nakangiting saad ko kahit na sa loob-loob ko’y kabado ako. Taas-noo niya akong tinitigan bago hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kung ikukumpara sa suot niya’y walang-wala ang t-shirt at short kong hanggang tuhod. “Grandma, this is Maria Anastasia–my wife.” “Grandma, huwag mo ng

