Emeliz' Pov Lumipas ang dalawang araw. Ngayon ang torch lightning also known as opening ng intramurals. Sobra sobrang paghahanda ang ginawa namin ngayon dahil ngayon din ang Ms Intrams. Sobrang pag su-support namin kay Mikay dahil ngayon ang last year niya at kailangan na niyang manalo. For how 3 consecutive years, hawak ni Mikay ang 1st runner up placer at ngayon ay hindi kami makakapayag na 1st runner up lang siya. "Kinakabahan ako." Sabi ni Rocena. Napatingin naman kami sakanya. "Bakit?" tanong ni Wayne. "Para kasing may hindi magandang mangyayari eh." Sabi niya naman. By that, kumabog din ang dibdib ko. Bakit parang tama ang feeling niya? Bakit parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw na ito? "Stay positive guys!" Sabi ni Jovelyn. Napabuntong hininga ako. Hindi na sana.

