Chapter 4: COMPLETELY STRANGER

1417 Words
HINDI malaman ni Nirvana ang gagawin. Napahawak siya sa sawa na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Biglang kumislot ito at napatingin sa dalaga. "Tumalikod ka, Ica!" Asik niyang utos. Nakatulala ito na hindi man lang tinakpan ang mga mata o kaya'y pumikit. Nakanganga ng malaki ang bibig ni Ica habang nagpapalipat lipat ng tingin sa sawa ni Nirvana at sa mukha nitong sobrang dismayado. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman. Nakakita lang naman siya ng sawang buhay, malaking sawa na mataba. "P*tang*na! Ang laki!" Sigaw na namutawi sa kanyang bibig. Titig na titig at walang kakurap kurap pa rin si Ica sa harapan ni Nirvana. Napatiim si Nirvana na hindi man lang kumilos ang dalaga. Siya na ang tumalikod at mabilis na tumakbo patungo muli sa banyo. Sinampal sampal ni Ica ang kanyang pisngi. First time niyang makakita ng ari ng lalaki, iyong live, ha. Hindi sa p*rn site. Nakakahiya man pero aaminin niyang nanonood siya. Legal na siya at gusto lamang niyang may matuklasan sa mga bagay bagay. Iyong hindi itinuturo sa kanya. Isa parang lahat naman ay nakakaramdam ng kakaiba sa katawan. Pinamulahan siya ng kanyang pisngi, napapatulala pa rin kapag naaalala ang malaki at matabang alaga ni Nirvana. Natutop niya ang namumula pa rin niyang pisngi. "May ipagmamalaki pala ang ugok," usal niya sa isip na napapangiti. Narinig ni Ica ang paglangitngit ng pintuan ng banyo. Tinanggal niya ang kamay sa mukha at lumabas si Nirvana sa banyo na nakatapis pa rin ng tuwalya. Sinusundan niya ng tingin ang binata. "Lumabas ka na nga! Bakit andito ka pa? Sabi mo uuwi ka na sa inyo. Umuwi ka na!" Taboy ni Nirvana kay Ica na nakapameywang pa sa harapan ng dalaga. Napatitig si Ica sa mga mata ng binata. Natigilan si Nirvana. Sinalubong ang titig ng dalaga. Binasa ni Ica ng laway ang kanyang labi saka kinagat ang pang-ibabang labi. Ilang sunod sunod na lunok naman ang ginawa ni Nirvana. Para kasing inaakit siya ng dalaga. Mahina pa naman ang kanyang katawan sa tukso. "Gusto mo na ba talaga akong umuwi?" Untag ni Ica na hindi inaalis ang titig kay Nirvana. "A-Ayoko. Pero ikaw ang may gustong umuwi. Gusto pa sana kitang makasama buong araw," sagot ng binata. Naglakad palapit si Ica sa kanya. Hindi inaalis ang tingin sa kanya. Sinalubong niya ang titig nito at halos walang gustong bumitaw sa pagkakahinang ng kanilang mga mata. Pinaglandas ng dalaga ang mga daliri sa balikat ni Nirvana pababa sa braso nito. "Gusto mo akong makasama pero itinataboy mo ako, babe," sambit ni Ica na tila may pang-aakit sa boses nito na hindi tumitingin sa mga mata ng binata. Natauhan ang binata at unti-unting gumuhit ang ngiti niya sa labi. Ipinulupot niya ang mga kamay sa beywang ni Ica at biglang kinabig palapit sa kanya na ikinasinghap ng dalaga. "Pumapayag ka na bang maging girlfriend ko? Naging malikot ang mata ni Ica na napatingin sa mukha ni Nirvana. Inaarok kung seryoso ito sa gustong mangyari. Ang bilis ng t***k ng puso niya na alam niyang ramdam ng binata dahil sa kahiblang lapit nila sa isa't isa. Bago pa sumagot si Ica ay naramdaman niyang umangat siya na unti unting umaangat sa ere. Binuhat na pala siya ni Nirvana nang hindi niya namamalayan. Napahawak na lang si Ica sa batok ng binata at naglakad ito patungo sa kama. Nang nasa kama na ay maingat siyang ibinaba ng binata. Hindi pa rin niya tinatanggal ang mga kamay sa batok ni Nirvana. Nakatukod ang isng siko nito sa kama at nakadagan ang katawan sa kanya. LNapatitig siya sa mga mata ng binata. Ngayon lang niya napagtanto na ang ganda pala ng kulay itim na mga mata ni Nirvana. Pangkaraniwang features ng pinoy pero ang expressive ng mga mata niya. 'Pag tinititigan siya ay napapabilis ang t***k ng puso niya. "Don't worry, wala akong gagawin sayo. Unless, ikaw ang mag-iniatiate. Hindi kita aatrasan. But for now, I want cuddles. Puwede ba?" tanong ni Nirvana na maging ang mata ay nakangiti. Marahang tumango si Ica. Hindi siya nakagalaw nang isiksik ni Nirvana ang ulo sa kanyang leeg. Parang inamoy pa nito ng bahagya at tila may naramdaman siyang matagis na bagay na tumatama sa kanyang puson. "Please hug me tightly, babe," anas na pakiusap ni Nirvana, nakapikit ang mga maya na wari'y dinadama ang lambot ng katawan ng dalaga. Nakatapis lang siya ng tuwalya, alam niyang ramdam ni Ica ang pagkabuhay ng kanyang alaga. Wala sa wisyo na sinunod ni Ica ang pakiusap ng binata. Parang kakaiba ang kanyang nararamdaman habang yakap-yakap niya si Nirvana. Pilit niyang sinilip ang mukha nito. Nakapikit ang mga mata at wari niya'y natutulog na ito. Ramdam niya hangin na tumatama sa kanyang leeg na lalong nagpaligalig sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang t***k ng puso nito. Ipinikit na rin ni Ica ang mata at natulog. Bahala na mamaya kung hanapin siya ng mommy at daddy niya. Wala rin ang phone niya, nasa loob ng kanyang kotse at naka-off iyon. Mag-iisip na lang siya ng idadahilan sa kanila. "ANO, Nathan, nakita na ba ang anak mo?" Nag-aalalang tanong ni Lena. "Baka napano na ang nag-iisa kong si Lyrica. Hindi ko kaya." Umiiyak na sabi pa niya. Napapailing na lang at napabuntong hininga si Nathan. "Hon, she's 18, and she knows what's she's doing. Bigyan mo naman ng laya ang anak mo." "Nathan, hindi ako matatahimik kapag 'di ko nakita si Lyrica. Alam mong takot na akong mawalan ng anak. Nag-iisa na lang sa atin si Lyrica." Nawala sa kanila ang unang anak dahil sa sakit. At halos mabaliw si Lena sa sibrang pag-iisip. Matagal bago nasundan kaya sobra nilang iniingatan si Lyrica. Pinagbibihis niya ito ng mahajabang damit at palaging nakatago ang katawan. Ayaw niya itong matulad sa ibang mga kabataan na maagang namulat sa kamunduhan. Iingatan at po-protektahan niya ang kanilang anak kahit na magmukha itong katawa tawa sa harap ng maraming tao. "Pero sa ginagawa mo parang bilanggo ang anak natin dito sa bahay. Kahit man lang pumili siya ng gusto mong damit, gusto mo ikaw pa rin ang nasusunod. Lena, nakikita mo ba ang itsura ng anak mo? She doesn't have her own identity. Ang ganda ng anak natin at bata. Let her enjoy her life." Mabilis na umiling si Lena. "Bibigyan ko ng laya ang anak natin. Pagkatapos, ano? Uuwi siya dito sa bahay na umiiyak, aaminin niyang buntis siya. Hindi siya pinanagutan ng ama ng dinadala niya dahil pareho pa silang bata. Ayokong mangyari 'yon kay Lyrica." "Hindi ko na alam, honey. Masyadong advance ka mag-isip to point na nawawalan na ng buhay ang anak mo, ng karapatan niyang magsaya minsan. Mas gusto ko na maranasan niyang mabigo. At least natuto siya sa mga maling desisyon na ginawa niya. Nagiging matapang siya at hindi lamang nakadepende sa 'ting dalawa. Gusto kong matutunan niyang patakbuhin ang lahat ng negosyo natin, pagdating ng panahon na gusto ko nang magretiro. Magkakaroon din ng sariling pamilya ang anak natin," mahabang litanya ni Nathan sa asawa. Napaisip si Lena. Hindi pa siya handang mawalay sa kanilang mag-asawa si Lyrica. Parang hindi pa niya mapapayagan ito na magmahal ng maaga sa isang lalaki at makakaisip na bumuo ng kanyang sariling pamilya. "Gagawin ko ang lahat para hindi muna makaisip ang anak natin na bumukod at magkaroon ng seryosong relasyon sa isang lalaki. Nathan, dito muna siya sa atin. Tayo ang magulang niya, dapat tayo lang ang importante sa buhay niya. Di ba?" Imbes na sumagot ay niyakap na lang ng mahigpit ni Nathan ang asawa. Nahahabag siya sa nakikita kay Lena. Ayaw na niyang bumalik ito sa dating gawi noon. Gumastos siya ng malaki para lamang manumbalik ang dating sigla ng asawa niya at kung magbalik kay Lena ang kanyang sakit ay baka mas lalong lumala dahil sa sobrang pag-iisip. NAGISING si Nirvana na yakap pa rin si Ica sa kanyang bisig. Nahiga na siya sa tabi nito at nakaunan ang dalaga sa kanyang dibdib. Inayos niya ang buhok nito na nakatabon sa mukha at marahan niyang hinaplos ang pisngi. Kinintalan niya ito ng mabilis na halik sa labi. Ang sarap. Isang araw palang niyang nakakasama si Ica ganito na kalakas ang kanyang nararamdaman. Napasuklay siya ng buhok. "You’re falling in love with someone you barely know, someone completely stranger who’s taken your heart away," bulong niya sa isip habang may malawak na ngiti, nakatingin sa natutulog na si Ica. Mas niyakap pa niya ng mahigpit ang dalaga at muling ipinikit ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD