Mika's Nakaramdam ako ng mahinang tapik at halik sa noo ko kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata. Agad naman akong napangiti. "Good morning dear." nakangiti niyang sabi. "Dinala ko lang gamit mo, bababa na din ako, nasa may dining si tito eh. Sunod ka na din agad ha, para makakain ka na din." dagdag pa niya at muling humalik sa noo ko. Nagnod lang ako at bumangon na din para sa aking morning rituals. Binilisan ko lang para makasabay ko pa kumain si Vic. I stole glances whenever possible since nagbabasa si dad ng dyaryo. Nasa harap ko kasi siya, gustuhin ko man tabihan siya ay hindi pwede dahil ganito naman ang pwesto namin noon pa. I can't let dad na maghinala, napakapraning ng girlfriend ko eh. "Aereen, pwede bang huwag ka munang gala nang gala?" "Bakit naman dad?" "Paano kung m

