Vic's It was after finals nang mapagdesisyunan nilang magbabarkada na mag-Batangas kaya papunta na kami ngayon kanila Kim, nagkanya kanyang kotse kami para daw hindi mahirapan pag-uwi. "Dear, drive thru tayo." sabi ni Mika kaya natawa ako. "Seryoso dear? Kakakain lang kaya natin." mga 1 hr ago. "Mukha ba akong nagjojoke ha Victonara?" mataray niyang sabi. "Sabi ko nga eh, eto na oh. Liliko na po tayo mahal na reyna." nakakita na din kasi ako ng Jollibee store. "2 yum burger, 2 tuna pie, 1 large fries, 1 pc chicken joy saka spaghetti, coke yung drink." nagulat naman ako sa inorder niya pero mas ikinagulat ko yung sunod niyang sinabi. "Ikaw? Ano sayo?" I can't help but laugh, ang dami niyang inorder pero para sa kanya lang pala iyon. Napakatakaw nga naman talaga ng mahal ko. Dahil nga

