Naningkit ang mga mata ng dalaga sa determinasyon. Gagawin ni Rose ang lahat para mapanatiling ligtas si Lily at maprotektahan ito. Gagawin niya ang lahat para masiguro iyon. Nasubukan na ng gangster na saktan si Lily. Hindi na makapapayag si Rose na muli pa itong masaktan. "Anong nangyari?" tanong ni Rose. "Saan?" Lily clarified in confusion, at tumango siya. "Anong saan? Edi sa'yo, saan pa ba?" "Well... they wanted my sister Sarah," atubili na pag-amin ni Lily, masakit pa rin ang ulo niya dahil sa tindi ng pagsabunot sa buhok niya. "Kapag hindi ko sinasagot ang tanong nila sa akin, ay binubugbog nila ako." "A-ano?" Napabuntong–hininga si Rose at hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. "Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang totoo?" "Hindi ko kaya," simpleng paliwanag niya. "Hindi k

