Vic's After nang so called cuddle namin ni Mika ay nagbihis muna ako dahil mukha akong katawa tawa kung haharap ako kay tito na nakacostume diba? I knocked on his door dahil sabi ni manang ay nasa office niya daw ito, and when he told me to come in ay pumasok na ako. Kabadong kabado ako sa magiging usapan namin ni tito, baka kasi mamaya nakita niya kami ni Mika or what. "Relax, hindi naman ako nangangain ng tao." sabi niya saka tumawa kaya napakamot na lang ako sa aking ulo. "Bakit niyo po ako hinahanap?" "Makikipagkwentuhan lang naman, so kamusta naman ang pagbabantay kay Aereen?" Gusto kong sabihin na 'ang saya saya po makasama ni Mika, enjoy na enjoy po akong bantayan at alagaan siya lalo na po ang mahalin siya' pero baka mamatay ako ng wala sa oras pag ganun ang sinagot ko. "Oka

