Ramon's Pov Napagplanuhan ng dalawang grupo na mag unite sa project pero syempre hindi naman pwedeng ipakita ang parehong output kay Mrs Grace kaya gagawa kami ng paraan. Pero Iisang resthouse lang ang pagtutuluyan namin. "Kayo ba yung pinadala dito ng Wesher University?" Tanong saamin nung matanda. Bakit ang galing niyang magtagalog? Pinag aral pa kami ng Chinese para lang makausap ang mga tao dito tapos nag tatagalog naman pala itong lalaking ito? "Opo. Kami nga po. Paano pong napakagaling ninyong mag tagalog?" Tanong ni Jj. Ngumiti ang matanda saamin. "Pilipino kasi ako mga anak. Nandito lang ako sa China para sa mahalagang trabaho. Sakto naman at tumawag saakin ang mga kaibigan kong guro sa Wesher University para hiramin ang bahay na ito." Tumango tango naman kami. Pero paanong nan

