Vic's Hindi ko maihahalintulad sa kahit ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi sapat ang salitang 'masaya' para ipaliwanag ang nararamdaman ko, kasi alam kong higit pa roon yung dulot ni Mika. Nakaupo lang ako sa may high-stool nila habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya. Kakatapos lang namin kumain, hindi ko alam kung may lagnat ba siya kaya siya naghuhugas o ano. Ako naman yung naambunan diba? "Mika, wala ka ba talagang sakit?" taka kong tanong sa kanya. Humarap naman siya sa akin at ipinunas ang basa niyang kamay sa kanyang short at tumawa. "Grabe ka, nagpa-practice lang ako. Syempre, I have plans na masolo ka muna before getting a maid." Sabay kindat niya. Namula ang mukha ko dahil sa narinig. "Mika!" hiyaw ko sa sobrang hiya at patuloy siyang tumatawa. "Hay, sobrang cu

