"Salamat, ah! Ano nga palang pangalan mo?" Nahihiyang nakipagkamay ang binata. Saka nito sinabi ang buo niyang pangalan. "My name is Dale… Dale Petterson, and you are?" "Rose." "Nice name. Bakit ka nga pala ginugulo ng mga batang iyon?" pagtatakang tanong ni Dale. Umiling-iling lang si Rose saka niya ito nginitian… ngiti na abot hanggang tenga. Bahagyang namula ang pisngi ni Rose habang nakikipagkamay. Lihim naman na napangiti ang binata. Ang kanyang asul na mga mata ay kumikinang sa saya. Naglabas si Dale ng sigarilyo sa bulsa ng kanyang shirt. Gulat na pinagmamasdan ni Rose ito habang sinisindihan ito ng apoy. Inilagay ni Dale ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang labi at bumuga. Hinawakan niya ito ng dalawang segundo, bago bumitaw, nag-iwan pa ito ng usok sa ere habang ito ay lu

