CHAPTER 2
Narito na ako sa airport. Ngayon na ang schedule ko papuntang manila. Iniisip ko ngayon kung anung buhay na naman ang aking gaganapin kapag nasa manila na ako. Nasasaktan parin ako sa tuwing naaalala ko ang masasayang pagsasama namin ni jake. Nagbabakasakali na sana sa susunod na lalaking mamahalin ko mapapanagutan lahat ang kanyang pangako .
'We will be flying at x feet' -
Hindi ko nlang masyadong iniisip ang nangyari kaya't napag desisyonan kung magpahinga na lamang.
1hour ago...
'Ladies and Gentlemen, we have just be cleared to the land at the Manila Airport!Please take your seats for landing '
Nagising ako dahil sa pagtapik ng babae sa aking likod.
"Hello ma'am goodafternoon we're now here in manila"
"hmmm.." nag-unat muna ako ng katawan bago ko binuksan ang aking mga mata.Sa totoo lang masyado pang malabo ang paningin ko dahil namamaga pa ito dahilan sa buong araw at gabi na pag-iyak. Ngayon ko napagtanto na ako nlang ang tao sa loob agad kung kinuha ang aking mga gamit at direktang lumabas .. WOAH! nakakapanibago ngayon nlang ako ulit naka-uwi dito .Huling punta ko rito kasama ko pa si jak- Pffftt! NEVERMIND! Sumakay nlang ako ng taxi papunta sa amin di rin naman kalayuan ang bahay namin. After 30 mins. Nandito na ako sa tapat ng aming bahay.
Binuksan ko ang pintuan para supresahin sila mommy.
"mommy! Daddy!"
Sabay silang lumingon sa akin at nagulat.
"ANNAKKK!!" patakbong punta sakin ni mommy.
" YEEYYY! OUR PRINCESS IS HERE!" lalo natong si daddy ginawa pa akong bata mag-aasawa na nga ako eh. Wala rin naman akong magawa ako lang naman ang nag-iisang anak nila.
"Kumusta na ang aming magandang prinsesa?"tanong ni mommy pero di ako umimik.
"Ok kalang baby?" nag-aalalang tanong ni daddysabay haplos sa aking likod.
"hindi" tipid kong sagot.
"Bakit may problema ba anak?teka, Nasaan nga pala si jake ba't di kayo magkasama?"
"Wala trip ko lang"
"Ba't naka shades kapa eh mag-gagabi na masyado ka namang balot sa suot mo nagmumuka kana tuloy losyang hubarin mo na yan sayang ang magandang hubog ng yung katawan kung di mo ipapakita" agad naman akong tinulungan ni daddy maghubad ng makapal na jacket . Mukhang nagulat si mommy nang kinuha ko ang shade.
" Oh! Na pano yang mata mo anak! Kulang nalang mahulog na sa sahig yang eyebags mo sa sobrang laki!" ewan ko ba kung malulungkot o matatawa ako sa sinabi ni mommy basta di-nedma ko parin ito.
"Baka kinagat ni jake HAHA" biro naman ni daddy.
Diko alam pero bigla ko nlang niyakap silang dalawa at umiyak ng malakas. Para akong bata na inagawan ng laruan.Ang alam ko lang sobrang komportable ako na nandito na sila para damayan ako. Magsasalita na sana si mama pero agad namang pinigilan ito ni daddy.
"Shhh..cge anak ilabas mo lang yan nandito lang kami para pakinggan ka"
niyakap ko sila ng mas mahigpit .Sana bukas okay na ang lahat...
Pagkatapos naming magdramahan kanina heto kami ngayon sa lamesa kumakain.
"Honey paki-abot nga sa adobo" pakiusap ni mommy habang nagpapacute.
"Okay hon, kiss muna hihi" Habang pangusong-labi paharap kay mommy.
"Hayyss! Cge na nga!" pakipot na sabi ni mommy.
"*tsup* sabay eyecontact at parehang kinilig.
Hay naku feeling teenager talaga tong mga magulang ko.Mukhang ako yata ang lalanggamin sakanilang dalawa.Bigla na namang tumulo ang mga luha ko.Naalala ko nung huling punta namin dito ni jake ganyan din kami.
Flashback
"HAHHAHA"
"HAHHAHAHAHHAHAHHA" Tawa naming dalawa. Grabe sobrang saya pasamantala kaming nasa sala ngayon habang naglalaro ng snake ladder HAHHA grabeng tawa ko kay jake hindi kasi sya nakakawala sa mga ahas kaya palagi syang nahuhuli sakin.
"Yeheyyy!! HAHHAHHA Panalo na naman ako HAHHAHHA!!!" sakit na ng tiyan ko.
"Ang weak mo naman!HAHHAHAH" sabay turo at haplos sa tiyan dahil sa kakatawa.
"Ahh ganun!" bigla akong nagulat ng mukhang hahabolin nya ako kaya ano pang magagawa ko edi tumakbo na rin ako .
"Wahhhh!!mommyy!!daddy!!"
"HAHHAHA lagot ka sakin ngayon! Weak pala hah tingnan natin kung sinong weak!" Pagbabanta nya namay killer smile..shota bigla naman akong natakot dun kaya tumakbo ako kung saan-saan hanggang nakapunta ako sa garden.
"Now im dead huhuhu" Wala na akong takas pa wala nang ibang daan para tumakbo.Nagulat ako ng-
"HULI KA HAHAHA!" kiniliti nya ang tagiliran ko alam niyang yun ang weakness ko muntikan na akong ma-ihi sa kiliti .
"Tama na po please" nagmamakaawa kung sabi.
"Hayyss cge na nga! Hihi kung dika lang cute tsaka maganda eh! "
Salamat naman at tinigil na nya.pumunta ako sa bench namin kung saan tanaw ang magagandang kahoy at bulaklak namin.
"Jake!"tawag ko sakanya.
"Halika dito muna tayo" sumang-ayon naman sya at agad na nagtungo papunta sakin.
Pareho kaming nakatingin sa mga magagandang paru-paro na nasa aming bulaklak.
"Ang ganganda nila noh"
"Oo"sagot ko .
"Parang ikaw" tumingin sya sakin sabay ngiti.
"Dati nakikita lang kita sa campus kung saan² napa-padpad pero ngayon nandito kana sa tabi ko" sabi nya na parang iniisip ang mga sandaling panahon nakita nya ako sa campus.Nakikinig lamang ako sa kanya habang direktang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Samantha ikaw lang ang una't huli kung mamahalin pangako! Diko kayang mawala ka sa buhay ko . You're my everything!" Sabay halik sa aking noo.
*End of Flashback*
"Hoyy!Nak! Kanina kapa namin kinaka-usap ok kalang?"
"hmm" tanging sagot ko lamang .
"anong klaseng sagot naman yan nak ma-iba nga tayo nasaan nga pala si jake ?"tanong ni daddy.Nakatingin lang si mommy na halatang naghihintay sa mga sagot ko.
"break na kami"
"Ha?!what?!"sabay nilang pagsigaw.
"Totoo ba yan nak?!" di makapaniwalang tanong ni mommy.
"Ay walanghiyang lalaki yun sinaktan ang prinsesa namin kaya pala yang eyebags mo pwede nang ipasok sa maleta sa laki dahil iyak ka ng iyak!"Ewan ko kung nagbibiro ba sya o nagagalit.
"Wala eh ganito cguro ang nakatadhana sakin" Iyak na pagsabi ko.
"Anak hindi naman kasi sa masasayang panahon mo ebabasi kung kayo naba talaga ang magkakatuluyan. Bibigyan kayo ng maykapal nang pagsubok kung saan mahahamon ang inyong pagmamahalan. Seguro nga hindi yun nakayanan ni jake kaya naghanap sya ng liligaya sakanya ulit" paliwanag ni mommy.
"Pero mommy di naman ako nagkulang eh" diko na mapigilan at tuloy-tuloy na ang aking paghikbi.
"Ba't parang grabe naman yata ang binigay na pagsubok?ang saklap naman mommy parang diko yata kaya toh"
"Shhh"pagtahahan sakin ni papa .Alam kung awang-awa sila sakin ngayon pero wala na akong ibang mapagsabihan.
"Anak wag mo sanang kalimutan na nandito parin kami na handa kang pasayahin araw-araw wag mong ikulong yang sarili mo dahil sa nangyari gagawin namin ang lahat para sa iyo anak ." Sobrang proud ako na sila ang naging magulang ko.
"Ba't ba kasi isa lang anak natin hon sundan na kaya natin" pag-iiba ni daddy at tumawa. Halata sa mukha ni mommy ang pamulala at pagkahiya.
"Ano kaba ang tanda-tanda na natin buntisin mo nlang yang sarili mo tutal mukhang ikaw naman ang manganganak sa laki ng tyan mo HAHHAHAHA" bigla akong natawa sa sinabi ni mommy..
"HAHHAHAHHAA" tawa ko
"HAHHAHAHAH" pati narin si daddy.
Sana ganito nlang araw-araw..