Vic's
"Fetch me if you can."
I gave her a faint smile saka nagtungo sa klase ko. Her father told me na umaattend naman ito sa mga klase niya, all I have to do is be there before her class ends para hindi niya ako malusutan, and luckily mas maaga ang uwi ko sa kanya.
Victonara Galang, 18 years old, the rule breaker's bodyguard.
"Ara! Ano na? Kailan ka ba sasama sa amin sa inuman?" tanong ni Carol.
"May work na ako Cars, pero malay mo someday diba?" natatawa kong sagot dito, hindi naman ako umiinom talaga eh.
"Work? Anong work? 3rd year ka pa lang tapos magwowork ka na? Paano studies mo?"
"Ang dami mong tanong, kilala mo ba si Mika Reyes?"
"Oo naman, who wouldn't know that famous pain in the ass?"
"Loko ka talaga, I'm her bodyguard."
Nagtaka naman ako nang humagalpak siya at nang tanungin ko ito kung bakit, ano daw pumasok sa kokote ko at kinuha ko ang ganoong trabaho.
"Ara, no offense meant ha, baka siya pa magtanggol sayo." sabay pigil niya ng tawa niya.
"Taekwondo black belter, I also know Judo sama mo na din ang karate, okay na?" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Eh bakit di ka sumali sa varsity?"
"Mas okay ako as academic scholar, education is key to success."
"Dami mong alam." sagot nito saka dumating ang prof namin.
I was waiting patiently sa labas ng classroom niya, pumwesto ako sa lugar na sigurado akong hindi niya ako makikita.
Tito Manuel told me na hayaan ko lang si Mika, so I'm doing what he told me. Ofcourse, I shouldn't let Mika na mapahamak, yun lang naman ang utos niya talaga dahil napapagod na siya pagalitan si Mika.
I saw Mika na papalabas na ng classroom niya at nagpalinga linga, maybe she's looking for me para maiwasan pero sorry siya, kung saan siya dun ako.
Dumiretso sila sa bar, ano bang nakukuha ng mga tao sa pagbabar? Wasted, alcohol at pambabastos lang ata ang nakukuha ng mga babae dito. Why does she want to be in a place like this in the first place?
Mika and her friends started to drink na nang makahanap sila ng table. Nasa may second floor ako ng bar watching her. Sayang, napakaganda pa naman niya. Hindi bagay sa kanya maging laman ng mga bars.
"Vic?" napalingon ako at nakita si Carol kasama ang boyfriend niya. "What are you doing here? Akala ko hindi ka umiinom?"
"I'm not, binabantayan ko lang si Mika." nakangiti kong sagot dito at ibinalik na ang tingin ko sa table nila pero wala na siya doon. "Carol enjoy na lang, hanapin ko pa si Mika."
Mula sa 2nd floor, I scanned the dance floor dahil andun pa naman ang bag niya kaya it's either nagcr siya or sumayaw. Maigi na lang talaga at matangkad siya kaya madali ko siyang nakita.
She's dancing sexily, kaya napabuntong hininga na lang ako, mga anak mayaman talaga oh. There was this guy na lumapit kay Mika at nakipagsexy dance, nakakasuka naman yung itsura. Bulag ba to si Mika? Or malabo ang mata? Halata namang mamanyakin lang siya nung guy.
He held Mika's waist na agad pinalo ni Mika pero ngumiti ng nakakaloko, yuck! Seriously? Is she really seducing that man for real?
When they were about to kiss dali dali akong bumaba para kunin ang gamit niya at nagtungo sa dance floor para iuwi na si Mika. I can't stand watching them.
"What are you doing?!" bulyaw niya pero hatak hatak ko lang ang wrist niya. "Ano ba?!" pagpupumiglas pa niya.
"Bulag ka ba? Minamanyak ka lang nung lalaking yun." sagot ko nang makarating kami sa sasakyan nila.
"He. Is. My. Boyfriend." sagot niya.
Ghad. I can't help myself from laughing. Seriously? Boyfriend niya yun?
"Bakit ka tumatawa?!"
"Sorry sorry." saka ako tumawa muli. "Ang panget ng boyfriend mo." straight forward kong sagot dahilan para masampal ako.
Shit pare, solid. Feeling ko bumakat yung kamay niya sa mukha ko.
"That's for insulting my boyfriend. Know your limits. Bodyguard ka lang." and that hit me. Oo nga pala. Wala akong karapatan magkomento sa buhay niya.
Napatingin ako sa relo ko at nakitang 8:00 pm na. Pabalik na sana siya ng bar pero pinigilan ko siya at ipinasok na sa loob ng kotse.
"Sorry mam, as much as I wanted to accompany you pabalik, I can't. Curfew is set." sagot ko at pinaandar na ang kotse.
"What?! Anong curfew?! It's only 8 pm! Damn you!"
"I'm sorry mam. Just following orders. Diba nga? I'm just your bodyguard at si tito ang nagpapasahod sa akin." nakangiti kong tugon at tiningnan siya sa mirror.
"I'll tell dad to fire you immediately." natawa naman ako.
"Mam, I suggest na wag mo gagawin yan. He'll know na effective bodyguard ako, baka taasan pa sahod ko." pang aasar ko sa kanya.
She groaned, wish I could see how irritated she was.
Pagdating namin sa bahay nila ay inis na inis tong umakyat sa kwarto niya kaya natawa si Tito Manuel.
"What happened?" tanong nito.
"Just like what you said tito, dapat 8:00 pm umalis na kami kung san man kami naroroon. Akala niya ata natakasan niya ako." kwento ko dito.
"I'm glad I brought the right person."
"Definitely tito."
"Ano ba nangyari dyan sa mukha mo at parang namumula?"
"Ah eto po ba? Nasampal lang po ng babae sa bar, napagkamalan lang po ako." pagpapalusot ko dito.
"Oh siya basta mag iingat kayo palagi ha."
Tumango ako at umakyat sa kwarto ni Mika. Kumatok ako dahil nasa akin pa ang bag niya.
"Mam andito na po yung bag niyo."
"Leave it there."
"Hindi niyo po ba bubuksan ang pinto?"
"I DONT WANT TO SEE YOUR FACE!" Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.
Hate me or hate me, you'll still hate me Mika.
"Mam may raise daw po ako sabi ng daddy niyo." pang aasar ko pa dito.
"Pakyu ka Victonara! Pakyu ka!"
"Don't say bad words mam. Good night." I said in a teasing tone.
Narinig ko na lang ang pagsigaw nito. Mukhang inis na inis na si young lady.
Don't worry mam, you'll hate me more dahil babantayan kita ng mahigpit.